CHAPTER 16

181 5 0
                                    

Chapter 16

Hinihingal na tumigil ako sa pagtakbo nang maabot na ng tubig ang paa ko. I looked up at the sky to see the beautiful scenery.

The sun is shining brightly as it rises. I smiled and make my self sit comfortably on the sand, watching the sunrise.

Ganito na ang naging routine ko tuwing umaga, gigising ng 6 AM para lang panoorin ang paglitaw ni araw. Naa-amaze ako palagi sa kulay na ipinapakita niya. Ang dim na kulay ng langit ay napapalitan niya ng liwanag sa tuwing sisilip na siya.

Wala naman akong ibang pwedeng gawin sa resort kundi ang libangin ang sarili sa mga tanawin. Napanood ko na ang paglitaw ng araw hanggang sa paglubog nito. Ang bawat hampas ng tubig at ang mainit at malamig na hanging tumatama sa balat ko. Nalaro at nakagawa na rin ako ng iba't ibang itsura ng kastilyo sa buhangin.

For 2 months of staying here, I'm bored to death. Mahina ang signal dito kaya minsan na lang din kung makausap ko ang mga kaibigan ko. Minsan ay gusto ko na lang sumama kay Mama kapag umuuwi siya pero mas wala naman akong magagawa sa bahay at wala pa akong kasama.

Kinuha ko ang cellphone ko sa bulsa ng pajama at binuksan ang camera bago kuhanan ng litrato ang langit. Nakangiting sinend ko ito kay Dreo na alam kong tulog pa hanggang ngayon.

Pagkatapos niyang umamin sa akin noong Recognition hindi kami nag-usap ng isang linggo. Nahihiya akong i-chat siya dahil hindi ko alam ang sasabihin ko at ganoon din naman siya. Kung hindi pa ata siya maro-wrong send ay hanggang ngayon hindi kami nag-uusap.

All turned out awkward on us. 'Yung mga banat niya dati na wala namang malisya para sa akin, ngayon ay napapansin ko na. Kahit simpleng biro niya alam kong double meaning iyon. But we never talked about his confession. He doesn't know that I like him too and let's just keep it that way because I don't know what will happen to us if he knew.

I don't even know if he likes me that much to make me his girlfriend or it's just a simple like. And I'm not sure what I'd like us to be, dahil sabi ko nga, bata pa ako. Wala akong alam sa pakikipagrelasyon at hindi pa rin ako sigurado kay Dreo. Baka pagkatapos ng bakasyon na 'to, hindi ko na siya gusto.

Tumayo na ako sa pagkaka-upo nang makitang may mga bisita ng dumadating. Nakita ko na rin si ate Syntia na may dalang beach chair na aayusin sa mga nakatayong malaking umbrella. Lumapit ako kay ate Syntia at sinubukan siyang tulungan.

"Goodmorning, ate," bati ko.

"Hunong na! Ay, jusko. Gitawag ka sa imong Papa at kakain na raw kayo," sabi ni ate Syntia at inagaw sa akin ang upuan.

Hindi ko masyadong maintindihan ang sinabi niya dahil hindi naman ako marunong magsalita ng Bisaya pero naiintindihan kong tinatawag na ako ni Papa para kumain ng agahan.

Sinimangutan ko si ate Syntia bago naglakad pabalik sa hotel. Nakita ko si Papa sa restaurant na nakaupo habang kausap si Sir Martin, ang chef ng buong resort. Umupo ako sa harap niya at humalik sa pisngi.

"What do you want for breakfast?" Papa asked while Sir Martin is still on his side, waiting for our orders.

Ngumuso ako at tumingin sa menu. "Fried rice po tsaka ham," sagot ko at nginitian si Sir Martin.

He smiled and nod his head before leaving us to serve our foods. Maya-maya ay dumating na ang pagkain namin. Habang kumakain ay maraming katawagan si Papa.

"Ami?" he suddenly called me.

"Po?"

Papa sighed and reached for the tissue, pinunasan niya ang gilid ng bibig ko. "Ihahatid kita sa airport mamaya kapag nandoon na si Mama, hmm? Kahit hindi mo na muna iuwi lahat ng damit mo, ako na bahala."

My Lover is a Cheater (Lover Series #1)Where stories live. Discover now