CHAPTER 3

719 14 4
                                    

Chapter 3

I heard the giggles as Dreo fix my hair and dress. He instructed me to be natural and move gently, and I just nodded so we can continue.

"Nice shot. Gorgeous! Fix your hair and chin up. Tilt your head. Look at the camera. Fierce. Beautiful!"

Naririndi na ako sa mga pinagsasabi ni Dreo. Para siyang baklang photographer kung magcomment. But I need to be professional kaya tinitiis ko. Naiinis ako sa boses niya, kahit kaunting paggalaw niya kinaiirita ko. Pati paghinga niya kinakagalit ko na.

"Nice shot, babe."

Marahas na lumingon ako sa kaniya at sinamaan siya ng tingin. Hindi ko alam kung nang-iinis ba siya o ano.

Babe? Really, Babe? Is this his way to get his girls? Like Cashiana? Oh man, I'm sorry to tell you but I am not one of your girls. Ang kapal ng mukha! Parang hindi nagloko, ah?

I composed myself and relax my breathing. I need to be professional. Sayang oras ko kung kakainisan ko pa iyang manloloko na iyan.

"Lunch break!"

Isang beses ko pang inirapan si Dreo pagkasigaw niya noon. I caught him grinning before turning his back. Nakakainis talaga! Ang kapal kapal kapal kapal ng mukha.

"Ang galing mo, Miss Amira!" sabi ng isang staff na nagpunas ng pawis ko.

"Salamat po," pilit na ngiti ko kahit na gusto kong sumigaw sa inis.

Bumalik muna ako sa tent ko para magpalit ng damit. Nagsuot muna ako ng black shirt and ripped blue jeans. Nang matapos ay pumunta na ako sa kotse para mag convoy kila Miss Dina papunta sa isang kainan malapit. Babalik pa kami for the last set ng damit. Pagkarating sa kainan ay marami ang nakakilala sa akin pagbaba kaya nahuli ako.

"I love you, ate Amira!" a fan boy shouted.

"I love you, too!" I shouted back sounding a masculine man. Nag-flying kiss pa muna ako bago pumasok.

Nakita ko sila Miss Dina and Dreo sa isang table together with miss Dina's secretary. I sat there, katabi si Dreo. I have no choice dahil iyon ang free seat at katabi ni Miss Dina ang secretary niya.

Nagbigay ng menu ang waiter na nagpa-authograph pa sa panyo niya. Tumawa lang ako nang sabihin niya na crush niya raw ako at kung pwede manligaw. It was awkward kasi halos lahat nakatingin sa akin.

"Carlo?" I asked when I read his name tag. "Samahan mo muna akong mag-sky diving bago kita sagutin," hamon ko.

"Iyon lang po ba? Sus, napakadali naman po niyan." He laughed. "Sige po. Kailan po ba? Hindi niyo po naitatanong e, marunong akong lumipad!" pagbibiro niya na ikinatawa ng mga nasa lamesa.

"Kaya mo ba akong dalhin sa langit?" malisyoso kong sabi.

"Aba, Ma'am!" singhap niya. Nakita ko siyang sumulyap kay Dreo kaya napatingin din ako sa lalaki. Nasa menu ang tingin niya pero mahahalata mo ang pakikinig niya sa usapan. Kunot na kunot ang noo nito at parang inaaway ng menu ang itsura. Ngumingisi pa ito ng sarkastiko at napapailing. Umubo si Carlo. "Baka po may magalit. Parehas tayong malilintikan."

Binalik ko ang tingin kay Carlo at nagtaka. "Sino namang magagalit? Walang magagalit, ano ka ba!"

"Ma'am, hindi po tayo sure kasi may kilala po akong-"

"I'll have shrimp soup, please. One glass of orange juice and this one."

Parehas na napatingin kami kay Dreo nang bigla niyang pagsingit sa usapan. Nagtuturo ito ng io-order niya. Nakatingin ito ng diretso kay Carlo at nakataas ang kilay. Ilang beses ko ng nakita ang ekspresyon na iyon, and I know what's the meaning behind that.

My Lover is a Cheater (Lover Series #1)Onde histórias criam vida. Descubra agora