CHAPTER 18

169 7 1
                                    

Chapter 18

Abot langit ang kaba ko habang nasa byahe kami ni Dreo. Malakas at ramdam na ramdam ko ang kabog ng dibdib ko habang pinapanood ang mga bahay na dinadaanan namin. Nanlalamig at bahagyang nanginginig na rin ang kamay ko. Habang si Dreo ay chill lang at prenteng naka-upo sa loob ng tricycle.

"Dreo, seryoso ka ba?" I asks for the nth time.

He glanced at me and with a smile on his face. He nodded. "Oo nga."

I took a deep breath and nodded. Hindi naman ako ang magpapaalam pero ako pa ang kinakabahan. Kung hindi man nila ako payagan, si Dreo na bahala ron. Hindi rin naman sa gustong-gusto kong magpaligaw pero syempre gusto ko si Dreo kaya...

Parang makakawala sa dibdib ko ang puso ko sa sobrang lakas ng tibok nang nasa entrance na kami ng village. Bumaba kami at naghanap ulit ng tricycle para sumakay. Madilim na ang daan at marami kaming dala kaya mas mabuti kung magta-tricycle kami. Hindi mapakali at parang gusto kong sumuka nang makarating na kami sa tapat ng bahay.

Keizira and Brix were in front of the house when we got off the tricycle. They both look at us. Keiz waved her hand and jogged towards us.

"Kanina ka pa nila hinihintay sa loob. Saan kayo galing?" she asks before glancing at Dreo. "Ginawa mo pang taga-bitbit si Dreo," sabi niya.

Dreo laughed beside me before answering, "Okay lang po. Nandiyan din po ba si Tito?"

Napatingin sa akin si Keizira at tinaasan ako ng kilay. "Bakit?" Keiz asks, still raising her eyebrows on me. "Anong kailangan mo?" She looks at Dreo.

"May sasabihin lang po ako," Dreo replied. Narinig ko ang kaba sa boses niya dahil sa tingin ni Keiz. Mabilis siyang sumulyap sa akin. Napahinga ako ng malalim at hinawakan ang braso ni Keizira.

"Pumasok na tayo, gutom na 'ko," palusot ko. Nakita kong huminga ng malalim si Dreo nang hindi na nakatingin si Keizira sa kaniya.

I handed her to Brix and push them both to enter the house. Keizira still eyeing Dreo when we are walking towards the dining. Nandoon sila Mama na naghahain ng lamesa at si Papa na nasa likod niya at nakatingin lang. Pinalagay ko kay Dreo ang mga gamit ko sa kitchen counter. Lumapit ako kay Mama at Papa para magmano.

"Bakit ang tagal niyo? Sinama mo pa si Dreo. Gabi na at baka hinahanap na 'yan ng Mama niya," sabi ni Mama matapos magmano ni Dreo.

"Okay lang po."

"Dito ka na magdinner, Dreo. Sabihin mo na lang sa Mama mo," si Papa.

Tumikhim si Keizira na nakaupo na katabi si Brix. Nagkatinginan kaming dalawa. She arched her brow at me and pointed Dreo using her lip.

Lumingon ako kay Dreo. Halos matawa ako nang makita siyang kinakabahan. Parang kanina ang chill niya lang at confident pa, pero ngayon ay parang kakainin siya ng buhay nila Mama at Papa.

"Umupo na kayo, kukuhanin ko lang ang kanin. Ami, ipagsandok mo si Dreo. Ikaw rin Brix."

Umupo kami ni Dreo sa harap ng lamesa. Katabi ko si Dreo at Papa sa magkabilang gilid ng paikot na lamesa. Habang si Dreo ay katabi si Brix na katabi si Keizira. Dumating si Mama na dala ang kanin at umupo na rin sa tabi ni Papa.

"Kumain ng madami, ah?" sabi ni Mama kay Dreo.

Dreo nod his head and dig in. Panay ng tingin ko kay Dreo to check if he's still okay. Tahimik lang kami habang kumakain at tanging si Keizira lang ang nagsasalita. Mabilis naubos ni Dreo ang pagkain niya kaya inalok ulit siya ni Mama at wala siyang nagawa kundi tumango. Mama is smiling ear to ear while she's glancing at Dreo. She turn to me and wink. Kumunot ang noo ko sa ginawa niya kaya nilingon ko na lang ang pagkain ko at mabilis iyong inubos. Umiinom ako ng tubig sa baso nang maramdaman kong kinulbit ako ni Dreo sa bewang. Muntik ko ng mabuga ang tubig sa lamesa kung hindi ko pa natakpan ang bibig ko.

My Lover is a Cheater (Lover Series #1)Where stories live. Discover now