CHAPTER 14

230 3 2
                                    

Chapter 14

"Una na kami, Ami."

"Ingat."

Huminga ako ng malalim at tiningnan ang hawak kong garbage bag. Inilagay ko iyon sa loob ng trash can at pumasok na ulit sa room.

"You're going home na?" salubong na tanong ni Gab nang makapasok ako sa room. Tumango ako. "Sabay tayo?"

Kumurap ako ng dalawang beses bago umiling sa kaniya. "No, it's okay. Susunduin ako," I said and smiled at him.

Kinuha ko ang bag ko sa upuan at nagpaalam na sa mga natitirang kaklase sa classroom para umuwi. Diretso ang tingin sa daan na naglakad ako papunta sa gate.

Susunduin daw ako ni Papa dahil sa labas kami magdi-dinner. Kanina pa nakauwi si Seth dahil maggagala sila ng mga kaklase niya as celebration para sa pagkapanalo nila. Gusto niya akong isama but it's very insensitive of him to invite me. Natalo kami sa play. We lost the competition and he invited me to join their celebration. Hindi ba niya naisip na magmumukha lang akong tanga roon?

Huminga ako ng malalim at pinikit ng mariin ang mata.

I did my best. At least I did my best kahit na hindi kami nanalo. But still... it's disappointing.

We work hard for the play pero talo kami. Walang mali at walang kulang pero bakit talo pa rin kami? In my opinion mas maganda pa ang performance namin kesa kila Seth but why did we lost the competition?!

Nakakalungkot lang kasi na ilang linggo namin 'yon pinaghandaan. Lahat nag-eexpect na manalo kami lalo na ang mga kaklase ko pero nabigo ko sila. Kahit ba binigay ko ang best ko feeling ko may kulang sa mga plinano ko. Feeling ko may mali sa script na ginawa ko. Feeling ko hindi pa iyon yung best ko.

Kinalma ko ang sarili ko at pinigilan ang sarili na maiyak sa disappointment. Kanina ko pa gustong sumabog at mainis pero hindi ko magawa dahil maraming makakakita. Lahat ng kaklase ko excited before the competition start pero everyone was down when the winner announced. Natahimik lahat ng kasali sa play habang 'yung iba ay panay ang pag-comfort.

Hinigpitan ko ang kapit sa tote bag ko bago nagpatuloy sa paglalakad. Kinurap ko na lang ang luhang namumuo sa gilid ng mata ko at nagmadali na.

"Clea."

Nagulat ako kay Dreo nang hinihingal na sumabay siya sa akin sa paglalakad. Kinuha niya kaagad ang tote bag sa balikat ko at isinuot sa balikat niya. Bumuga siya ng maraming hangin dahil sa hingal.

"Akala ko kasama ka nila Camira?" nagtatakang tanong ko.

Ngumiti siya sa akin at umiling. "Katamad," sagot niya.

"Pero susunduin ako ni Papa kaya hindi tayo sabay uuwi."

"Oo nga, hinintay lang kita," nakangiti niyang sagot.

Tiningnan ko siya, tumingin din siya sa akin. Nagtitigan lang kami sa gitna ng oval at wala ni isang nagsalita. Nagsimula akong makaramdam ng ilang nang naging seryoso ang mukha niya at lumamlam ang mga mata. Ako ang unang umiwas ng tingin. Tumukhim ako at nagkunwaring may tiningnan sa cellphone. Tumukhim din siya at nagkamot ng ulo bago naunang maglakad. Sinusulyap-sulyapan ko siya habang naglalakad.

Natitigan ko ng maayos ang itsura niya ngayon. Hindi na tulad ng dati na gusot palagi ang uniform at marumi ang mukha. Palagi na ring nakasarado ang butones ng uniform niya pero ang buhok niya ay ganoon pa rin. Gwapo naman siya tingnan sa messy hair but I want to see how he looks when he's in a neat hair.

Malapit na kami sa gate nang putulin niya ang katahimikan sa amin.

"Ang galing niyo kanina," seryosong sabi niya.

My Lover is a Cheater (Lover Series #1)Where stories live. Discover now