CHAPTER 9

390 9 2
                                    

Chapter 9

Hi everyone! I would like to clarify things right now. The posts and articles you've read IS NOT TRUE. Those are false information and because of those, someone is being targeted of hates. Amira Mariposa is a lovely and friendly person, we met once but I know her since then because of Dreo Cabalan, her close friend. And one more thing, I don't remember me saying that Dreo and I have a relationship. Malapit na magkaibigan po kami ni Dreo pero wala po kaming relasyon, katulad nila Dreo at Amira.

You judged so quickly without knowing or hearing the explanation of the person. Is that how you protect me? By bashing and throwing hate words towards the person? Kasi kung oo, I don't need your protection and support.

If you will asked me about the clip na kumakalat, we are not fighting. May parehas lang kaming pinaglalaban pero hindi po kami magkaaway. At hindi po kami perpekto, may mga attitude din po kaming lahat kaya normal ang magtaray. Ginagawa niyong big deal ang lahat para lang magkaroon ng mapagchichismisan. Tigilan niyo si Amira and Dreo, nanahimik sila, please lang. Kung hindi niyo pa rin tatapusin 'tong issue na 'to, may kulang na ang utak niyo. May sarili kayong buhay, iyon ang atupagin niyo. Hate me if you don't want my way of speaking right now, I don't need you.

Thank you.

Nagscroll ako sa mga comments ng post ni Clarisha kaninang umaga. Akala ko aabutin ng ilang araw bago sila magsalita pero nagulat na lang ako dahil dalawang araw matapos pumutok ang issue ay nagsalita kaagad sila. At maghahapon na rin ako nagising dahil tinapos ko ang isang series kagabi pagkatapos ng tawag ni Papa.

Rai Salvasion:

Halatang pinagtatakpan lang ang totoo para hindi masira. Sige, anong pinaglalaban niyo ni Amira bakit kayo nagsisiringan?

Clarisha Moorland replied:

Kung bakit bagong gawa ang account mo para lang makapangbash. Bigay mo sa akin ang real account mo bago ko sabihin. Pakialamero.

Jaia Sy:

People nowadays are feeling matatalino na alam na ang lahat dahil sa isang picture or video. Nakakatawa kayo. Halatang mga bored sa buhay kaya buhay ng iba ang pinagdidiskitahan. I love you Amira Mariposa! And thank you Clarisha sa this

Heira Santiagos:

Sino ba kasi nagpost nung video and pictures? Peyk Nyus ka!

Clarisha Moorland replied:

@Alecis Moon

Heira Santiagos replied:

Thank you sa pagmention, Clarisha! Irereport ko lang, chariz!

Hindi ko mapigilang matawa sa comment ni Heira. Pero mas nagulat ako nang imention ni Clarisha ang fan account na nagsimula ng issue. Marami pa ang nagcomment at nagbigay ng side patungkol sa issue pero ang talagang top comments ay ang comment ni Dreo.

Dreo Joseph Cabalan:

Thank you, Risha.

Simpleng thank you lang iyon but it reached 5 thousand reacts and 1 thousand replies. Nakita ko pang may replies sila Heira and Reign na pinagtawanan din ng mga tao.

Nagbasa pa ako ng ilang mga comments at napapangiti na lang kapag may mga minemention ako at nagsosorry. May mga nagsasabi pa rin na hindi raw totoong hindi ako kabit at pinagtatakpan lang nila dahil sa mga career namin. Pero siya naman ang nababash ngayon ng mga tao sa comment section.

Napahinga na lang ako ng malalim at sinarado ang laptop. Binagsak ko ang sarili ko sa kama at nakipagtitigan sa kisame.

Hindi ko pa nakakausap si Clarisha matapos noong pag-uusap namin na naging dahilan ng issue. Gusto kong mag-thank you sa kaniya.

My Lover is a Cheater (Lover Series #1)Kde žijí příběhy. Začni objevovat