CHAPTER 40

373 5 4
                                    

Chapter 40

"'Di ba?"

"I'm sorry..."

I inhaled. Sobrang sakit na ng ulo ko at parang kaunti na lang ay sasabog na. Pero hindi ko kayang hindi ilabas lahat ngayon na nandito siya sa harap ko. Gusto ko ng ilabas lahat para makahinga ako.

Sapo-sapo ang ulo na nanatili akong nakatihaya sa paghiga. Habang siya ay naka-upo na sa sahig at nakayuko.

"Hindi mo alam kung gaano ako naghirap sa ginawa mo. Hindi mo alam paano ako masaktan nung mga araw na 'yon..."

Nagsimulang bumalik ang mga alaalang akala ko nalimutan ko na. Siya na nakapatong kay Cashiana. Ang halinghing at sigaw nila. Malinaw na malinaw sa utak ko ang eksenang iyon. Hinding-hindi ko 'yon malilimutan.

"Maayos tayo, e. Wala tayong problema. 'Yung pamilya lang natin. Bumalik 'yung gago mong tatay tapos... n-nawala si Mama."

Pinikit ko ang mata ko nang maalala si Mama. Lahat ng pangaral niya. Ang yakap niya. Ang paglalambing niya. Ang halik niya. I miss her so much. Everyday, I'm still longing for her.

"Iniwan ako ni Mama. Walang-wala ako.... Sirang-sira ako, Dreo, at ikaw lang ang bumubuo sa akin noong mga panahon na 'yon... pero sinira mo rin ako... "

"I'm sorry... "

"Alam mo ba kung anong pakiramdam ng mawalan? Ha?! Masakit! Sobrang sakit! Tapos dinagdagan mo pa! Mas pinasakit mo pa, Dreo! Dinurog mo 'ko! Niloko mo 'ko!" Nabasag ang boses ko. "Parang gumuho 'yung mundo ko noong nahuli ko kayo! Parang nasiraan ako ng bait sa sakit! Hindi mo 'yon alam... Hindi mo 'yon alam kasi kahit kailan hindi kita sinaktan! Hindi kita niloko! Kasi nangako ako. Kasi ang sabi ko sa 'yo... mahal kita. At kapag mahal mo, hindi mo sasaktan!"

"Mahal din kita, Ami—"

"Then why?! Bakit mo ako niloko? Paano mo ako nagawang saktan kung mahal mo ako?!" umiiyak kong sigaw. "Paano mo nagawa sa akin 'to... "

Narinig ko ang hikbi niya. Sinilip ko siya. I saw him struggling on wiping his tears. Nanginginig na rin ang balikat niya sa pag-iyak. And I hate myself for pitying him. Kasi siya ba naawa sa akin? Naawa ba siya noong sinaktan niya ako?

"Galit na galit ako sa 'yo. Gusto kitang saktan. Gusto kong iparamdam sa 'yo iyong sakit na binigay mo! Gusto kong malaman mo kung paano ako naghirap dahil sa 'yo! Gusto kong magdusa ka rin! Gusto ko na masaktan ka rin. Kasi hindi pwedeng ako lang... Hindi pwede ako lang ang nasasaktan kasi ikaw naman ang nagloko! Pero nagagalit din ako sa sarili ko kasi alam kong kahit anong galit ko, mahina ako pagdating sa 'yo. Alam kong madali akong babalik kahit ano pang gawin mo. Hahabol ako kapag iniwan mo. Babalikan kita kapag tinulikuran ko. Ganoon kita kamahal, Dreo! Gaanon ako magmahal! Hindi 'yung ganiyang tulad sa 'yo. Hindi ganiyang nanakit! Hindi ganoon ang pagmamahal. Hindi ganoon..." Isang malakas na singhap at bumuhos pa lalo ang luha ko.

Hirap na hirap ako ngayon sa paghinga dahil sa pagkakahiga. Pero wala akong lakas na tumayo dahil sa pagod. Kaya hinayaan ko na lang ang sarili kong umiyak ng tahimik habang sinasabi lahat ng hinanakit ko.

Alam kong nakikinig siya. Naririnig ko ang mahihina niyang hikbi at pagsinghot. At deserve niya 'yon. Deserve niyang masaktan!

"Iniwan kita kahit hindi ko gusto. Kahit gustong-gusto kitang patawarin at tanggapin ulit, hindi ko na ginawa kasi nakita ko siya. Nakita ko kayo. Bakit masaya kayo? Bakit nasa condo mo ulit siya? Bakit nakangiti ka? Bakit masaya ka sa kaniya? Sinubukan kong kalimutan ka. Sinubukan kong mabuhay nang wala ka. At nakaya ko, Dreo. Nakaya ko ng wala ka pero... pero tangina, wala pa ako sa gitna bumalik ka na naman. Nagpakita ka na naman! Ginulo mo na naman ako! Naudlot ang paglimot ko sa 'yo! At ako si tanga, naniwala ulit. Nagpa-uto. Kasi syempre mahal kita, e... " mapait akong tumawa at pinunasan ang luha. "Mahal na mahal kita. Alam mo ba 'yon, ha?! Mahal kita kaya sumubok ako. Kahit wala pa 'yung paliwanag mo, sumugal ulit ako. Tinaya ko ulit 'yung puso ko kasi baka nga naman this time masaya na tayo. Baka this time... may happy ending na ako," pumiyok ang boses ko sa huling sinabi.

My Lover is a Cheater (Lover Series #1)Where stories live. Discover now