CHAPTER 6

503 11 1
                                    

Chapter 6

The shoot went well. Naging smooth at maganda ang arte namin kahapon pero hindi na kami ulit nagkausap or nagkatinginan ni Dreo. Naging ilap siya bigla at seryoso na kahit biruin mo ay tipid lang na ngingiti.

Sinisi pa ako nila Heir kung bakit naging bad mood si Dreo, pero wala akong pakialam. Bakit naman ako ang may kasalanan kung bakit naging hindi maganda ang mood niya? Wala naman akong ginagawa sa kaniya.

Umuwi na kami after ng lahat at naisipang magsleep over ang dalawa sa condo. Sa isang linggo pa raw ilalabas ang music video at lahat kami excited doon. It's successful I know dahil talagang pinaghandaan.

Wala na akong ibang shoot na gagawin kaya nagpasya akong mag-edit ng mga video na ia-upload ko. Pero hindi ko natapos kasi tinawagan ako ni Cam at sinabing sinugod daw si Sethere sa hospital dahil nahulog sa hagdan.

Nagmadali tuloy akong pumunta at tumawag kila Heir na nasa hospital si Sethere. Pero hindi pa sila makakapunta dahil sa trabaho.

"Nasaan si Sethere?!"

Gulat na tumingin sa akin ang nurse nang pasigaw ko iyong tinanong. Tinuro niya ang way sa ER kaya nagmadali akong pumunta roon. Hindi pa ako nakapag-thank you sa nurse dahil sa pagmamadali.

"Sethere! Oh, my God! What happened?!" nag aalala kong tanong nang maabutan ko siyang nakahiga sa hospital bed at nilalagyan ng swero ni Camira. "Anong nangyari sa'yo? Bakit ka nahulog sa hadgan?"

Lumapit ako sa kaniya. I checked his face and arm if may injury ba or sugat. May kaunting gasgas lang siya sa siko at ang iba ay wala na. Napahinga ako ng maluwag at sinamaan ng tingin si Seth.

"Anong ginagawa mo rito?" sabi niya.

"Are you stupid? Tinawagan ako ni Camira at sinabing nasa hospital ka dahil nahulog ka sa hagdan!" sigaw ko. "Ganoon ka ba bumaba ng hagdan, ha? Anong nangyari?!"

"Ang ingay mo, may mga ibang pasyente," saway niya.

Napasinghal ako sa sinabi niya. Inangat ko ang tingin kay Camira at magtatanong sana. Pero nang makita ko ang seryosong mukha ni Camira ay hindi ko na tinuloy.

"Ano? Tatanggalan ka na ba ng paa?" pagbibiro ko at sinulyapan ulit si Camira para makita ang reaksyon niya, ngunit nanatili itong seryoso. Napakagat-labi ako at pasimpleng hinampas si Seth. "Away?" I mouthed.

Inirapan niya ako at nilingon din si Camira. Humugot ng malalim na hininga si Cam at inayos ang mga apparatus sa tray na ginamit para ikabit ang swero. Inangat niya ang tingin sa akin. "Pabantay muna," sabi niya at walang sulyap na umalis.

Pinanood ko ang pag alis ni Camira. Binati ito ng isang nurse rin na tinanguan lang niya. Napatingin ako kay Sethere na na kay Camira pa rin ang mata. Nalipat ang tingin niya sa akin at sumimangot.

"Anong ginawa mo?" pabulong kong sigaw. Hinila ko ang upuan palapit sa kama niya.

"Bakit ako? Siya!" sabi ni Seth. "Ako na nga napilayan, ako pa tatanungin mo ng ganiyan."

"E, ikaw lang naman umaaway don!"

"Hindi ako! Pinagsabihan lang naman 'yon tapos biglang nagalit," sabi niya at umupo.

"Tungkol na naman ba saan?" tanong ko.

"Parcel niya." Kumunot ang noo ko. "Aba, may limang dumating nung nagsho-shoot ako tapos mamaya nung kakauwi lang niya may dalang tatlo. Tinatae ba niya ang pera at panay ang bili niya?"

Hindi makapaniwalang umawang ang labi ko.

Ano pa nga bang aasahan ko sa dalawang 'to? Simpleng bagay lang ang pinag aawayan nila pero parang gera kung magtampuhan.

My Lover is a Cheater (Lover Series #1)Where stories live. Discover now