CHAPTER 45

551 11 8
                                    

This the last chapter of My Lover is a Cheater. Thank you for all your support! Wait for the Epilogue and the Special POV.

~

Chapter 45

"Amira!"

Napalingon ako sa entrance ng mall nang marinig ko ang boses ni Heira. Nasa likod niya si Dreo at Gab na nagmamadali rin sa paglalakad palapit sa akin.

Hinawakan ni Heira ang balikat ko at punong-puno ng pag-aalala ang mukha.

"Are you okay? Anong nangyari—May sugat ka!" sigaw niya habang nakaturo sa braso ko.

Hindi ko iyon pinansin kahit na nararamdaman ko nga ang hapdi. Sigurado ay galing iyon sa isa sa mga fans at nakalmot ako kanina. Na kay Dreo ang mata ko, nasa akin din ang mata niya at hindi ko alam kung anong tawag sa ekspresyon na meron siya ngayon.

Nang makalapit siya sa akin ay inagaw niya ako sa pagkakahawak ni Heira. Mahigpit ang hawak niya.

Galit siya. Sigurado ako doon.

"Nasaan si Dalia?" mariin niyang tanong habang titig na titig sa akin gamit ang seryosong mata.

Napalunok ako at nakaramdam ng takot sa kaniya. Noong huling nagalit siya sa akin at matagal na. At noong time na 'yon, muntik na kaming maghiwalay.

Nanginginig ang kamay na tinuro ko ang pwesto kung saan kami dinumog kanina. "D-Doon kami nagkahiwalay. Hindi ko alam kung saan siya napunta noong n-nagkagulo. Dreo, I'm sorry. Hindi ko kasi ma-control 'yung mga tao kanina—"

"Ang sabi ko kasi sa inyo umuwi kayo ng diretso!"

Napapikit ako at napaigtad sa mahina pero diin na diin niyang sigaw. Mabilis na namuo ang luha sa mga mata ko. Nanikip ang dibdib ko dahil sa takot na nararamdaman sa kaniya.

I know him as a gentle man. Malambing at palaging kalmado. Nakita ko na siyang galit, oo, pero iba ngayon. Hindi ko masabi kung anong tawag sa ekspresyon na meron sa mukha niya. Halo-halo. Pagkadismaya, pag-aalala at galit.

"K-Kasi may dadaanan—"

"Hindi mo naisip na pagkakaguluhan ka dito?! Kilala kang tao, Amira, kaya dapat naisip mong pwede kang dumugin!"

"Dreo, ano ba!" pigil ni Gab kay Dreo.

Tinulak niya palayo si Dreo sa akin kaya nabitawan ni Dreo ang braso ko. Mabilis kong hinawakan iyon at minasahe dahil sa sobrang sakit. Humarang si Gab sa harap ko na parang pino-protektahan ako kay Dreo. Lumapit naman kaagad si Heira sa akin at hinawakan rin ang braso kong may sugat.

"Maraming nakatingin, Dreo! Huwag mo ng palalain pa!" mahinang sigaw ni Gab.

Pasimple akong tumingin sa paligid namin at saka ko narealize na marami ngang nanonood. Marami rin ang nakatutok na camera sa amin at nagbubulungan. Pero nakakapagtaka na masama ang tingin nila sa akin. Nang may makasalubungan ako ng tingin ay inirapan niya ako at bumulong sa katabi.

Kumunot ang noo ko at yumuko. Nalimutan kong nasa public place kami at natural na maraming makakakilala. Tapos ganito pa ang mga itsura namin. Halata ang galit sa mukha ni Dreo habang ako ay umiiyak. Madaling gumawa ng kwento. At hindi na ako magugulat kung meron ng nagpost nito.

"Ipa-page mo si Dalia. Magpatulong na rin tayo sa guards. Imbes na magalit ka kay Amira, hanapin na natin si Dalia," tila nagtitimping sabi ni Gab na nakaharang pa rin sa harap ko.

Isang beses pa na sinulyapan ako ni Dreo bago siya marahas na bumuga ng hangin at talikuran kami. Mas dumami ang bulungan dahil sa reaksyon ni Dreo. Nanatili akong nakayuko at iniiwasan ang tingin ng mga tao.

My Lover is a Cheater (Lover Series #1)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora