(ITHOJM) CHAPTER 49🌺

94 5 1
                                    

INSIDE THAT HEART OF JACK MONTEVERDE (BOOK 1)
by: Seyeee047💚




CHAPTER 49🌺


  Binayaran nila ang pamilya ng babaeng nabangga ng truck upang manahimik at pinacremate ang mga labi neto na halos hindi na makikilala dahil sa malalang pinsalang natamo sa mukha neto,  tsaka ibinigay sa pamilya ng babaeng dinala nila sa America.

Habang ang truck driver ay nakulong.

At wala na din silang balita sa lalaki, na muntik ng makabangga sa babaeng nabangga nila, na nahagip din ng truck matapos netong masagasaan ang isa pang babae.

Walang nakasaksi sa pangyayari 'nung gabing iyon.

Maliban sa kay bilis ng mga pangyayari ay medyo madilim din sa lugar.

At kaagad nilang nakarga sa kanilang sasakyan ang babaeng kanilang nasagasaan bago pa may taong dumating at mag-usisa sa nakaganap na aksidente.

At ang kaagad na dinumog ng mga tao ay ang babaeng nakahandusay na nasagasaan ng truck at wala ng buhay. 

Lumipas ang ilang buwan ay tuluyan ng ngang namaalam sa kanila ang kanilang anak, si Sandra.

Masakit man na tanggapin ngunit nagawa naman ni Sandra na maging masaya habang nagagawa ang lahat ng kanyang mga gustong gawin sa huling mga araw ng kanyang buhay.

Lumipas ang mga buwan at unti-unti na din nilang natanggap ang paglisan ni Sandra.

  Lumisan eto ng mga ngiti ang mga labi baon ang mga masasayang alaala at hindi ang masakit sa balat at kalamnan dala mga tubong nakakabit sa bawat parte ng kanyang katawan.

   At inaalagaan nila ang babaeng nabangga nila, kagaya ng habilin ng anak nila, minahal nila eto at inaalagaan na parang tunay na anak.

   Inayus nila ang mga papeles at ilang mga mahahalagang dokumento para malipat ang pangalan ng anak sa babaeng dinala nila sa America.

  Habang araw-araw na pinagdadasal ang tuluyang paggaling neto.

-------------------

"Ate, we can play naman some time di' ba?", tanong ni Gab kay Sandra.

Si Sandra na ang araw-araw at personal na nag-alaga kay Gab. Sobra siyang nag-aalala ng marinig na sinugod si Gab sa hospital niya.

Si Samantha lang ang nakabantay dito na noon pa panay ang titig sa kanya ngunit yumuyuko naman o ibinabaling ang tingin sa kung saan-saan kapag titignan niya.

"Sure.

Why not?

Ahmm we have a little play room dito.

And nakapunta ka na dun di'ba?", nakangiting tugon niya kay Gab.

Kaagad namang napapaisip si Gab at kaagad na napangiti ng matandaan ang playroom na sinasabi niya.

"Ahm...  Yes po!

Can we play there now?", excited na saad ng bata.

Napangiti naman si Sandra ng makita ang agarang pagkislap ng mga mata ni Gab.

Hinahaplos-haplos niya ang buhok ni Gab at natigilan ng mapansin ang biglaang pagsulpot ng ama neto.

"No!", biglang saad ni Jack na kakapasok pa lang ng silid.

"But dad-"

"I said no Gab.  'Wag na matigas ang ulo okay?", saad ni Jack habang papalapit sa anak.

Inside That Heart of JACK MONTEVERDE (1) (Completed)Where stories live. Discover now