CHAPTER 43

368 7 8
                                    

Chapter 43

Seth ignored me for the whole night. I tried to talk to him pero iniiwasan niya ako. Hindi ko na rin pinilit dahil baka mag-away na naman kami. Noong dinner ay sinabi ko ang gusto kong mangyari. Papa just smiled and asked me If I'm sure and I said yes, while Seth walked out.

Nalungkot ako dahil doon. It's obvious na ayaw niya talaga kay Dreo. Pero umaasa ako na sana maintindihan niya ako at matanggap niya si Dreo para sa akin. He's my bestfriend and I love him. I know his point but I know what I want.

This decision is a big step for me. Puso ko na naman ang nakataya rito but I'm ready to take a risk.

I love Dreo. Dreo loves me. We just need to clear things between us and then we can start over. We will take everything slow. We'll earn each other trust again and after that, tsaka namin susubukan ulit. We will make this work together.

Nakakatakot pero kung hindi ko susubukan, hindi ko malalaman. Again. Malay mo ito na talaga. Malay mo dito na talaga 'yung happy ending. Malay mo for the third time magiging maayos na ang lahat. Kakapit ako sa mga baka sakali ko dahil baka sakaling magkatotoo.

At kung hindi... I promised to myself that I will move forward and find my happiness on my own.

Niyakap ko ang sarili ko nang umihip ang pang-umagang hangin. Kanina pa akong alas singko gising at naglakad lang sa buong resort habang inaabangan ang sunrise. And like before, it was breathtaking. Sayang nga lang at hindi ko dala ang cellphone ko para kuhanan ng video.

Ngayon ay alas sais na at marami ng taong naliligo sa dagat kahit na sobrang lamig. May iba pang naglatag ng kumot sa buhangin para doon magbreakfast. Nadaanan ko pa kanina ang cottage noong vlogger na naka-usap ko kahapon. Kinawayan ko lang silang lahat na nag-uumagahan sa may terrace ng cottage. Tumulong din ako ng kaunti sa staff na nagpupulot ng mga basura sa buhangin at sa dagat kaya basa na ang suot kong dolphin short at sleeveless top.

Dumiretso ako sa restaurant pagkatapos kong maglakad-lakad. Pinili kong sa upuan sa labas na lang kumain para presko. Um-order ako ng pagkain. Pinasuyo ko rin sa isang staff na kuhanin ang laptop at cellphone ko sa cottage. Maya-maya ay dumating na ito kasabay ng pagkain ko. Nagpasalamat ako at sinimulan ng kumain.

I first open my phone. Sunod-sunod ang notifications at text na nakuha ko. Karamihan ay kay King na nakailang missed calls din. Tapos mga comments at tags sa ilang posts sa Facebook galing doon sa vlogger. Hindi ko na halos ma-check lahat ng notifications ko kaya binuksan ko ang laptop at doon tiningnan ang iba. Una kong binuksan ang Instagram at kaunti lang naman maliban sa likes at messages ng ilang kaibigan at mga fans. Tapos ang Facebook na puro mentioned at tags nga na hindi ko na inisa-isa sa sobrang dami. Sinimulan ko na rin ang pagkain habang nagtitingin ng comments sa mga videos ko sa YouTube.

King:

Ami, are you okay? Reign, told me what happened.

Nakauwi na ako. Next month pa si Ray.

Call me, please. We're all worried.

Gusto mo bang suntukin ko si Dreo?

Amira, remember we're here. You are strong woman so huwag kang umiyak nang umiyak sa gagong tulad non. Okay? Message me or call me. Pwede tayong mag-usap. I love you!

And more than ten missed calls.

Sunod ay tiningnan ko ang messages ng iba kong kaibigan.

Camira:

Don't mind Sethere. Gawin mo kung ano sa tingin mo ang gusto at masaya ka. Basta kapag nasaktan, laban ulit. Okay, Ami? I love you. We're here for you!

My Lover is a Cheater (Lover Series #1)Where stories live. Discover now