CHAPTER 10

428 11 0
                                    

Chapter 10

"Hmm..."

Mahinang pagtapik sa pisngi ang gumising sa akin. Dahan-dahan na minulat ko ang mata ko pero kaagad ding napapikit at napadaing nang maramdaman ang sakit sa ulo.

"Ami, uminom ka muna ng tubig."

Kumunot ang noo ko. Hindi ko alam kung dahil ba sa lasing ako o totoong si Dreo ang nagsalita. I opened my eyes and check if it's really Dreo.

"Ami, huy," he said.

Nanlaki ang mata ko at napatingin sa paligid. Nasa tapat kami ng coffee shop ni Gab at nakapark. Tiningnan ko si Dreo na nasa labas ng sasakyan at nakayuko para gisingin ako. He smiled a bit and offered the water on his hand.

"Uminom ka muna nang makatulog ka na ng maayos." Inabot ko ang kamay ko sa kaniya pero napaupo rin dahil sa hilo. Napahawak ako sa braso ni Dreo at napapikit. "Damihan mo ang inom. Bakit ka ba kasi naglasing?"

Hindi ako sumagot sa kaniya at pinikit lang ang mata dahil nahihilo talaga ako. Mariin akong lumunok nang maramdaman ko na naman ang tiyan ko na humihilab. Napasabunot ako sa buhok ko para mawala ang sakit sa ulo pero wala pa ring epekto.

"Nahihilo ako..." daing ko at hinampas ang braso niyang nakaalalay sa akin.

"Alak pa," rinig kong panenermon niya. Hinawakan niya ang ulo at ang bewang ko para paupuin ng maayos. Binuksan niya ang bottled water at itinapat sa bibig ko. Uminom ako habang nakapikit pa rin at nakahawak sa braso niya.

Pagkatapos ko uminom ay sumandal ulit ako sa upuan. Naramdaman ko na inayos niya ang suot ko na hoodie at cycling. Narinig kong sinarado niya ang pintuan ng passenger seat kaya dumilat ako. Umikot siya sa driver seat at umupo doon. Pumikit ulit ako hanggang sa maramdaman kong umandar ang sasakyan.

Sobrang sakit ng ulo ko. Hindi ko alam paano ko siya hihilutin at pupukpukin dahil ang sakit talaga. Umalis ako sa pagkakasandal at yumuko. Minulat ko ang mata ko at naghanap ng pwedeng imasahe sa ulo ko.

"Okay ka lang?" tanong ni Dreo.

Tumingin ako sa kaniya at mangiyak-ngiyak na umiling. "My head..."

Nagtiim bagang siya. He sighed violently and removed all the things between us. Umusog siya palapit sa side ko at pwinesto ng maayos ang isa niyang kamay sa steering wheel.

Kunot noo ko siyang pinapanood. Marami pa siyang ginawang pwesto hanggang sa makuntento. Isang kamay lang ang nakahawak sa manibela habang ang isa ay inaabot ako.

My brow arched when he looked at me. He shyly smile at me and said, "I-ma-massage ko ulo mo."

Umawang ang labi ko at nagulat.

He reached for my head and slowly put it on his shoulder. Napakurap-kurap ako at gulat na gulat sa nangyayari. He began to massage it gently and I can't deny that it's effective.

"Feeling better?" he whispered. I nodded my head and make my self comfortable on his arm. I closed my eyes and let him massage my head. Hinihila pa niya ng marahan ang buhok ko na mas nakakarelax. "Bakit ka ba kasi nag-iinom?"

Minulat ko ang mata ko. Pinanood ko ang mga sasakyan sa harap namin na dumaan. Huminga ako ng malalim at mas sumiksik kay Dreo.

"Amira, are you okay? What's the problem, hmm?" malambing na bulong niya habang hindi pa rin tumitigil sa pagmamasahe.

I bit my lower lip. Naramdaman ko na naman ang sarili ko na naiiyak. I closed my eyes again to stopped myself from crying.

"Nagugutom ka?" Dreo asked, tinigil niya muna ang pagmamasahe. "Do you want to eat? Coke float, gusto mo? What do you want?" Hindi ako sumagot. "Clea..."

My Lover is a Cheater (Lover Series #1)Where stories live. Discover now