CHAPTER 5

559 14 1
                                    

Chapter 5

"Hey what is up, everyone! This is Amira Mariposa and we are back for another video!" Sumigaw sa likod ng sasakyan sila Heir nang mag-intro ako. "So for today's vlog, may mga guests tayo. Yes, guests with letter S kasi madami sila. And I'm sure kilala niyo sila kasi kung ako pinapanood niyo, malamang sila rin!" 

Tama ako na naging busy ang buong linggo namin noong umuwi ako. Tawag agad ni Sethere para sa shoot ang bumungad sa akin kinabukasan para sa isang shoot. Kasama siya ay palipat-lipat kami ng lugar at may pagkakataon pa na hindi na kami nakakauwi at nagchecheck-in na lang sa hotel. Pareho kaming pagod kaya pinili niyang hindi sumama ngayon at magpahinga.

At ngayon ay tapos na ang mga shoot ko pero naimbitahan naman akong masali sa gagawing music video. I will be the leading lady and I really want to be part of this. Kaibigan ko rin naman kasi ang gumawa ng kanta na isa ring vlogger, si ate Jai.

Bumaba ako ng sasakyan at sinalubong ang mga makakasama ngayon. Marami ng tao at may mga hawak na camera rin dahil lahat kaming kasama sa music video ay mga vloggers. Ang swerte ko lang talaga dahil ang baguhan na tulad ko ay nakasama.

"Hi, Ami!" Napangiti ako nang makita ko si ate Jai na tumatakbong lumapit sa akin.

Pinakita ko sa camera si ate at pinakilala. May mga lumapit na ring iba kaya sunod-sunod na silang nagpakilala. Puro pa biro ang iba kaya tumagal kami doon. Pagkatapos nila magpakilala lahat ay tinuro nila ang isang maliit na lamesa kung nasaan ang mga gamit.

Si Reign ang humawak ng camera para sa akin at vini-video-han ako habang nalalakad. Pinapaliwanag ko ang mga mangyayari at kung bakit kami nandito. While Heir is on her phone, talking to someone.

Nang makarating kami sa lamesa ay binati namin ang mga lalaking nandoon na may mga hawak na camera at iba pang gamit na gagamitin. Apat lang naman sila and mukhang maiingay pa. It was quite awkward dahil team ni Dreo ang pinapakilala ko.

Yes, they're our videographer for the whole shoot. Nung nalaman ko ang tungkol doon parang gusto kong umatras, but ate Jai is so persistent kaya wala akong nagawa. And also, ano naman if siya ang videographer? This is work. Mas importante ito kaysa sa mga kung ano ko sa buhay.

Minadali ko ang pagpapakilala sa kanila dahil nakita ko na si Dreo na palapit dito. Hinila ko si Reign at Heir para lumipat sa kabilang lamesa at umakto na nagsasalita pa rin para hindi mahalata. Narinig ko ang tawanan ng mga kasama ni Dreo kaya napalingon ako sa kanila. Nahuli ko silang parang inaasar si Dreo habang ang lalaki ay nakatukod ang dalawang braso sa lamesa habang nakatingin sa akin.

"Anong sakit mo, pre? Iniiwasan ka?" tawa ng isang kasamahan niya.

He's wearing his favorite outfit. Plain gray tee shirt and plain black shorts. May nakasabit din na camera sa leeg niya and as usual his hair is in messy.

Mabilis na umiwas ako ng tingin at nagfocus sa camera. I heard Reign giggles beside me. I glared at her.

Ilang minuto pa bago kami sinabihan ni ate Jai na mag-ready na. My two friends will help me to fix myself that's why sinama ko sila. Ayokong maghanap pa ng mag-aayos sa akin dahil baka hindi ko magustuhan ang ayos. Kumpara sa dalawa na saulo na ang gusto ko.

The story of the song is about the girl na naliligaw pa rin ng landas at nalilito sa mga desisyon ba ginagawa. She wants to prove herself to others but when she's trying, she always failed kaya pinipili niya na lang kung ano ang mas tingin niya ay mabuti sa kaniya. Kahit na hindi niya gusto, pinipilit niya dahil doon maayos siya. Not until she met this guy who became her map. This guy lead the way and guided her to her dreams. But when they are at the end of the journey, the guy left the girl. Akala ko sad ang story pero hindi, because the girl continue walking to the right path and when she reached the finished line, she saw the man—smiling and looking proud at her.

My Lover is a Cheater (Lover Series #1)Where stories live. Discover now