CHAPTER 35

339 5 0
                                    

Chapter 35

Wala sa sariling binukan ko ang pinto ng unit ko nang marinig kong may kumatok. At halos maluwa ko ang subo kong hotdog sa bibig nang bumungad sa akin ang mukha ni Dreo.

He's wearing a white cap and gray hoodie na nakasuot sa ulo niya, naka-gray itong short at rubber shoes na white. May hawak din itong paper bag na galing sa isang brand ng damit and phone sa kabila.

Napanganga ako nang ibaba niya ang hood niya dahilan para makita ko ang buong mukha niya.

"Hi!"

Parang tinambol ang puso ko nang sumilay ang ngiti niya. Tapos 'yung dimple niya na mas nagpakabog ng dibdib ko.

Nilunok ko ang subo kong hotdog at umayos ng tayo. Pasimple ko pang pinunasan ang mukha ko at tiningnan ang itsura. Naka-sickling short lang ako at over size na damit. Sigurado rin akong magulo ang pagkakatali ko sa buhok at walang ayos sa mukha.

Hindi ko naman kasi inaasahan ang pagpunta niya. Kakagising ko lang din at nagluluto ako ng dinner. Galing kami sa shoot ni Seth para sa isang collab kaya pagod ang katawan ko. Tapos biglang bubungad si Dreo sa harap ng unit ko. Ni hindi siya nagtext sa akin na pupunta siya rito. Edi, sana nakapag-ayos ako kahit buhok lang. Tsaka nandito si Seth!

Nasa loob si Seth at kumakain. At paniguradong magagalit 'yon kapag nakita niya si Dreo. Hindi pa niya alam ang nangyari sa amin ni Dreo sa parking at natatakot din akong sabihin. Simula nung nangyari dati parang sinumpa niya na si Dreo. Kaya alam kong kapag nalaman ni Seth na manliligaw ulit si Dreo sa akin ay malilintikan ako.

It's not that I already let him court me. Hindi ko pa siya sinasagot simula noong tinanong niya ako sa parking. But still!

Tumikhim ako at ngumiti sa kaniya ng tipid. Bahagya ko ring sinarado ang pinto para hindi niya makita ang loob at para hindi rin siya makita ni Seth.

"Hello! Ginagawa mo rito?" mahina ang boses na tanong  ko sa kaniya.

Lumaki ang ngiti niya bago inangat ang hawak niyang paper bag. Inilapit niya ito sa mukha ko dahilan para medyo mapaliyad ako at hindi tamaan. Napakurap ako at awkward na ngumiti.

"Para sayo," he said.

Tumaas ang kilay ko at kinuha ang paper bag. Nanlaki ang mata ko nang makita ang laman noon. Mabilis na ibinalik ko iyon sa loob at ibinigay sa kaniya.

Inilingan ko siya. "Salamat pero sobra 'yan masyado. Hindi ko matatanggap, Dreo," pagtanggi ko.

Nakita kong nawala ang ngiti sa mukha niya at lumungkot ang itsura. Kinuha niya ang paper bag na inabot ko. Kinagat niya ang labi niya at tipid akong nginitian. Halata sa reaksyon niyang na-disappoint siya sa pagtanggi ko. Ako rin naman.

Ang mahal ng damit na 'yon. Sa pagkakaalam ko ay umabot iyon ng hundred thousands pesos at nakita ko online na dollar ang presyo noon. Tapos may nakita pa akong box ng accessories. Kaya no, hindi ako tatanggap ng ganoon kamahal na damit. Parang allowance ko na 'yon sa isang buwan.

"Hindi mo ba nagustuhan?" malungkot niyang tanong.

"Huh? Hindi! I mean, syempre nagustuhan ko. It's just—"

"Ami, sino 'yan? Bakit ayaw mo papasukin?"

Nanlaki ang mata ko at nataranta nang marinig ko si Seth sa likod ko. Mabilis na lumabas ako ng unit ko at sinarado ang pinto bago pa makalapit si Seth sa akin. Nakita kong nagulat din si Dreo sa ginawa ko dahil bahagya siyang napaatras. Pero wala na akong pakialam doon dahil hindi siya pwedeng makita ni Seth.

Pero tanga ako syempre at hindi naisip na pwedeng buksan ni Seth ang pinto. Mahigpit ang hawak ko sa seradura ng pinto at hindi hinahayaan na mabuksan 'yon ni Seth. Tumingin pa ako kay Dreo para humingi ng tulong pero hindi niya ako ma-gets. Hanggang sa isang malakas na tulak ni Seth ay tumalsik ako.

My Lover is a Cheater (Lover Series #1)Onde histórias criam vida. Descubra agora