CHAPTER 36

305 4 2
                                    

Chpater 36

Ang usapan namin ni Dreo ay natuloy noong dinner. Nagkita lang kami after ng isa kong meeting sa isang restaurant na hindi masyadong matao. Nag-usap kami tungkol sa panliligaw niya at nagkalinawan. Sabi niya ay hindi siya magmamadali at hihintayin niya ako hanggang sa kaya ko na ulit siyang mahalin.

Natawa ako doon.

Hindi ko na naman kailangan ulit siyang mahalin dahil mahal ko pa rin siya. Hindi niya lang alam. At ang tanga niya para hindi maisip 'yon dahil magpapaligaw ba ako at susubok ulit sa kaniya kung hindi ko na siya mahal?

Pagkatapos ng dinner namin ay hinatid niya ako pero hindi rin naging maganda ang gabing iyon dahil naabutan kami ni Keizira.

Nagalit si Keizira kay Dreo lalo na sa akin nang sabihin kong nililigawan ulit ako ni Dreo. Tulad ni Seth ay pinilit niya akong tigilan ang kahibangan na 'to pero inilingan ko lang siya.

Ilang araw akong hindi pinansin ni Seth at Keizira kahit na sa tawag or text. Kapag pumupunta ako sa boutique ni Keiz ay para lang akong hangin kung daanan niya, at naiintindihan ko 'yon. Kahit si Seth, noong dumaan ako sa apartment nila ay hindi ako nito nilabas hanggang sa hinayaan ko na lang at umuwi.

Nagsimila din ang panunuyo ni Dreo sa mga nagdaang araw. Walang mintis ang text at tawag niya. Kahit mga walang kwentang bagay sinasabi niya sa akin. Ultimo meme sa Facebook sinesend tapos magv-voice message pa ng tawa.

Tapos hindi ko alam pero gustong-gusto niya maging driver ko. Sa mga shoots ko siya ang kasama ko. Kahit sa pagv-video ko nanonood siya. Palaging nasa condo at kulang na lang doon na tumira. Parang wala siyang trabaho.

Noong una ay hindi ako kumportable, pero noong isang linggo na ang lumipas ay nasanay na rin ako. Parang bumalik kami sa dati at parang gusto kong ganoon na lang kami palagi. Pero hindi ko pa rin maiwasan na makaramdam ng takot. Hindi naman pwedeng mawala 'yon. Alam kong buong buhay ko ng dadalhin 'yon. Kaya kailangan ko ng tulong ni Dreo. Kailangan kong makasiguro na hindi niya ako ulit bibiguin.

Naglakad ako palapit sa kaniya at masungit siyang pinagtaasan ng kilay. "Ang sabi ko, bawal."

"Ihahatid na lang kita," aniya, nakakunot ang noo at bahagyang nakanguso.

Umiling ako. "Ayoko! Baka hindi ka na umuwi kapag nakita ka nila."

"Bakit ba ayaw mo? Ihahatid ka na nga lang, e."

"Wala ka namang gagawin doon. Alangan namang manood ka sa amin buong araw. Mabo-bored ka lang, Dreo."

Tumayo siya sa pagkakaupo at naiinis na lumakad sa kusina. Sinundan ko siya at nakitang kumukuha ng pagkain sa cupboard. "Kung ayaw mo akong pasamahin, dito na lang muna ako hanggang sa maka-uwi ka. Pwede naman iyon 'di ba?" tanong niya.

Bumuntong hininga ako at namaywang sa harap niya. Kanina pa siya namimilit na isama ko sa pupuntahan ko ngayon, pero bawal. Hindi pwedeng isama ko siya sa over night namin nila Cai. Nakakahiya. Gagawa lang naman kami ng content. Kasama namin sila ate Jai kaya walang dapat na ipag-alala.

Wala rin naman siyang gagawin doon. Hindi pwedeng panoorin niya lang kami ng buong araw. Ayaw niya naman na sumasali sa mga videos. Kaya talagang hindi siya pwedeng sumama ngayon.

Wala akong nagawa kundi ang tumango at pumayag sa gusto niya. Wala rin namang tatao rito sa condo.  Hindi lang pala driver ang gusto niya, pati pagbabantay ng bahay mukhang natitipuhan niya na rin.

"Basta wala kang gagalawin na kahit anong gamit at!" Tinaas ko ang hintuturo ko at itinutok sa kaniya. "Huwag kang papasok sa kwarto ko. Dito ka sa salas matutulog."

My Lover is a Cheater (Lover Series #1)Where stories live. Discover now