MY ETERNAL LOVER

401 8 1
                                    

MOMENTS WITH CAI (PART 1)

"Hon..." I wiped my tears using the back of my hand as I cried. "Ang pangit ko na!"

He throws his head back in laughter reason why I cried more while scanning my body on our full length mirror. Suminghot ako at hinaplos ang tiyan ko na malaki at mabigat na.

I'm on my third semester and 2 months na lang lalabas na ang baby namin. I'm excited to see my baby boy. First semester pa lang, nag-aayos na ako ng magiging room niya pati ang mga damit at gamit niya. And Cai helped me on that, pero hindi as in tulong kasi siya lang nagbabayad ng mga binili ko.

Maayos naman ang first pregnancy ko. Natakot pa ako noong una kasi naalala ko si Mama na sensitive ang pagbubuntis, buti na lang at hindi ganoon sa akin. Iyon nga lang, grabe ang morning sickness ko at madaling mahilo kaunting galaw lang, sobra rin ang mood swings ko. Like now, umiiyak ako kasi feeling ko mukha na akong losyang tapos tatawanan lang ako nitong lalaking 'to!

"You're not pangit, Ami."

I pouted. "E, bakit ka tumawa?!" galit kong tingin sa kaniya sa salamin.

He gave out a bark of laughter again before caressing my baby bump. Ipinatong niya ang baba sa balikat ko at nagbigay ng magagaan na halik sa leeg ko. I tilted my head to give him more access but still sulking. He grinned and reached for my lips. Ngumuso ako pagkatapos ng halik niya. Bitin.

"Maganda ka, Ami. Sobrang ganda. Sino ba nagsabi sa baby ko na pangit siya, hmm?" he softly said like he's soothing a baby. He helped me wiping my tears.

"Sinungaling ka," saad ko. Tinuro ko ang sarili namin sa salamin at nagsimula na namang ngumawa. "Ang taba-taba ko na! 'Yung braso ko tingnan mo ang laki nila. Ang pale na rin ng skin ko tapos..." Hindi ko na matuloy ang mga reklamo ko dahil sa pag-iyak. "Cairo, maghiwalay na tayo!"

"What?!"

Tinaggal ko ang kamay niya na nakayakap sa akin. Hinarap ko siya at sinuntok ang dibdib. He winced.

"Maghahanap ka na ng iba kasi pangit na ako."

I punched him again.

"Ipagpapalit mo ako sa sexy."

And again, I punched him.

"Damn you! Ikaw ang may kasalanan bakit ang pangit ko na."

Pinagsusuntok ko ang dibdib at braso niya habang umiiyak. Uma-aray naman siya at sinusubukan na pigilan ang kamay ko habang tumatawa. Mas kumulo ang dugo ko dahil bakit tawang-tawa siya!

"Tumawa ka pa, sige! Bukas wala na ako rito!" banta ko.

"Hindi ako natawa!" sagot niya, pilit ginagawang seryoso ang mukha.

"Hindi mo na ako mahal! Doon ka na sa Chinese mo!" Tukoy ko sa model na nai-issue na naman sa kaniya.

Doon ay hindi niya na napigilan ang malakas na pagtawa. And because of that, my cries became louder. Natigil ako sa pagsuntok at tumayo na lang sa harap niya. Tinakpan ko ang mukha ko at humikbi nang humikbi.

"I hate you..." I mumbled.

"Ami..." I heard him groaned.

Naramdaman ko ang kamay niyang nanantiya sa pwede kong reaksyon kapag hinawakan niya. Pina-ikot niya ang braso niya sa balikat ko at dahan-dahan na hinila ako sa dibdib niya. Awtomatikong sumabit ako sa leeg niya at doon ay nag-iiyak. He keep caressing me kahit na minsan ay kinukurot ko ang batok niya. Hanggang sa unti-unti ay kumakalma ako.

And when I finally calmed down, he brushed my hair using his fingers. Pinunasan niya rin ang mga pawis sa noo at leeg ko, pati ang mga luhang natuyo na sa pisngi ko. Pagkatapos ay hinila pa-upo sa rocking chair.

My Lover is a Cheater (Lover Series #1)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora