CHAPTER 23

165 5 0
                                    

Chapter 23

"Grade 6 ako nung nalaman namin na may ibang babae si Papa. Kakauwi ko lang non galing school nung nadatnan kong umiiyak si Mama habang nakaluhod si Papa. Doon pa lang nagalit na 'ko, pero si Mama, hindi siya nagalit kay Papa. Hindi niya sinigawan o pinaalis si Papa. Pero ako, galit na galit ako. Ayaw na ayaw kong nakakasama siya sa bahay kaya lagi akong nakila Gabrielle."

Tumango ako kay Dreo nang magsimula siyang magkwento. Parehas kaming nakaupo na sa dulo ng kama pero nakapalibot pa rin ang mga braso niya sa bewang ko. Nakapatong ang baba niya sa balikat ko habang nilalaro ko ang buhok niya bilang pagpapatahan sa kaniya sa pag-iyak.

"Nung mga sumunod na araw naging okay ulit sila Mama at Papa na parang walang nangyari. Hindi ko alam ang mararamdaman ko noon. Gusto kong maging masaya kasi hindi nasira ang pamilya namin pero mas nagagalit ako dahil sa panloloko ni Papa." Humigpit ang yakap sa akin ni Dreo at mas isiniksik ang sarili sa akin. "Tapos nabuntis si Mama, dahil doon nakapampante ako na hindi na uulit si Papa kasi may anak siya kay Mama. May dadagdag sa pamilya namin, pero hindi. Birthday ni Papa nagising ako dahil sa sigawan nila. Nakita ko si Papa na may mga dalang maleta at bag. Si Mama nakaharang sa pintuan at panay ang iyak habang nakahawak sa tiyan. Alam ko na kung anong nangyayari pero hindi ko alam ang gagawin ko. Gusto ko ring pigilan si Papa na umalis pero nakita ko 'yung babae niya sa labas ng bahay, naghihintay."

Pinahid ko ang luhang pumatak galing sa mata ni Dreo at hinamplos ang pisngi at ulo niya. Humigpit ang yakap niya sa akin at ilang beses na humikbi.

"Tangina, Ami, galit na galit ako kay Papa. Pinanood ko lang sila ni Mama na magsigawan doon. Hanggang sa matulak ni Papa si Mama. Umalis si Papa kasama 'yung tangina niyang babae. Habang si Mama nasa sahig panay ang iyak. Gusto kong manakit sa oras na 'yon. Gusto kong habulin si Papa sa galit at saktan siya para maramdaman niya kung gaano kasakit 'yung ginawa niya. Tangina niya, Ami!" galit na galit ang boses ni Dreo. Mahigpit ang pagkakasarado ng kamao niya na nakapalibot sa bewang ko. "Anong nagawa namin para lokohin niya kami ni Mama?! Anong naisip niya bakit niya kami iniwan?! Ang lakas pa ng loob niya para ipakita sa amin 'yung kabit niya!

"Pero 'yung mas nakakagalit don bukod sa panloloko niya?! Yung hindi niya pagpansin kay Mama kahit nakita niyang dinudugo si Mama. Noong araw na 'yon, nawalan ako ng kapatid! Nawalan ako ng isang pamilya at dahil 'yon sa kagaguhan ng tatay ko. Sinugod si Mama sa hospital kasi delikado sila parehas ng kapatid ko pero si Papa pa rin ang tinatawag ni Mama! Walang pakialam si Mama sa kapatid ko, si Papa ang hinahanap niya! Yung gago kong tatay ang iniintindi niya!"

"I'm sorry..."

Lumakas ang iyak ni Dreo. Hindi na siya makahinga ng ayos sa kakaiyak pero hindi pa rin siya tumitigil sa pagkekwento. Sa tuwing nanggigil ang boses niya ay hinihigpitan niya lang ang yakap sa akin at sa tuwing titigil siya para umiyak ay magtatago siya sa leeg ko. Kahit ako ay hindi na rin mapigil ang pag-iyak. Kanina pa rin ako panay pahid ng luha dahil sa sobrang inis at lungkot sa mga nalaman ko. Hindi ko alam na ganito ang pamilya niya. Akala ko lagi lang busy si Tito Josh kaya wala siya lagi sa bahay, pero ngayon iba na ang nasa isip ko. Kaya siya wala sa bahay dahil nasa iba siyang bahay.

Ang sama niyang tao. Niloko niya si Tita at si Dreo. Dahil sa kaniya nasira ang pamilya nila. Dahil sa kaniya nawalan ng kapatid si Dreo. Pero hindi ko rin mapigilan na hindi mainis kay Tita. Kahit paulit-ulit at harapan ang panloloko ni Tito, bakit tinatanggap niya pa rin 'to?! Nasasaktan si Dreo at halata ang galit ni Dreo kay Tito pero bakit pinapatawad niya pa rin si Tito?! Hindi niya iniisip kung anong nararamdaman ni Dreo. Hindi niya pinapansin si Dreo dahil na kay Tito ang mata niya! Hindi lang siya asawa, nanay rin siya. Pero alam kong wala akong karapatan para husaghan si Tita. Hindi ko alam ang nararamdaman ni Tita kaya wala akong karapatan para pagsabihan siya ng mga ganoon.

My Lover is a Cheater (Lover Series #1)Where stories live. Discover now