(ITHOJM) CHAPTER 30🌺

87 7 1
                                    

INSIDE THAT HEART OF JACK MONTEVERDE (BOOK 1)
by: Seyeee047💚



CHAPTER 30🌺


   Kinabukasan ay maagang gumising si Nessa at agad na nagtungo sa kusina at naghanda ng almusal para kay Jack.

  Pangiti-ngiti pa siya habang sinusuot ang apron at tinali ang buhok.

   Kumuha siya ng dalawang pirasong itlog at bacon at tsaka kagaad prinito ang mga ito.

  Pangiti-ngiti pa siyang inayus ang mga naluto niya sa plato, tsaka nagluto din niya ng pancakes para kay Jack.

  Kumuha siya ng lettuce at cherry tomatoes at kaagad na hinugasan bago ilagay sa plato.

  Pangiti-ngiting inaayos niya ang mga pagkain sa mesa.

   Naisipan din niyang ipagtimpla na  ng kape si Jack. Kaagad siyang nag-init ng tubig tsaka kumuha ng tasa ng pumasok sa kusina si Lola Berta na kaagad na napansin ang mga pagkain sa mesa.

"Nakahanda ka na pala Nessa.  Nako, nauna ka pa pala sa aking magising", nakangiting saad neto.

   Aba eh magpahinga ka na muna at ako na maghahanda ng kape ni Jack, ako na din ang maghahanda ng pang-agahan natin", dugtong ng matanda habang naglalakad papalapit sa kanya.

Kukuha sana eto ng tasa ng mapansin ang tasang hawak-hawak niya.

  Kunot-noo namang tahimik na pinagmamasdan ni Nessa si Lola Berta na nakangiti at akmang kukunin ang tasang hawak-hawak niya.

   Napabuntong-hininga na lang si Nessa na hindi na maalis-alis ang kunot sa noo niya.
 
   Naiisip niya na panira talaga ng moment ang matanda. Ang aga-aga kasi netong sinira ang araw niya.

"Bakit kaya hindi nalang ito dumiritso sa hardin at manatili doon ng buong araw habang nagdidilig at kinakausap ang mga halaman niya.", sa isip niya na walang balak bitawan ang tasang hawak-hawak niya habang nakatingin kay Lola Berta

"Ako na po la, ako na lang din po ang magluluto ng makakain natin. Magpahinga na lang po muna kayo at maupo at ipagtitimpla ko na din po kayo ng kape niyo", mahinahong saad niya sabay ngiti sa matanda.

  Nakita naman niya na abot-tenga naman ang ngiti ni Lola Berta ng marinig ang mga sinabi niya.

"Ay nako ineng, hehe ang sipag mo talagang bata ka.

Ay mamaya na ako magdidilig at napakaaga pa, tsaka napakamaaalahanin mo naman at igagawa mo pa ako ng kape.

Eh paniguradong napagod ka hija eh ang aga-aga mo pang nagising, nakatulog ka ba ng maayus ha?

Aba eh magpahinga ka na muna, 'wag mo na ako alalahanin at ako na lang ang tutuloy ng ginagawa mo.

Bitawan mo na 'to at magpahinga ka na ha, ako na ang bahala"
ani lola Berta na ang tinutukoy ay ang hawak na tasang ayaw bitawan ni Nessa.

Mas lalong uminit ang ulo ni Nessa sa kakulitan ng matanda, sinira na nga neto ang napakaganda niyang gising dahil sa kadaldalan neto, eh pati ang balak niyang ipagtimpla ng kape ang Jack niya ay sisirain din ata neto. 

Iniisip ni Nessa na kung maka-utos si Lola Berta sa kanya ay daig pa neto ang taong nagpapasahod sa kanya.

  Ayaw din niyang pinapakialaman ang ginagawa niya. Lalong-lalo na ang matanda na bigla-bigla na lang sumisingit sa ginagawa niya.

Inside That Heart of JACK MONTEVERDE (1) (Completed)Where stories live. Discover now