CHAPTER 38

281 6 0
                                    

Chapter 38

Laman ng isip ko ang mga sinabi ni Seth buong gabi.  Parang talon kung umagos ang luha ko habang nakatulala. Paulit-ulit na tumatakbo sa isip ko lahat. Hindi napapagod ang isip ko pero pagod na pagod na akong masaktan at mabigo.

Hindi pa sana ako tutuloy sa reunion pero marami ang umaasa na pupunta ako kaya hindi na rin ako makatanggi.

Gusto ko na lang matulog dahil pakiramdam ko bigla akong napagod. Gusto kong humiga sa kama ko at itulog ang lahat.

Hindi naging patas ang mundo kahit minsan.

Masaya ka kanina tapos biglang luluha ka na lang.

Mabilis ang pagkaparada ko ng sasakyan at ganoon din sa pagbaba. Hindi ako sumabay kila Seth nang sunduin nila ako kanina. Hindi ko rin sinagot ang mga tawag at text ni Dreo sa akin. Buong umaga ay tulala ako habang naghahanda. Hindi mawala sa isip ko lahat. Paulit-ulit kong iniisip kung anong gagawin ko kapag totoo. Hanggang sa maiiyak na lang ako at matitigil sa ginagawa.

Nasasaktan ako. Na naman.

Paulit-ulit na lang.

Sabi ko tama na, e. Sabi ko sarili ko naman.

Para akong bumalik sa dati.

Pagod at walang gana.

Ayaw ng makaramdam. Ayaw na sa mundo...

Hindi pa naman sigurado lahat ng sinabi ni Seth... pero paano nga kung, oo?

Hindi ko maintindihan bakit ganito. Ano bang kasalanan ko? Masama ba akong tao? Bakit kailangan kong masaktan ng ganito? Naging totoo naman ako. Minahal ko naman siya. Bakit palagi akong nasasaktan? Anong pagkukulang ko? Ginawa ko naman lahat. Sinubukan ko kahit mahirap. Tinatanggap ko kahit nakakatakot. Halos wala na akong itira sa sarili ko pero bakit ganon, nasasaktan pa rin ako. Ubos na ubos na ako. Walang-wala na ako.

Gusto ko lang naman maging masaya. Gusto ko lang mahalin katulad ng pagmamahal na ibinibigay ko sa kaniya. Pero bakit palagi niya kong niloloko? Palaging hindi nagsasabi ng totoo. Pangako niya sa akin na hindi niya ako sasaktan. Pangako niya na palaging kaming dalawa.

Nangako siya sa akin.

Palagi na lang.

Bumaba ako ng sasakyan ko bitbit ang camera at clutch bag. Huminga ako nang malalim. Ngumiti ako sa side mirror ng sasakyan at inayos ang kinulot kong buhok.

Maraming nakaparadang sasakyan sa paligid ng oval. Nasa gitna naman ang mga tao at ang maliit na stage na hinanda ng school.

Ngumiti ako at naalala lahat ng alaala ko sa school na 'to. Maraming bagong building na naipatayo pero hindi nawala ang mga lugar na palagi naming tinatambayan. Mas lumawak ang mini park na masa gilid at dumami rin ang mga kubo at upuang bato. Nagkaroon na rin ng second and third floor ang room namin noong Grade 7. Nag-iba lang ang kulay pero ganoon pa rin ang ayos. Ang oval naman ay medyo sumikip hindi tulad ng dati dahil sa mga bagong tayong building, pero nagkaroon ng maliit na kubo sa gitna noon. Siguro ay para sa mga sound system kapag may event.

Nang tingnan ko ang mga tao sa gitna ng malawak na oval ay mas napangiti ako. Ang daming tao at rinig na rinig ko ang mga tawanan nila. Nakita ko kaagad sila Seth at ang iba kong mga kaibigan sa isang lamesa kausap ang dating kaklase. Maraming bilong na lamesa ang nakalagay at mga upuan. Tulad noong nag-acquaintance party kami dati dito. May isang pahaba ring lamesa sa pinakalikod kung nasaan ang mga pagkain na dala ng mga dumalo. Dapat ay magdadala rin ako ng sa akin pero hindi na ako nakapagluto dahil nga sa nangyari.

I exhaled a loud breath before forcing myself to smile. I must enjoy this night. Kahit ngayong gabi lang, kalimutan muna natin lahat.

I know Dreo will be here but I prefer if hindi muna kami mag-uusap. Kahit pa gaano kagulo ang utak ko sa mga tanong, ayaw ko muna ngayon. Mabuting layuan ko muan siya pero alam kong hindi niya hahayaang mangyari iyon. Sigurado akong ako ang una niyang hahanapin lalo na at hindi ko siya nirereplyan simula kagabi.

My Lover is a Cheater (Lover Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon