MY ETERNAL LOVER

275 9 4
                                    

MOMENTS WITH CAI (PART 3)

"CAIRON!"

I removed my headphone when I heard Amira's loud voice.

"CAIRON!!!"

Napakamot ako sa ulo. Naglalaro ako, e. Binaba ko ang headphone sa ibabaw ng keyboard.

"Coming!" I shouted back.

Napipikon na naglakad ako pataas sa hagdan. Inamoy ko ang sarili ko habang naglalakad. Mahirap na, baka sabihan na naman ako ng mabaho ng asawa ko.

"Cai..."

I flashed my brightest smile to my beautiful wife when I opened the door. She pouts and spread her arms. Kahit na naiinis na sa kakaakya't baba ko dahil sa tawag niya, lumapit pa rin ako at binigay ang hinihingi niyang yakap.

She's 8 months pregnant with our second baby. One month na lang at manganganak na siya reason bakit hindi na siya nakakalabas masyado ng kwarto. At dahil din doon, ako palagi ang gumagawa ng mga gusto niya.

Hindi ako nagrereklamo syempre kasi ako din naman gumawa niyan. Ang nakakapikon lang talaga, kakababa ko lang kasi ang sabi niya ang baho ko tapos tatawagin naman ako para maglambing.

Hindi ko na halos mabilang kung ilang beses akong nag-akya't panaog para lang yakapin niya. Noong naglaro naman ako sa labas ng kwarto, ayaw niya kasi naamoy niya pa rin daw ako. Kay Clint naman hindi siya ganito. Kasi noong si Clint ang pinagbubuntis niya ayaw niya talaga sa akin, halos si Keizira ang umaasikaso sa kaniya. Kaya talagang napapaisip ako kung mabaho ba talaga ang amoy ko. Ilang pabango na sinubukan ko pero ayaw niya talaga sa akin. Tapos paglabas ng anak namin, ako naman kamukha. Tss.

"Maligo ka," wika niya matapos amuyin ang leeg ko.

Ngumiwi ako. Kakatapos ko lang maligo! Pang-limang beses na ngayong araw!

Her hug tighten when I tried to pull away. Napahinga na lang ako ng malalim at wala ng nagawa kundi hayaan siya sa gusto niya. I sit beside her while massaging her back. She moaned when I put pressure on her lower back.

Minutes ang tinagal namin sa posisyon na iyon bago siya humiwalay, pero halik naman ang gusto niya. At dahil mapagmahal at mabuti akong asawa, pinagbigyan ko.

"Gusto kong pizza," she suddenly said.

"Pepperoni?"

She shook her head then give me a long sweet kiss on the lips.

"Hawaiian," she answered.

Tumango ako. Inabot ko ang cellphone sa side table habang ang ulo ay nakaharap pa rin kay Amira dahil hawak-hawak niya at pinapatakan ng maraming halik.

I dialed my best friend's number, Phoenix.

"Sup?"

"Bili mo 'kong Hawaiian pizza," sabi ko kaagad, wala ng bati-bati.

"Ikaw na naglilihi sa inyo ngayon?" tawa niya.

Hindi ako makasagot dahil sa biglang paghalik ni Ami. Naipit ang boses ko dahil doon. I can't stop her because I know na magtatampo siya kapag ginawa ko 'yon.

"The fuck, bro?! Ginawa niyo 'kong audience!" Si Phoenix na mukhang narinig ang impit na sagot ko kanina.

Nilayo ko muna ang cellphone sa amin ni Amira para hindi na marinig ni Phoenix. Tumatawang bumitaw naman si Ami sa halik, nanandya.

I glared at her. She pouts then tried to kiss me again pero mabilis akong umiwas at sinagot na muna si Phoenix.

"Si Ami nagc-crave. Bilisan mo." sabay tapos ng tawag.

My Lover is a Cheater (Lover Series #1)Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu