(ITHOJM) CHAPTER 63🌺

152 6 0
                                    

INSIDE THAT HEART OF JACK MONTEVERDE (BOOK1)
by: Seyeee047💚

CHAPTER 63🌺

🌼END🌼

  Kaagad naman niya etong sinunod at umatras papalayo sa pinto.

Maya- maya ay narinig niya ang malakas na pag-hampas ng isang bagay sa doorknob ng pintuan. 

Kasunod noon ay ang dahan-dahang pagbukas ng pinto at tumambad sa harap niya ang duguang anyo ni Jack.

Nasapo niya ang bibig ng makita ang itsura na Jack na animo'y nagmula pa sa isang aksidente.

Hindi na napigilan ni Maureen ang sarili na kaagad na nilapitan si Jack.

"Jusko!!!

Anong nangyari sa'yo?

Ayus ka lang?" puno ng pag-aalalang tanong niya habang pinagmamasdan ang duguang ulo ni Jack.

Napangiti na lang si Jack sa naging reaksyon niya.

"Hindi ba ako dapat ang magtanong sa'yo nyan?"  ganti ni Jack sa kanya.

"Anong nangyari? Sinong may gawa
neto?"  dugtong neto.

Bakas ang labis na pag-aalala at galit sa mga mata neto.

Parang nadudurog ang puso ni Maureen.

Gustong-gusto niyang yakapin ang taong kaharap niya ngayun.

Ngunit hindi maaari!

Kaya pinunasan niya na lang ang kanyang mga luhang kanina pa nag-unahan sa pag-agos mula sa kanyang mga mata sanhi ng labis na takot, kaba at sobrang pag-aalala.

Kaagad na napansin ni Jack ang sugatang kamay at mga daliri ni Maureen.

Marahan niya iyong kinuha at binalot ng panyong hinugot niya mula sa kanyang bulsa.

"Umalis na tayo dito!

Kailangan niyong pumunta agad sa hospital"  saad ni Jack.

Agarang kumunot naman ang noo ni Maureen sa sinabi neto.

"N-niyo?

T-teka!

Si Gab!??

Kailangan ko munang makita ang anak ko!" puno ng pag-aalalang saad ni Maureen na nagmamadaling lumabas ng silid.

Tiningnan lang siya ni Jack tsaka agad na inalalayan.

"Andun na si Gab sa kotse. 

Ipapaliwanag ko na lang ang lahat pagdating natin sa hospital" saad ni Jack.

At napansin niyang tila napanatag naman ang loob ni Maureen ng malamang natagpuan niya ang anak neto at tahimik lang etong sumunod sa kanya.

------------

"Jusko!"  tanging nasambit ni Stella na animo'y maluha-luha pa habang nasapo ang dibdib ng isiwalat ni Jack lahat ng mga nangyari.

Pati si Maureen ay hindi din makapaniwala at tahimik lang na pinagmasdan ang natutulog na anak.

"Kailangang managot sinumang may gawa neto!

Labis-labis na ang pinsalang dulot nila sa pamilya natin

Lalung-lalo na sa nakapa-inosente kong apo"  dugtong ni Stella.

"So who's that Gwen ma?

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Dec 29, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Inside That Heart of JACK MONTEVERDE (1) (Completed)Where stories live. Discover now