CHAPTER 28

276 5 4
                                    

Chapter 28

Narindi ako. Tumahimik ang buong paligid ko at ang tanging naririnig ko lang ay ang malakas na iyak ni Papa sa harap ko. Basag na basag ang boses niya at puno ng pagsisisi ang bawat hagulgol. Habang ako...

Hindi ko alam. Hindi ko alam ang mararamdaman ko. Hindi ko alam ang gagawin ko. Hindi ko alam paano.

"Babe..."

Nabaling kay Dreo ang tingin ko nang marinig ko ang maingat niyang pagkakatawag ng pangalan ko. Umiiyak din siya. Wala ring tigil ang pagtulo ng luha sa mukha niya.

"I'm sorry," aniya.

Nanginig ang labi ko. Namuo ang luha sa mata ko. Naging mabigat ang paghinga ko. Hanggang sa tuloy-tuloy ay umagos ang luha sa mata ko. Isang impit na hikbi ang kumawala sa bibig ko bago kumawala ang napakalakas na pagtangis ko.

"Mama..." ang naiusal ko bago humagulgol ng iyak.

Napaluhod ako sa malamig na sahig ng hospital at umiyak nang umiyak. Walang tigil at punong-puno ng sakit.

I gripped my chest. Para akong sinasakal. Para akong binabasag. Para akong pinapatay. Masakit. Sobrang sakit. Hindi ako makapaniwala at ayaw kong maniwala.

Si Mama... Hindi pwedeng wala siya. Paano ako? Paano si Papa? Paano kami?

Ayokong tanggapin. Hindi ko kayang tanggapin. Parang nawala ang kalahati ng buhay ko. Parang nasira ang lahat ng pangarap ko. Nawala ang Mama ko. Wala na ang mama ko.

"Anak..."

Nagpintig ang tenga ko nang marinig ko si Papa. Marahas na lumingon ako sa kaniya. Nakaluhod siya sa harap ko at sinusubukang hawakan. Pero bago pa siya makahawak sa akin ay tinabig ko ang kamay niya at tumayo.

"Kasalanan mo 'to!" sigaw ko. "Kasalanan mong lahat 'to!" Dinuro ko siya. "Kung sana hindi ka duwag! Kung sana hindi ka makasarili, nandito pa si Mama. Pero hindi, Pa! Ikaw ang may kasalanan ng lahat ng 'to! Ikaw ang may kasalanan bakit..." Nabasag ang boses ko. "Bakit nawala ang nanay ko... kung bakit nawala ang kapatid ko..."

"Ami..."

"Napakasama mo! Napakasama mo! Kasalanan mo 'to! Kasalanan mo kung bakit nawala si Mama! Kasalanan mo, Papa! Kasalanan mo!"

"Anak, I'm sorry—"

"Ang sama niyo! Paano niyo nagawa 'yon? Paano, Pa?" Nanghihinang hinampas ko ang dibdib ni Papa. "Paano niyo naisip na gawin ang bagay na 'yon?!"

Hindi sumagot si Papa. Yumuko lang siya at hinayaan ako sa paghampas at paninisi sa kaniya. Walang tigil ang pagtulo ng luha ko at halos hindi na ako makahinga kakahikbi. Pero hindi ako tumigil kakaiyak.

Ang bilis ng lahat para sa akin. Maayos pa kami noong mga nagdaang araw tapos biglang ganito. Ni hindi ko man lang nakausap si Mama. Hindi ko man lang nakamusta ang kapatid ko. Wala akong nagawa bago niya ako iwan. Kahit 'i love you' hindi ko nasabi. Kahit tingnan siya noong umalis hindi ko nagawa.

Ang sama ng mundo sa akin. Bakit niya ako tinanggalan ng nanay? Hindi ba ako naging mabuting anak? May ginawa ba akong masama?

Hindi pa ako handa. Hindi ko pa kaya. Kailangan ko pa si Mama. Kailangan ko pa ng nanay.

Alas-diyes ng gabi nang makita ko ang sarili ko sa tapat ng morge.

One hand gripping the doorknob and the other clutching tightly to my chest.

Once I open the door, I will see my lovely mother.

The woman I looked up to. The woman I admire. The woman who supported me since I was a child. The woman never get tired of loving me. The woman I love so much. The woman who gave birth to me into the world. My mother.

My Lover is a Cheater (Lover Series #1)Where stories live. Discover now