CHAPTER 20

259 5 0
                                    

Chapter 20

"Amira!"

Napatingin ako sa likod ko nang marinig ko ang malakas na tawag ni Heira sa pangalan ko. Nakangiting tumatakbo si Heira palapit sa akin habang kasunod niya si Reign sa likod na tamad na tamad sa paglalakad. Nakakahiya talaga ang boses ni Heira sa lakas, halos lahat mapapatingin.

Kumaway ako sa kanila at inayos ang gamit ko sa lamesa ng kubo para may makainan sila. Lunch ngayon pero nagrereview ako ng quiz namin mamaya. Kinain ko na rin naman ang lunch ko kaninang recess kaya wala na rin akong makakain.

Hinihingal na umupo sa harap ko ang dalawa lalo na si Heira. Inantay ko siyang kumalma bago bigyan ng tubig.

"Amira, may isusumbong ako," sabi niya bago buksan ang tumbler at uminom.

Kumunot ang noo ko sa kaniya. "Ano?"

Itinaas niya ang kamay niya sa mukha ko at ilang beses pang huminga ng malalim bago ilapit ang mukha sa akin at itinuon ang siko sa lamesa. Ganoon din si Reign na nakalapit ang mukha habang nagbubukas ng lunch niya.

"Alam mo ba si Dreo napakalandi," bulong niya na may kasama pang panlalaki ng mata. "Sinasabi ko sa 'yo, Ami. Kung nakita mo lang kanina paniguradong basted na kaagad si Dreo."

"Bakit?" tanong ko. Sinarado ko ang binabasa kong libro para makinig ng maigi kay Heira.

"Kasi 'di ba alam mo naman si Cashiana, may ano 'yon kay Dreo. Kanina kasi mukha siyang pick me girl sa room 'di ba, bes?" kinulbit ni Heira si Reign. Tumango si Reign at sumubo ng pagkain niya. "Tapos ayon nga, si Cashiana kasi nagti-Tiktok sa likod, e, nandoon sila Dreo na nakatambay kasama sila Vincent. Shuta, bes, legit, I swear maiinis ka kay Cashiana. Sumasayaw siya nung sexy na sayaw, e, hindi mukha naman siyang tanga. Tapos syempre sila Vincent mga ano 'yan, tinatawanan si Cashiana. Tangina, bes! Nanggigil ako! Si Cashiana panay ang tawa rin at hampas kila Vincent tapos si Dreo sumasali, inaasar niya rin si Cashiana. Syempre dakilang ano, lumapit kay Dreo at sinabunutan si Dreo."

"Ano?!"

"Magiging concern na sana ako kay Dreo pero mukhang tuwang-tuwa pa si gago. Inaasar pa rin nila si Cashiana habang nasayaw. Sumasali pa sa video! Tinawag ko nga, e, sabi ko isusumbong ko siya sa 'yo. Aba! Ang sagot sa akin, bakit daw? Ano raw masama, e, nag-aasaran lang naman daw sila!"

Tumaas ang kilay ko sa huling sinabi ni Heira at walang buhay na ngumisi.

"Seryoso ba siya?" naiinis kong tanong.

"Diba? Nakakainis. Anag sarap batukan. Parang walang nililigawan," sabi ni Heira.

"Pagsabihan mo si Dreo para alam niya mga ginagawa niya," si Reign na kalmado ang pagsasalita pero halata rin ang inis sa mukha.

Napairap na lang ako sa hangin at napailing-iling.

Ilang araw nung una kong makita si Cashiana at wala siyang ibang ginawa kundi inisin ako. Ang totoo nga niyan wala naman siyang ginagawa sa akin pero naiinis ako sa kaniya.

Halatang gusto niya si Dreo at panay ang pagpapapansin. Kahit na alam niyang may nililigawan si Dreo at ako 'yon, parang wala lang sa kaniya. Kapag magkasama kami ni Dreo bigla siyang lalapit tapos aasarin si Dreo. Kahit kapag kasama rin namin sila Heira lalapit siya para lang batiin si Dreo. Like girl? Bulag ka ba or what? Pinagsabihan ko na rin si Dreo about Cashiana. I told him na naiinis ako at nagseselos everytime na kasama niya si Cashiana. Yes, I admit. Nagseselos ako kasi ano pa nga ba? But he assures me na hindi niya gusto si Cashiana at magkaibigan lang sila. I also learned na magkababata pala sila at schoolmate dati. And that makes me more pissed. Hindi maintindihan ni Dreo 'yung feelings ko kaya hinahayaan niya pa rin si Cashiana na lumapit dahil nga kaibigan lang naman daw sila. Ang sabi ko halata na gusto siya ni Cashiana pero ayaw niyang maniwala at tinawanan pa ako. Nagseselos lang daw ako kaya ko yon sinabi.

My Lover is a Cheater (Lover Series #1)Onde histórias criam vida. Descubra agora