(ITHOJM) CHAPTER 61🌺

419 12 1
                                    

INSIDE THAT HEART OF JACK MONTEVERDE (BOOK1)
by: Seyeee047💚



A/N:  I love you all! Thankyou at umabot kayo hanggang dito! Sorry for all the errors and mistakes, baguhan pa lang hihi.

Sana hindi kayo magsasawang subaybayan, sundan at suporthan ang mga kwento ko.

Mga kwentong tiyak na magpapangiti, magpapaiyak, magpapakilig at paniguradong kapupulutan niyo pa din ng aral kahit papaano.

CHAPTER 61🌺

"Hello po ate Sandra!

I'm glad you're here po"  nakangiting bati ni Gab ng makita si Maureen.

Kaagad etong nilapitan ni Maureen at kanyang niyakap ng kay higpit ang anak.

Maluha-luha pa eto habang yakap-yakap ang anak na sa kay tagal-tagal na panahong nawalay sa kanya.

Nawalay mula sa piling niya at panandaliang nawalay sa ala-ala niya at ngayo'y nais niya muling makasama.

"Why are you crying po ate Sandra?"  nagtatakang tanong ng bata na pinunasan ang mga luha niya.

Kaagad namang pinunasan ni Maureen ang kanyang mga luha at ngumiti kay Gab habang palingon-lingon at tila sinusuri ang paligid.

"Sino kasama mo dito? Iniwan ka ba nila mag-isa dito?"  puno ng pag-aalala ang boses ni Maureen.

Nang mapansing tila wala si Jack at ang lola nitong si Stella sa Mansion.

"May inasikaso po si Daddy. 

Si lola naman po, umalis kani-kanina lang.

Madami naman pong naiwan na mga tauhan tsaka kumuha po si lola ng yaya para pansamantalang mag-alaga sa akin"   detalyadong sagot ni Gab.

Nakahinga naman ng maluwag si Maureen na narinig.

Akala niya ay naiwan lang mag-isa ang anak sa napakalaking bahay na iyon.

"Ah, ganun ba?

Eh nasan na 'yung yaya mo?

Bakit hindi mo siya kasama?"  tanong ni Maureen habang nililingon ang paligid at tila hinahagilap  ang nasabing yaya na kasalukuyang nagbabantay sa anak.

"Ahm she told me that she'll get me some snacks po"  magalang na sagot ng bata. 

Sumeryoso naman ang mukha ni Muareen at napabuntong-hininga habang tinititigan ang anak.

Panahon na kaya para aminin niya sa bata ang totoong pagkatao niya?

Matatanggap kaya iyon ni Gab?

Nag-aalangan siya.

Baka mailang lang ang bata sa kanya. 

Baka lumayo eto sa kanya.

Baka kamuhian siya ng bata dahil sa biglaan niyang paglisan noon.

"Are you ok po?" tanong ni Gab sabay pahid ng mga luha niya na hindi niya namamalayang nagsidaloy na pala sa mga pisngi niya.

Tila nakabalik naman siya sa ulirat ng dumampi ang mainit na palad ng anak sa pisngi niya.

Inayos niya muna ang lalamunan bago magsalita.

Pakiramdam niya kasi umiinit eto at gagaralgal lang boses niya.

Tila nagdedebate ang puso at ang isip niya.

Inside That Heart of JACK MONTEVERDE (1) (Completed)Where stories live. Discover now