( ITHOJM) CHAPTER 15🌺

116 6 1
                                    

INSIDE THAT HEART OF JACK MONTEVERDE (BOOK 1)
by: TheBlackCat047


CHAPTER 15🌺

Masaya si Sandra na pinagmamasdan ang mga magulang niya. Mahaba-habang panahon din ang lumipas bago sila muling makapagkwentuhan at magtawanan ng ganito. Kay gaan ng pakiramdam niya habang pinagmamasdan ang kaniyang mga magulang na masaya.

"Baby, have you decided already kung anong course kukunin mo?", tanung ni Sebastian sa kanya na nuoy nakangiting pinagmasdan ang ama.

Kaagad namang tinapik ng kanyang ina ang kamay ng kanyang ama at makahulugang sumulyap sa kanya.

"Hon, let's not pressure her,ang aga pa naman eh, let's let her enjoy her time. Hayaan muna natin siyang maglibang at gumala at puntahan ang mga lugar na nais niya", tugon naman ni Marissa sa mahinahong boses na nakangiti sa kanya.

Ngumiti naman si Sebastian at tumango bilang pagsang-ayon sa asawa.

"No, it's ok mom, gusto ko ding maging abala at bumalik agad sa pag-aaral. Pwede naman akong gumala at mag-enjoy along the way. Ahm, well, gusto ko din po sanang maging magaling na doctor. Kagaya ng mga magagaling na mga doctor na hinahangaan ko", nakangiting sagot ni Sandra habang tinitignan ang mga magulang niya.

Napangiti na lang si Sebastian at si Marissa sa narinig mula sa kanya.

"Well, I wonder kung sino ang mga doctor na hinahangaan mo hija, do we know that magagaling na mga doctors na 'yan? ", biro ni Sebastian at nagsitawanan naman silang tatlo, gayong alam na naman nila na sila ang tinutukoy ng anak.

Nakangiting napabuntong-hininga nalang si Sandra habang masayang pinagmamasdan ang mga magulang niya. Magiging family of doctors na sila kapag ganap na siyang naging doctor at naiisip niya na baka balang araw ay siya na din ang mamamahala ng hospital na itinatag ng mga magulang niya.

"Well, that's great choice hija. That's very great honey, and I know matutupad mo 'yan and in no time magiging isang ganap na doctor ka na balang araw at ikaw na rin ang magmamanage ng hospital natin sa Pinas",natutuwang saad ng kanyang ina na animo'y nababasa ang laman ng utak niya.

Mas lalong nagagalak ang puso niya sa narinig. Magiging tagapagpamahala siya ng isang pribadong pagamutan balang araw.

Oo, may pribadong pagamutan din sa Pinas ang mga magulang nila, maliban sa Hospital na kasalukuyang pinamamahalaan ng mga eto.

Ang "Sebastian Private Hospital" at sa kasalukuyan ay ang kaniyang mga magulang din ang namamahala dito ngunit hindi din naman masyadong naasikaso. Kaya pinapaubaya na muna nila sa mga director ng pagamutan.

Labis ang sayang nadarama ni Sandra habang iniisip na dumating na ang araw na iyon, at magagawa na din niya ang mga naiisip niyang magagandang mga plano para sa Hospital.

Pero nalulungkot din siya ng maisip na darating ang panahon na kailangang iwan niya ang kanyang mga magulang sa America.

"Pero mom, dad, maiiwan kayo dito, why not, sa Pinas na lang tayong tatlo", saad ni Sandra na may lambing ang boses.

Hinawakan naman ni Marissa ang kamay ng asawa na tila sumagi na din sa isip ng mga ito na dadating din ang panahong tinutukoy ng anak.

"Gustuhin man namin anak, ngunit wala ding maiiwan dito. Paano na lang ang pagamutan natin dito? Hindi din naman natin pwedeng pabayaan o isara na lang ang pagamutan dito lalo na't karamihan sa mga pumupunta dito ay ating mga kababayan na nahihirapang makapasok sa ibang hospital o mga taong naghahanap ng kalinga at alaga ng mga Pilipino",nakangiting paliwanag ni Sebastian sa anak.

Inside That Heart of JACK MONTEVERDE (1) (Completed)Where stories live. Discover now