(ITHOJM) CHAPTER 57🌺

86 6 1
                                    

INSIDE THAT HEART OF JACK MONTEVERDE (BOOK 1)
by: Seyeee047💚


CHAPTER 57🌺


Kaagad na lumuwas si Maureen sa Manila at pinuntahan ang hospital na kinaroroonan ng ina.

  Sa wakas ay makakaharap na niya ang kanyang ina na kahit ni isang beses ay hindi niya pa nakikita.

Kahit na galit at puot ang nararamdaman niya sa ina ay hindi maalis sa kanya ang tuwa at labis na pananabik.

Sa wakas ay makikita na niya eto.  Mapupunan na lahat ng puwang sa kanyang puso na tanging ang ina niya lang ang makakapuno.

Narating na niya ang hospital na tinutukoy ni Stacey.

  Kabado ang dibdib niya habang nilalakbay ang hallway patungo sa silid na kinalalagyan ng ina.

Makikilala kaya siya neto? Ano ang sasabihin niya sa ina?

Napakaraming katanungan ang nagsulputan sa isip niya ngunit hindi niya alam kung ano ang magiging reaksyon niya at kung ano ang masambit nya kapag nakaharap na niya ang ina.

Nasapo na lang ni Maureen ang bibig, nasa pintuan na siya ng silid ni Marta ngunit kailangan niya munang mag-ipon ng sapat na lakas para mabuksan iyon.

Kailangan niyang patatagin ang sarili. Sari-saring emosyon ang bumalot sa kanya.

Kinakabahan siya, nagagalit, nananabik, nalulungkot at nasasaktan dahil sa ganitong lugar at pagkakataon pa niya makakaharap ang ina.

Pilit niyang pinapakalma ang sarili. Eto na ang sagot sa matagal na niyang dasal. Binigyan pa siya ng pagkakataon ng Panginoon para makaharap ang ina, kaya dapat alisin niya lahat ng negatibong emosyon mula sa puso niya, dapat magpasalamat siya at matuwa.

Nagpakawala muna siya ng isang napakalalim na buntong-hininga bago tumayo sa harap ng pinto.

Akmang bubuksan na sana niya ang pintuan ng biglang marinig niya ang ingay mula sa loob ng silid.

  Mas lalo pang lumakas ang ingay ng buksan ng mga doctor at nurse na tila nag-uunahan at nagmamadaling pumasok sa silid na dahil sa magkahalong kaba, pagkabigla at pagkalito ay hindi na niya namamalayang nagsulputan na lang sa kung saan.

Napatulala na lang si Maureen sa bilis ng pangyayari.

Kani-kanina lang ay sabik siyang sa wakas ay makakaharap na niya ang ina.

Ngunit bakit tila nag-aagaw buhay pa ito sa mismong araw ng pagtatagpo nila?

Nanlumo siya at napaupo sa gilid habang tahimik na dinadasal na sana lumaban pa ang kanyang ina. Hayaan man lang sana ng Panginoon na makausap niya eto.

Tumayo siya at sinilip ang ina ngunit mas lalo lang siyang nanlumo sa nakita.

Sumikip ang dibdib niya ng makitang napakadaming tubo ang nakakabit sa katawan ng kanyang ina.

Napakalungkot na tanawin na sana'y isang masayang pagtatagpo nila.

"Ma, please lumaban ka pa!  Hayaan mo namang maalagaan pa kita", naluluhang sambit niya habang animo'y nadudurog ang pusong pinagmamasdan ang ina.

Umalis siya sa silid at napaupo sa upuang nasa gilid.

Hindi niya matiis na tingan ang ina na nasa ganong kalagayan.

Walang humpay ang paghikbi niya. Naiinis siya dahil wala man lang siyang magawa para alisin lahat ng sakit na nararamdaman ng kanyang ina.

"Anong kasalanan ko sa Iyo?

Inside That Heart of JACK MONTEVERDE (1) (Completed)Where stories live. Discover now