CHAPTER 37

285 3 0
                                    

Chapter 37

"Yeah. I have it na. Thank you!"

"Okay, just tell me if nagustuhan mo and if hindi, papalitan na lang natin. But I'm sure you'll love it." he grinned.

"Well , let's see," I shrugged and giggles. "By the way, I have to end this na. I'll start the live in 3 minutes."

He nodded. "Okay, I'll just watch your live. Bye. Love you."

"Bye." I smiled at Dreo and finally dropped the video call.

Kinuha ko ang isa ko pang phone para gamitin sa pagla-live. Tinabi ko muna ang binigay ni Dreo at naghanda. Hindi na rin kasi ako makapag upload dahil sa mga nangyari noong nagdaang isang linggo kaya naisipan kong mag-live for my followers.

After the collaboration with Cai and the other vloggers, the video went viral. In 24 hours it reaches two million views and placed in number three in YouTube trendings. And it all because of our confession. Tuwang-tuwa si Cairo sa amin dahil nagkapera pa raw siya dahil sa aming dalawa.

Maraming kinilig, natuwa at sumuporta. Ngunit hindi rin naiwasan ang pambabatikos ng ilan. Maraming nagsabing ginagamit lang daw ako ni Dreo for fame and sinasabi na we betrayed Clarisha.

Hindi ko makuha ang sinasabi nilang trinaydor namin si Clarisha. Clarisha has nothing to do with us. It's me and Dreo's relationship. Labas siya doon. Siya na rin mismo ang nagsabi noon na walang namamagitan sa kanila ni Dreo. At ganoon din ang sinabi ni Dreo sa akin.

Lahat ata ng fans ni Clarisha ay sinugod ako sa lahat ng social media accounts ko para i-bash ako. Kahit sa account ni Sethere at iba ko pang kaibigan ay may mga naligaw.

Syempre nalungkot ako. But later on, I just accepted na may mga tao talagang hindi mo makukuha ang loob. Sinusuportahan nila si Clarisha and I understand that they just want the best for her. But still, hindi pa rin maganda ang ginagawa nilang paninira.

Kahit si Seth na nagalit sa amin ni Dreo dahil sa pag-amin namin in public ay hindi rin pinalampas ang mga basher. Kahit na halos ilibing niya ng buhay si Dreo tuwing nadadatnan sa condo ay hindi niya rin ako maiwan sa pag-aalala. Pati si Keizira, pinupuntahan niya rin ako sa bahay para i-check.

Nakarating din kay Daddy ang video na iyon at hindi ko maintindihan dahil mukhang tuwang-tuwa pa siya hindi tulad nila Seth. Madaling araw ilang oras matapos i-upload ang vlog ay tumawag kaagad siya sa akin. Pinaulanan niya ako ng tanong at mga bilin pero in the end ay tawa naman siya nang tawa at nag-reminisce pa ng mga alaala namin dati noong mga bata pa kami.

Sila Camira, Reign, Gab, Ray at Heira naman ay support lang pero hindi rin nila nagustuhan ang pag-amin namin in public. Kahit na kaibigan nila si Dreo ay syempre hindi pa rin tama ang ginawa ni Dreo. Kapag raw may nakaalam ng past ay baka parehas kaming masira. Lalo na si King, halos hindi ako tantanan ni King noong tumawag siya. Akala ko magagalit siya tulad nila Seth pero pinagsabihan niya lang ako at binalalaan sa desisyong ginawa ko.

Kabaliktaran nila si Charish na kilig na kilig sa amin ni Dreo. Sumugod pa talaga siya sa condo para lang sumigaw sa kilig at paghahampasin ako ng unan. Masaya siya para sa amin. Suportado niya kami. At nagpapasalamat ako doon. Pero tulad ni King ay may kaunting paalala din siya.

Alam ko naman iyon simula umpisa. Alam ko ang mga pwedeng mangyari simula noong binigyan ko ng isang pagkakataon si Dreo. But I also know na hindi na iyon mauulit dahil mahal ako ni Dreo. May dahilan si Dreo alam ko kaya niya ginawa iyon sa akin. I didn't know it until now because I'm still not ready to talk about it. Maybe kapag handa na ulit akong maging kami, tsaka ako magtatanong. Iintindihin ko siya at pipiliting pakinggan. We will make this work.

My Lover is a Cheater (Lover Series #1)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora