MY ETERNAL LOVER

270 8 1
                                    

MOMENTS WITH CAI (PART 2)

"Pre, ayon!"

Umikot ako para tingnan kung nandoon nga ba ang hinahanap ko. And there I saw her! Gago. Ang ganda niya talaga... kaso bata pa. Tss.

"Tara, tara! Pa-picture tayo, remembrance lang," excited na sabi ni Hero habang hinihila pa kami.

"Kasama parents, pre. Nakakahiya," I said.

"Hindi 'yan. Jack, tara. Nandoon si Ami pa-picture tayo."

Tuwang-tuwang sumama ang mga kaibigan ko kay Hero nang tumakbo ito palapit kay Amira. Napakamot ako sa ulo ko at sumama na lang din.

Nasa likod nila akong apat habang kinakausap nila si Amira at tinatanong kung pwedeng magpa-picture. Hindi ko naman maalis ang tingin sa kaniya at pinanood siyang nahihiyang tumango at ngumiti.

Para akong tanga! Grade 7 lang 'yan, Cairon! Huwag 'yan. But what can I do?! She's a beauty! Sa edad niyang... 13?14? Ang mature niyang tingnan!

Her black almond eyes, pointed nose, pinkish and pouty lips and the way her black straight hair flips everytime she moves... I swear! Corny and super dramatic pero I really experienced the slow motion when I first saw her.

Tapos hindi lang maganda! Matalino pa! Tuwing may competition yata sa school naririnig ko ang pangalan niya sa awarding. Clea Amira Mariposa. Parang bakla pero kinikilig ako kapag naririnig ko ang pangalan niya.

Hindi naman sa plano kong lumapit o magpakilala sa kaniya. Sobrang nagagandahan lang ako. I just admire her gano'n! Alam ko rin namang hindi niya ako mapapansin. Baka nga tawagin pa akong "kuya" no'n.

Mahinang nagsigawan ang mga kaibigan ko nang pumayag si Amira. Nataranta pa ako dahil hinila nila ako sa unahan kung saan katabi ni Amira. Pinandilatan ko si Jack pero ang loko nginisian lang ako.

Mukha akong tuod sa tabi ni Ami. Nanatili sa magkabilang gilid ko ang mga kamay ko at sinisiguradong hindi siya mahahawakan. Nanginginig ang labi ko habang ngumingiti sa camera. Ilang "isa pa po" ang sinabi ni Claud bago niya tigilan.

Nasulyapan ko naman ang magulang ni Amira na natatawa sa gilid. Nagkasalubong pa ang mata namin ng Papa niya pero mabilis din akong umiwas dahil sa hiya. Nagpasalamat kami kay Amira at nag-congratulate rin. Nagpasalamat din siya at tumakbo na kaagad pabalik sa parents niya.

Sinundan ko siya ng tingin. I saw her pout when her father said something. And without even realizing, I'm grinning like an idiot while starring at her.

ʕっ•ᴥ•ʔっ

He pouted. And I pouted as well.

"Cairon..." I called his name sweetly. Nilagay ko sa batok niya ang dalawang kamay ko at parang bata na tiningala siya.

"Baby, are you drunk?" he chuckled. He tucked my side bangs behind my ears.

"Nope!" I said popping the 'p'.

"Really? Kasi amoy alak ka."

Mas humaba ang nguso ko dahil sa sinabi niya. Because hindi talaga ako lasing! Medyo lang. Medyo nahihilo lang ako pero hindi ako lasing. Slight lang. Naikot lang paningin ko but I'm not drunk.

"Cai, ikaw na bahala riyan, ha?"

I looked over my shoulder and saw Sethere and Camira. They are grinning while looking at us. Seth's arm is around Cam.

"Nilasing mo. Sabi ko kaunti lang, e."

Tumawa si Seth pagkatapos ay tumingin sa akin. "Ayos ba, Jack Daniels, Ami?"

Ngumiti ako at nag-thumbs up sa kaniya. Tumawa ulit siya at nagpaalam na. I faced Cai again. May kausap na siya sa phone niya.

"Yes, 'Mmy."

