CHAPTER 41

352 4 3
                                    

Chapter 41

"What... are you doing here?"

Niyakap ko sa sarili ko ang tuwalyang inilagay niya sa akin at dahan-dahan na umupo sa nilatag na kumot. I tried my best to act not affected by his presence. Not affected that he's still here...

"Chine-check ka," he answered with a worried voice.

Tumingin ako sa kaniya. Nagtama kaagad ang mata namin at halos manghina ako nang makita ko kung gaano siya kalungkot. I cleared my throat. Kinuha ko ang water bottle ko at uminom doon.

"Dapat umuwi ka na lang. I'm sure your daughter is looking for you."

Dreo sighed. I saw him sit on the sand three steps away beside me. I fought myself not to look at him again.

"I'm sorry..." malungkot ang boses at puno ng pagsisisi. "Alam kong mali ang ginawa ko at nagsisisi ako doon. Dapat umpisa pa lang sinabi ko na sa 'yo. Natakot... natatakot lang ako."

Hindi ko siya nilingon kahit na gustong-gusto kong makita ang mukha niya dahil mas mahihirapan akong bitawan siya. Boses niya pa lang natutunaw na ako paano pa kung mapanood ko siya.

"Can I please explain myself, Ami? Sasabihin ko lahat sa 'yo at pagkatapos noon... hindi na ulit ako manggugulo."

Natigilan ako sa huling sinabi niya. Gustong-gusto ko siyang lingunin pero pinanatili ko ang mata ko sa dagat.  This... is for the best right? That's what I want. That's what we both need.

"I promise, hindi na ako lalapit sa 'yo."

Hindi ako sumagot sa kaniya. Mabigat ang pakiramdam ko. May gusto akong gawin na hindi ko alam. O tinatanggi ko lang.

Huminga nang malalim si Dreo sa tabi ko. "You know I love you, since highschool ikaw lang, I earn your trust, your attention, your love. Naging magkaibigan tayo and masaya ako doon, but I never imagine na mas sasaya ako noong naging tayo."

Nanlabo ang paningin ko sa mga luhang namuo sa mata ko habang inaalala ko ang noon. Ang unang tinginan namin, ang pag-aakala kong masungit niya, ang asaran naming dalawa.

"Sabi ko sa sarili ko noon, hindi kita papakawalan. Hindi ako gagawa ng ikakasira nating dalawa. Aalagaan kita, mahahalin kita, gagawin kong lahat basta hindi tayo maghihiwalay. At nagawa ko, higit limang taon naalagaan kita." He paused. "Pero kahit anong gawin kong pag-aalaga naging padalos-dalos ako. I'm sorry, Ami. Hindi ko sinasadya. Hindi kita gustong saktan. Hindi ko 'yon gagawin sa 'yo. Pero nagpadala ako..."

Tears started to fell from my eyes. Mabilis ko iyong pinunasan. My heart is aching for so much pain.

"I'm sorry... I... I c-cheated." Nabasag ang boses ni Dreo. "I'm sorry nagawa ko iyon noong mga panahong kailangan mo ako. I'm sorry for causing you so much pain, until now. I'm sorry for failing you. I'm sorry for all the things I did. I'm sorry, Ami. I'm sorry..."

Mga hikbi namin ang tanging maririnig mo sa mga oras na ito. Ang sakit, ang paghihirap at ang pagsisisi. Walang tigil ang agos ng luha sa pisngi ko at hindi ko rin iyon tinigilan sa pagpunas kahit na hindi naman natatapos.

"Nadala ako. Nagpadala ako sa mga problema ko. Alam kong mali pero tinuloy ko. I'm sorry. Mali ako. I'm sorry, maling-mali ako. Hindi ko dapat 'yon ginawa. Dapat umpisa pa lang lumayo na ako kasi may Amira ako. Dapat umpisa pa lang alam ko ng mali kasi may iniingatan ako. I'm sorry... Hindi ko lang napigilan... "

Kinagat ko ang labi ko at yumuko para pigilan ang isang malakas na hikbi. I saw Dreo wiping his tears as he talks.  Mabigat din ang paghinga niya at nanginginig ang balikat niya dahil sa pag-iyak.

"Alam ko na hindi mo na ako mapapatawad sa ginawa ko. Alam kong wala na akong pag-asa pero... pinilit ko kasi mahal kita. Ayaw kong mawala ka sa akin. Dinagdagan ko ang problema mo. Naging mas mahirap sa 'yo ang mga araw. I'm sorry... but I can't let you go." Umiling siya at tumingala para pigilan ang luha. "Ang sabi ko babawi ako. Sabi ko, gagawin ko lahat para magkaayos tayo. Kahit na malabo susubukan ko kasi mahal kita. Ami, mahal na mahal kita. Hindi kita kayang pakawalan noon. Saktan mo ako. Gantihan mo ako. Ayos lang sa akin basta tanggapin mo ulit ako. Basta matanggap mo ulit ang gagong 'to. But world is not on my side... Noong panahon na determinado at handa akong gawin lahat sa 'yo, pinigilan ako ng mundo. Nalaman kong may... nalaman ko na buntis si Cashiana."

My Lover is a Cheater (Lover Series #1)Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu