CHAPTER 12

320 5 0
                                    

Chapter 12

Mabilis akong bumaba ng sasakyan nang iparada iyon ni Papa sa tapat ng school.

"Take care, Ami!"

I only gave him a wave and a flying kiss as a goodbye.

I have 10 minutes bago malate kaya tinakbo ko na papunta sa gate. Kahit na maraming tao ay nakipagsiksikan ako. We have a SSG meeting and it'll start at exactly 7AM, pero nagkaroon ng aksidente sa highway kaya na-traffic at late na kami nakarating.

"Bawal na nga pumasok! Time na, oh. Kung ayaw niyo malate pumasok kayo ng maaga. Diyan kayo mag flag ceremony! Ay, ang kulit."

"Kuya, bilis na! May tatapusin pa kaming presentation, e."

"Bawal nga sabi!"

Napakamot ako sa ulo ko nang marinig ang sigaw ni kuyang guard at ng isang estudyante.

My God, the feeling superior guard is on duty today.

"Kuya!" sigaw ulit ng mga estudyante. Umiling si Kuya at hinarang pa ang mahabang itim niyang stick sa gate.

Naiinis na napasuklay ako ng buhok. Grabeng umaga! Ako lang ang maganda!

Kinuha ko ang cellphone sa bulsa ko at sinubukang idial ang number ni Seth. And thanks universe dahil sinagot niya.

"Ami, nasaan ka?" Hindi ko marinig ng maayos si Seth dahil sa sigawan ng mga estudyante kaya lumayo muna ako. "Nakapila na mga kaklase mo. Nasaan ka ba?"

"Nasa gate ako, ayaw kami papasukin ni Kuya kasi time na raw!" sumbong ko.

"Huh? 6:53 pa lang, ah?"

"Iyon na nga! E, ayaw pa rin kami papasukin."

"Sabihin mo, SSG officer ka tsaka hindi pa 7 kaya pwede pa kayong pumasok," sabi niya.

Napasimangot ako at tiningnan ng masama ang guard na sumisigaw pa rin at pinapapila ang mga estudyante.

"Puntahan mo nga si King, sabihin mo nasa gate ako at ayaw papasukin," sabi ko.

"Okay, wait," sabi niya at nawala ng saglit ang boses ni Seth pero naririnig ko ang boses ni Ray. "Wala raw, Ami, pinuntahan na daw kanina ng ibang representative."

Nasapo ko ang noo ko sa inis. Kung kailan naman kasi dapat maaga tsaka may mangyayari sa highway!

"Oh, sige. Kapag nakita mo sabihin mo, ayaw kami papasukin or pasundo ako dito."

"Alright. But try mo rin kausapin si Kuya baka payagan ka. Hanapin ko ibang officer para masundo ka. Bye, pinapapila na rin kami," paalam niya at tuluyan ng binaba ang tawag.

Nakangiwing tinago ko ang cellphone sa bulsa at nakipagsiksikan ulit sa mga tao para makalapit sa guard. Ilang beses akong naapakan at natulak pero wala na akong pakialam. Mas masakit mamahiya ang president at head ng SSG kapag late ka.

"Kuya, hindi pa naman po 7 kaya pwede pa po kaming pumasok!" seryosong sigaw ko sa guard.

Napakamot siya sa ulo, naiinis na. "Hindi na nga pwede! Ang kukulit niyo naman!"

"Kung pinapasok niyo na po sana kami, edi sana hindi na po kayo nakukulitan. Hindi pa naman po time, e!" sabat nung isang lalaki na mukhang mas matanda sa akin. "Kuya guard, masyado kang advance mag-isip. Pwede po namin kayong ireklamo!"

"Aba! Ako pa talaga ang tinatakot niyo? Kung sana ay pumasok kayo ng mas maaga, edi nakapasok kayo?"

"Kasalanan po ba namin malabo ang mata ng driver sa highway kaya nagkabanggan at na-traffic?" galit kong sigaw. Sumagot ng 'oo nga' ang mga nasa likuran ko at mga tumango bilang pag-agree sa akin. "Ito oh!" Nilabas ko ang phone ko ag pinakita sa kaniya ang oras. "6:56 pa lang, ho. Hindi pa kami late dahil may 4 minutes pa kaya papasukin niyo na po kami."

My Lover is a Cheater (Lover Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon