CHAPTER 2

839 14 2
                                    

Chapter 2

"I saw Dreo," wala sa sarili kong sabi.

"Weh?" Camira.

"Saan?" Heir.

"Anong sinabi? Nagkausap kayo?" Reign.

I rolled my eyes. Sunod-sunod ang naging tanong nila Cam, Heir, at Reign sa akin at lahat sila ay nakadungaw habang nagmamaneho ako.

"Saan mo nakita?" nagmamadaling tanong ni Camira na katabi ko sa unahan.

"Kanina. Nasa crowd siya tapos bigla siyang hinila nung nagpapa-picture. I was shocked. Like, I literally stared at him for a minute or two and wala na akong pakialam sa mga nagpapa-picture."

"Yie... Muling ibalik ang tamis ng pag-ibig—"

"LOL. Funny?" Pigil ko sa pang-aasar na kanta ni Heir.

"Gwapo pa rin ba?" malisyosang tanong ni Reign na naka indian seat sa likod.

"As if hindi niyo siya nakikita," I said, sarcastic.

Because I know na nagkikita na sila ngayon. Hindi ko alam kailan ulit sila nagkabati pero basta nasasabi nila sa akin na nakakausap nila ang lalaki. Si Gab nga palaging nakakasama si Dreo. Wala naman sa aking problema.

"Ikaw ang tinatanong namin. Alam naming gwapo 'yon at mas gumwapo pa ngayon. Eh para sa'yo?"

I rolled my eyes again and chuckled. "Gwapo. But!" Itinaas ko ang hintuturo ko while emphasizing the but. "I moved on years ago. So gwapo siya pero maraming gwapo sa mundo." I smirked and look at them proudly.

Tumawa si Heir sa likod at tinuro ako. "Move on, move on. Wala sa dictionary mo 'yan, tanga!"

"Tanga! Vocabulary 'yon. Bobo!" natatawang saad ni Reign na katabi nito.

Inirapan lang siya ni Heir at humarap ulit sa akin.

"Pansin ko lang, ah? Mahilig si Dreo sa C, 'no? I mean, una si Camira kasi noong elementary raw sila naging crush niya 'tong babaeng 'to." Tinuro niya si Cam at ginulo ang buhok. "Tapos si Clea, iyan si Amira naging jowa pa. Tapos si Cashiana, natikman pa—"

"Hoy! Nakikinig 'yung naka move on na raw!" pang-aasar ni Heir kaya sinamaan ko siya ng tingin.

"Oh, bakit? Totoo naman. Tapos ngayon si Clarisha. Tiba-tiba, Dreo. Iba talaga kapag gago!"

"Clarisha?" I curiously asked.

"Oo! 'Yung ramp model na nai-issue ngayon sa kaniya? 'Yung matangkad na payat tapos maputi na akala mo kinain ang kojic. 'Yung sinend kong link sa group chat! Iyon 'yung post. Mga halatang tamad magbasa."

"Ah, 'yung babaeng anak ng Chanel at LV? Nakita ko na 'yon. Kasama niya 'yon nung nagkasalubong kami sa hospital. Ang arte naman tapos napakasungit din," pagk-kwento ni Cam.

"Oh, 'di ba? Mahilig sa letter C!" ngisi ni Heir.

"Gusto 'ata ng top." Tumawa si Reign ng malakas sa likod. "Kasi 'di ba, A, B, C, D? C tapos D nasa ilalim. Oh!"

"Manahimik nga kayo!" saway ko.

"Ang witty mo doon, bes!" Nakipag high five si Heir kay Reign pagkasabi noon. "Kung may nangyari pala sa inyo, Amira, top ka." Tumawa silang tatlo na ikinarita ko. "Naku, top kaya si Cashiana—"

"Ay, ang insensitive ah."

Natahimik silang tatlo dahil sa sinabi ko. Nakagat ni Heir ang labi niya at yumuko.

"Sorry po."

At dahil sa inis ay binilisan ko ang takbo ng sasakyan kaya nagsigawan sila at pinagmumura ako. Nakarating kami sa parking ng Barista— cafe ni Gab— at hindi pa rin sila matigil sa kakamura. Pumasok kami sa loob ng shop at hinanap si Seth na alam naming galit na dahil kanina pa iyon naghihintay.

My Lover is a Cheater (Lover Series #1)Where stories live. Discover now