CHAPTER 21

172 4 1
                                    

Chapter 21

Naging mabilis ang mga sumunod na araw sa amin. Ilang buwan na kaagad ang dumaan. Mas naging busy kami sa school lalo na noong nag-eleksyon para sa Student Council. Tumakbo ako bilang secretary at swerte dahil nanalo. At dahil doon ay mas naging busy ako. Sunod-sunod ang meeting at events na kailangan naming gawin. Halos hindi na nga kami pumasok sa klase kaka-excuse dahil kailangan naming magmeeting. Pero nakakahabol naman din ako dahil kila King na nagbibigay ng notes sa akin. Exam rin namin last week kaya kinailangan ko talagang mag focus dahil baka bumagsak ako. Nairaos ko naman iyon at pumasa kahit papaano. Hindi ko rin naman hinahayaan ang sarili kong masyadong mapagod. Kumakain ako ng tama sa oras at natutulog ng hindi masyadong late. At iyon ay dahil sa pagpapaalala ni Dreo.

Araw-araw nasa bahay si Dreo. Tumatambay kami sa salas habang nakabantay si Mama o kaya naman ay si Papa. Minsan ay sumasama kami kila Keizira kapag aalis silang dalawa ni Brix para makagala rin. Mas naging maayos ang panliligaw ni Dreo. Mas nakilala rin namin ang isa't isa sa loob ng ilang buwan. Marami akong nalaman tungkol sa kaniya. Nalaman ko ang mga paborito niya at mga gusto niyang gawin. Nalaman ko rin na mas matanda siya sa akin ng isang taon dahil late siya nakapag-enroll noong elementary. Nalaman ko ring parehas kaming may kapatid na namatay sa loob ng tiyan ng nanay.

May times na nag-aaway kaming dalawa pero hindi hinahayaan ni Dreo na magtagal ng isang araw. Hindi siya aalis ng bahay hanggat hindi kami bati. Magsosorry kaagad siya kahit ako ang may kasalanan. Kahit hindi niya alam anong inaarte ko, magsosorry siya. He will lower his pride for me and then we'll talk about it. Minsan si Mama naman ang nag-aayos sa aming dalawa kapag si Dreo ang nagtatampo. Syempre hindi ako manunuyo dahil wala naman talaga akong kasalanan. Nagmamatigas kaming dalawa kaya si Mama na ang sumusuko at siya na ang nag-aayos.

Kumportable na rin sila Papa at Mama kay Dreo. Kampante na silang hindi gagawa ng hindi maganda si Dreo sa akin. Pumapayag pa nga silang matulog kaming dalawa sa kwarto. Ako sa kama, si Dreo sa baba tapos nakabukas ang pintuan. Nakapag dinner na rin dito si Tita Dean kaya naging malapit na talaga kami.

Syempre masaya ako kasi ngayon pa lang na hindi kami, maayos na lahat, paano pa kung kami na? Umaasa ako na sana kapag sinagot ko si Dreo walang magbago. Hindi siya sana tumulad sa iba na kapag nakuha na 'yung gusto, akala mo na kung sino. Ang totoo niyan balak ko ng sagutin si Dreo, hindi ko lang alam paano at kung kailan. Hindi naman kasi siya nagtatanong.

Almost 4 months na rin nang manligaw siya. Napatunayan naman niya na deserving siya. Naalala ko pa noong isang gabi, nasa salas kaming dalawa at nanonood ng movie. Tulog na lahat ng tao sa bahay at kami na lang ang natitira. Parehas kaming nakahiga sa sofa at kumakain ng french fries nang bigla siyang umupo at lumingon sa akin. Akala ko kung anong nangyari, muntik pa kong mapasigaw sa gulat sa kaniya.

Nagkatinginan lang kaming dalawa, naghihintay ako ng sasabihin niya. Titig na titig siya sa akin tapos bigla niyang sinabi...

"Clea, I love you."

Sa mga oras na 'yon wala akong ibang nagawa kundi matulala. My heart is pounding really fast and I can't contain my emotions. Gusto ko na lang biglang umiyak. Hindi ko alam bakit. Siguro sa tuwa? Gulat na gulat ako sa sinabi niya. Hindi pa masyadong nagpa-process sa utak ko pero nahawakan niya na kaagad ang kamay ko at pinisil iyon ng tatlong beses. Nakagat ko ang labi ko at napakurap-kurap. Alam ko ang ibig sabihin noon. Sabay naming nabasa 'yon sa Facebook, na kapag hinawakan mo ang kamay ng isang tao at tatlong beses mong pinisil ang ibig sabihin noon ay mahal mo siya.

Noong gabing 'yon hindi ako makatulog. At alam kong gising rin siya noon. At noong gabing 'yon iniisip ko na kung paano ko sasagutin si Dreo. Kung sa mismong oras na ba 'yon dapat umamin na rin ako na mahal ko siya. O, paghandaan ko muna dahil bago pa lang kami. Pero hindi ko na kayang magtagal pa sa ganito. Gusto ko na siyang mahalin na alam niya at alam ng lahat. Kaya nagpatulong ako kay Seth kung anong gagawin. Kahit si Mama at Tita Dean tinanong ko kung paano. Sabi nila hintayin ko raw magtanong si Dreo tsaka ako sumagot. Pero ilang araw na hindi naman siya gumagawa ng kahit anong aksyon. Maliban sa paulit-ulit at araw-araw niyang pagpapaalala sa akin na mahal niya ako.

My Lover is a Cheater (Lover Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon