(ITHOJM) CHAPTER 21🌺

97 6 0
                                    

INSIDE THAT HEART OF JACK MONTEVERDE (BOOK 1)
by: Seyeee047💚

CHAPTER 21🌺

NESSA'S POV

Maagang siyang nagising at kaagad na tinulungan si Lola Berta sa paghahanda ng agahan. Tuwang-tuwa naman ang matanda sa kanya dahil sa kabaitang pinapakita niya pero ang totoo ay gusto lang niya na siya ang maghanda ng agahan ni Jack.

  Pagkatapos magluto ay kaagad naman siyang kumuha ng walis at nagwawalis sa loob ng Mansion kung saan dadaan si Jack.

Gusto niya na siya ang unang-unang makita ni Jack pagkababa neto. At napangiti naman siya ng marinig ang mga yapak ni Jack na pababa.

Inayus niya kaagad ang itsura niya at marahang nagwawalis at tila nabigla pa ang itsura ng mapansin si Jack.

  "Good morning po sir Jack, kumain na po kayo, nakahanda na po almusal nyo",nakangiting bati kay Jack na hindi man lang sumulyap sa kanya.

Abala eto sa mga documento at mga papeles na hawak-hawak neto. 

"No thanks, sabayan mo na lang si lola kumain",tugon ni Jack na hindi na nag-abalang tignan siya.

Dumiritso na ito sa kusina para magpaalam kay Lola Berta bago tuluyang umalis.

Kunot-noong hinatid lang ng tingin ni Nessa si Jack hanggang sa makalabas.

(Hayss kainis naman! Hindi man lang ako tiningnan?! Tsssk ang aga-aga ko kayang gumising at naghanda, nagpabango pa ako, nagpaganda!? Tapos hindi man lang tiningnan ang mukha ko?! Ang aga-aga ko kaya sa kusina para tulungan yung matanda, tapos hindi siya kakain?), inis na bulyaw niya sa isip niya.

Naisip niyang hindi na lang tapusin ang pagwawalis, total nilampaso na naman niya  eto kahapon.

(Tsss, makakasalo ko na naman yung maingay na matanda? Haysss badtrip talaga?!), sigaw niya sa isip niya na ginulo pa ang buhok niya sa inis.

Kaagad na binitbit niya ang walis at nag-isip ng palusot para hindi makasabay sa pagkain ng agahan si Lola Berta.

(Maglilinis na nga lang ako para hindi na ako abalahin ng matanda. Tssss kaya na naman nun kumain mag-isa. Saan kaya pupwede, 'yung hindi niya ako mahagilap kaagad? Tama, dun naman ako sa taas. Doon naman ako tatambay sa kwarto ni Jack), agad namang napalitan ng ngiti ang kanina'y inis na inis na itsura niya. 

Abot tenga pa ang kanyang mga ngiti habang paakyat ng hagdan at palundag-lundag pang tumungo sa silid ni Jack.

----------------------

SANDRA'S POV

Maagang nagising si Sandra at kaagad na nagbihis at tumungo sa kusina. Maaliwalas ang mukha niya habang pangiti-ngiti pang naghanda ng almusal niya. Sa wakas ay lunes na at makikita na niya ulit ang bata.

Mabilis niyang tinapos ang almusal niya at naghanda ng sandwich para kay Gab. Nagbabakasakali siya na maunang makarating sa park at makita ang pagdating ni Gab at para maibigay dito ang sandwich na gawa niya.

Pagdating niya sa park ay nakita niya ang ilang mga bata na maagang naglalaro. Masyado yatang napaaga ang mga batang eto para may oras pa sila maglaro bago ang klase. Pinagmasdan niya ang mga bata at hinagilap si Gab ngunit hindi niya eto nakita.

"Nasa classroom na kaya siya? Hindi pa siguro dumating, masyado pa namang maaga",  sa isip niya habang patuloy na hinahagilap ng kanyang mga mata ang bata.

Inside That Heart of JACK MONTEVERDE (1) (Completed)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن