(ITHOJM) CHAPTER 37🌺

101 6 0
                                    

INSIDE THAT HEART OF JACK MONTEVERDE (BOOK 1)
by: Seyeee047💚



CHAPTER 37🌺

 
  "And cut!, good job, everyone!", nakangiting saad ni Samantha na napapalakpak pa at hindi na nadadala sa pag-iinarte ni Nessa.

"Bravo!, bravo!, hahaha ang husay! Apaka-galing! Kamuntik-muntikan na talaga akong maiyak.

Ang galing-galing ng kwento. Pagka-galing!

But girl, so sad, nasa maling lugar ata 'yang pag-iinarte mo girl", pang-aasar ni Samantha kay Nessa na nginitian pa niya ng isang mapang-asar na ngiti habang ito'y nagpupunas pa ng mga luha.

Sinulyapan ni Nessa si Jack na animo'y kumunot ang noo ng marinig ang kwento niya.

  Lihim lang siyang napapangiti habang nagpupunas ng kanyang mga luha habang iniisip na mukhang nakukumbinsi niya si Jack sa kwento niya.

  "I'll forgive you", ani Jack kay Nessa na kaagad na napapangiti na  napatingin sa mukha ni Jack.

Kaagad na kumunot naman ang noo ni Sam at hindi makapaniwalang sinulyapan si Jack.

"I will forgive you,  if you tell me the whole truth Nessa", dugtong ni Jack kay Nessa na patuloy pa din sa pagpupunas sa mga luha habang humihikbi ngunit ngumiti ng tignan siya.

  Muli etong yumuko ng marinig ang sinabi niya.  Wala ata itong balak na itigil ang pagdadrama niya.

  "Nagsasabi po ako ng totoo sir Jack, please maniwala naman po kayo sa akin.

Totoo po lahat ng mga sinasabi ko, tsaka inuuto lang po kayo ng Sam na yan", tugon neto na binalingan ng tingin si Sam.

  Pailing-iling at pangiti-ngiti namang sinulyapan ni Sam si Nessa at dahan-dahang naglakad patungo sa isang napakagarang animo'y antique na salamin ng silid na iyon.

  Nanlaki naman ang mga mata ni Nessa habang sinundan ng tingin si Sam na napaupo sa upuan na nasa tapat ng salamin.

  "Well, I guess, mirrors don't lie", saad ni Samantha na nakatalikod at nginitian si Nessa sa repleksyon neto.

Tahimik lang si Jack habang sinusundan ng tingin si Samantha at nakita ang tila kabadong mukha ni Nessa ng muli niyang ibaling ang tingin dito.

Tahimik lang na nagmamasid sina Lola Berta at si Joy habang kapwa pilit na iniintindi kung ano ang nagaganap sa silid na iyon. 

"Wow! Ang ganda naman ng suklay na eto. Mukhang antique na collectible and mukhang mamahalin. 

You know, we have the same taste, bet ko din ang mga bagay na kagaya neto.

Nagcocollect din kasi ako minsan ng mga antique.

  And wow! You got nice shoes too, mukhang mamahalin.

Ang dami mo palang collections ano?", nakangiting tugon ni Sam kay Nessa na tila kinakausap mula sa repleksyon neto.

  Pinagmamasdan niyang mabuti ang bitbit na malagintuang suklay, na pag-aari ni Stella.

Bahagya niyang pinaatras ang upuan at sinulyapan ang kinaroonan ng mamahaling sapatos.

  Nakita niya kasi kung saan eto inilagay ni Nessa ng pagmasdan nila eto sa taas, sa monitor ng computer ni Jack.

  Nasa ilalim ito ng maliit na cabinet na konektado sa salamin na malapit lang din sa paanan ng kina-uupuan niya.
 
Kaagad namang nagtungo si Lola Berta sa kinaroroonan ng mga damit habang tila hindi inaalis ang tingin sa isang bagay na nakaka-kuha ng atsensyon niya.

"Kay Stella eto ah", sambit ni Lola Berta ng suriin ang isang damit.

At nasapo naman ni Lola Berta ang bibig ng makita ang isang gown na nakasabit sa cabinet at kunot-noong nilingon si Nessa na animo'y bakas ang pagkabigla sa mukha sa hindi inaasahang mangyari.

Mas lalong napangiti si Samantha ng sundan ng tingin si Lola Berta na kaagad na nakikilala ang mga damit ni Stella. 
 
"Well, mahilig ka palang mangoleksyon ng mamagaling gamit.

  Tsss, literal na koleksyon girl?

  Kasi 'yang mamahaling mga gamit na koleksyon mo at kinokolekta mo lang din mula dito sa paligid.

Pero mukhang mas bet mo ang mga gamit ng mommy ni Jack, mostly kasi sa mga koleksyon mo ay pag-aari niya.   ", pang-aasar ni Sam kay Nessa na noo'y matalim ang mga titig sa kanya.

"So how are you gonna explain this?",walang kaemo-emosyong tanung ni Jack na halatang bistado na ang mga kalokohan ni Nessa.

Kaagad namang binaling ni Nessa ang tingin kay Jack.

  Animo'y kaagad na nagbago ang ekspresyon ng mukha ni Nessa. Mukha ng tila isang inosenteng bata na napagbintangan.

"Si-sir Jack, hindi ko po alam pa'no napunta ang mga 'yan dito.

Wala po talaga akong alam at kamalay-malay kung paano napunta ang mga gamit na 'yan dito.

Maniwala po kayo sa akin, hindi ko po kinuha ang mga 'yan.

Ni hindi ko alam kung papaano at kung bakit nandito ang mga gamit na iyan.

Si-siguro nilagay po 'yan ni Sam dito para pagbintangan nyo po ako

'Yang babae pong 'yan po siguro ang naglagay ng mga iyan dito para magalit po kayo sa akin", paliwanag ni Nessa na muling tiningnan si Samantha.

Kaagad namang natatawa si Sam sa narinig mula kay Nessa.
 
"What? Me again? Hahaha, well, I guess, I'm your favorite, hindi naman kita masisisi, halata namang inggit ka sa ganda ko.

  Should I give you some authograph later? O baka gusto mo pa ng picture pang-souvenir? ", nakangiting pang-aasar niya kay Nessa na walang ibang makitang palusot kundi ang sisihin siya.

Napangiti na lang si Joy sa pangbabara niya. Well, what's new? That's the Sam she knew.
 
Napabuntong-hininga naman si Jack at pilit na pinapakalma ang mukha na muling kinausap si Nessa.

"Nessa, for one last time, umamin ka na.

Alam mo ba kung paano ko pinipigilan ang galit ko ngayun?

Kung lalaki ka lang sana eh, baka kanina pa lang ay nabugbog na kita", galit na saad ni Jack na pilit na pinapaamin si Nessa.

Ngunit iyak lang ang sagot neto. Mas lalo pa ata itong napapa-iyak ng malamang hindi na kakampi si Jack sa kanya. Wala ata sa bukabularyo neto ang umamin sa mga nagawa niya.

  "Well, if you want me to bugbog her.

  I will not volunteer pero masunurin naman ako.

Well,  sa totoo I am more than willing.

Well, you know, kanina pa nangangati 'tong kamay ko, kaso naisip ko na baka madamay pa ako ng babaeng 'yan at makulong din 'tong beauty ko.

  At naaaliw naman ako sa munti niyang pa-show.

Pero hindi ko sinasabing utusan nyo akong bugbugin 'yang babae na 'yan ha.

  Just in case lang naman, gusto nyo. Alam nyo na if you insist, well wala akong magagawa.

  Your request is my command. Tsaka isa lang naman eh. Isang ngipin lang ang tatanggalin ko dyan. ", mahabang litanya ni Samantha habang sinusuklay-suklay pa ang buhok.

  Animo'y nagpapaliwanag na walaa siyang balak na bugbugin si Nessa ngunit  wala din siyang balak  na makinig at maniwala sa mga palusot neto.

  Napangiti na lang si Jack kay Sam na pilit pinapagaan ang mood ng kwarto.

Inside That Heart of JACK MONTEVERDE (1) (Completed)Where stories live. Discover now