He looked and raised a brow at me. I shook my head. Tumingkayad ako para ipatong ang ulo ko sa balikat niya. Awtomatikong umalalay naman ang kamay niya sa likuran ko. Naglakad siya ng paunti-unti palapit sa sasakyan at dahil nakayakap ako ay dala-dala niya ako.

Kausap niya pa rin ang Mommy niya sa cellphone niya nang buhatin niya ako para iupo sa passenger seat. He tried to pulled away but I didn't let go, nakakapit pa rin ako sa batok niya.

I giggled when he tickles me. But when he knew that I won't let go of him, he just sighed and let me hugged him.

"Sige po. Good night. I love you." Nilagay niya sa dash board ang cellphone niya at saka ako ang binalingan.

Hinayaan ko siyang humiwalay ng kaunti sa akin pero nanatili ang kamay ko sa batok niya. Tinuon niya ang dalawa niyang braso sa upuan at kinukulong ako.

He looked at me with a force smile then falls his head on the side. Ginaya ko ang ginawa niya kaya natawa siya. Humalik siya sa pisngi ko ng dalawang beses at sunod ay sa labi. Pumikit ako at hinila ang ulo niya ng kaunti para mas idiin ang halik. We both smiled between our kisses.

"Lasang alak," sabi niya.

Tumawa ako at sinadya pang bugahan siya ng hininga ko. He scrunches his nose and pouts. I laughed again. I pulled his nape and dropped kisses on his cheeks, nose, eyes, forehead and lips. Hinayaan naman niya ako. Kumapit pa siya sa bewang ko at pumikit para damhin ang mga halik ko.

"Aba! Uwi na, hoy, kayo na lang natira rito."

Natigil kami ni Cairon sa lambingan nang biglang may magsalita sa gilid ng sasakyan kung nasaan kami. Si Heira iyon na lasing na lasing habang akay-akay ni King at Reign.

"Mga lason talaga kayong magjojowa sa mundo. Lalo na kayo King at Reign, rinding-rindi na ako sa ingay niyo tuwing gabi!"

Tinawanan lang siya ni King pero binatukan naman siya ni Reign. "Tangina mo. Ikaw na nga lang dumadayo ng bahay," sabi ni Reign.

Umirap si Heira at nauna ng maglakad papasok sa back seat ng sasakyan nila. Reign and King waved at us before getting in as well.

"Tara na, uwi na rin tayo," rinig kong sabi ni Cairon.

Hinawakan niya ang kamay kong nasa batok niya para tanggalin. Pero imbes na pakawalan siya ay hinila ko ulit ang batok niya at humalik sa labi. I smirked while kissing him when I heard him groaned because I bite his lip. He tried to pull away pero hindi ko siya hinayaan, I tilt my head to kiss him more. But a loud horn disturb us.

"Hoy, ano 'yan bold?!" si Heira na nakalabas ang ulo sa bintana ng sasakyan.

Umirap ako. Tumawa naman si Cai sa harap ko at humiwalay na. Sinilip ko si Heira sa labas at sinamaan siya ng tingin.

Fuck you, Heira. Kapag inggit, pikit. Istorbo.

secha

Yow! HAHAHA idk ilang moments with Cai ang gagawin ko pero basta maglalagay na lang ako rito. Para na rin maipakita kong for Cai talaga si Ami.

random facts about cai and ami kasi wala lang (◠‿◕)
- nabuntis si ami bago pa magpropose si cai
- ang proposal ni cai ay sa Paris, Eiffel tower, noong nag-travel sila together.
- ang wedding nila ay private lang, like kaunting kaibigan tapos parents lang. and noong sinabing in-upload 'yung wedding photos nila, 5 years na silang kasal noon. hindi pa kasi ready lumabas ulit si ami sa public kaya hindi muna nila in-upload, pero noong naging ayos na lahat ayorn.
- sila po ang pinaka-clingy na couple kasi pareho silang clingy. (huhh??)

Bye na! Ang daldal ko masyado HAHAHAH thank you po ulit 1 million billion times! Loves you a lot! (๑˙❥˙๑)

My Lover is a Cheater (Lover Series #1)Where stories live. Discover now