CHAPTER 1

1.1K 21 5
                                    

Chapter 1

"Next question! From @itschabtw, 'Hi po ate Ami! For you po, what is cheating and dapat pa po bang balikan ang mga cheaters?'"

Tumingin ako sa camera. "What is... cheating?" pag-uulit ko sa tanong. I chuckled. "Well for me, cheating is..."

In 2 years in vlogging, this was the first time na may nagtanong sa akin nito. I remember someone but I chose to ignore it.

"... cheating." Tumawa ako. "Ano pa bang dapat mong itawag doon kung hindi cheating 'di ba? Yung cheater ang tawagin mo ng kung ano-ano!" biro ko. "Kasi 'yung pagloloko, wala ka namang magagawa ro'n, e. If nagloko siya, then hindi ka niya deserve. Lagi niyong tandaan na kapag nagawa kang saktan, huwag niyo ng balikan! Iiyak lang kayo nang iiyak kasi paulit-ulit lang din naman ang nangyayari. Hindi mo mababago ang isang taong walang respect sa nararamdaman ng iba. Hayaan niyo sila! Automatic naman ang karma."

Ngumiti ako pagkatapos at tumingin ulit sa cellphone para maghanap ng tanong.

"Next! From @leylidescar, 'Ate, ilan na po ang ex mo?'" Sumimangot ako at nagkunwaring nag-iisip. "Isa pa lang at 'wag na nating balikan." I laughed.

"Next is... 'V ka pa po ba?'" Malakas akong tumawa pagkabasa ko ng tanong. "Yes, virgin pa po ako. Saving for the best. Joke!"

"Last na! From @doreomon? How to read this? Do-ro-mon? Do-re-mon? Sabi niya, 'If babalik ba ang ex mo tatanggapin mo pa siya? Hehe love you.'" I shook my head miserably. "As I said kanina... hindi na po."

Saglit pa akong nagsalita sa harap ng camera bago magpaalam. It was a very exhausting day for me but I still pushed myself to shoot kasi one week na akong walang upload. Masyado akong busy sa mga shoots and collaborations na kahit tulog ay hindi ko na nagagawa.

"So that's it for today's video. I hope I answered all your questions. Marami pang natitirang mga tanong pero sa susunod na lang 'yon dahil feeling ko mahaba na masyado ang video na 'to. So that's it! If you enjoy this video don't forget to like, subscribe! Again, this is Amira Mariposa, everyone! Keep safe and be safe!" Kumaway ako sa camera at tuluyan ng nagpaalam.

Pagka-off ng camera ay huminga ako nang malalim. Binagsak ko ang sarili ko sa malambot kong kama at nakipagtitigan sa puting kisame ng aking kwarto.

6 years passed.

I'm okay. I moved on. Yes, minsan masakit pa rin. Lalo na kapag naalala ko. But I learned na walang mali sa akin. Ang mali ay nasa kaniya kasi hindi siya nakuntento.

Sa ganda kong 'to, hindi pa siya nakuntento?!

"Amira, ready na ang dinner. Tara na!"

Nakatayo akong sumimangot habang tinatanaw si Keizira na nasa pintuan, nakasilip at tinuturo ang kusina para kumain.

Palagi siyang nandito sa condo dahil wala raw akong kasama palagi. At tama naman iyon. Minsan ay kasama niya ang asawa at anak niya rito pero madalas na siya lang. Minsan naman ako ang nasa kanila. Ayaw nila akong mag-isa, ganoon nila ako ka-love.

"Hoy!" she shouted.

"Susunod ako, magbibihis lang," I replied.

I am thankful na mayroon akong pamilya na tulad niya. She never leaves me when everybody does. She's always there having my back. She is like my second mom. Mas strikta pa nga kay Mama.

"Amira!"

I groaned and tumayo na to change my clothes. Pagkatapos ay tamad na tamad kong tinungo ang kusina at umupo sa tapat niya.

"Ayusin mo ang mukha mo. Nasa tapat ka ng pagkain, sasabunutan kita," sita niya.

Ngumuso ako at ngumiti sa kaniya, pagkatapos ay sinimulan na ang pagdadasal para makakain.

My Lover is a Cheater (Lover Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon