(ITHOJM) CHAPTER 12🌺

131 7 1
                                    

INSIDE THAT HEART OF JACK MONTEVERDE (BOOK 1)
by: Seyeee047💚

CHAPTER 12🌺

--------America---------

Taimtim na nagdadasal si Marissa sa tabi ng kama ng anak.

Umaasa na sana'y dinggin na ang mga dasal niya at magbigay ng himala ang Panginoon para sa anak niya.

"Sana dinggin na ako ng Panginoon at magising ka na anak"  mangiyak-ngiyak na bulong niya habang pinagmamasdan ang anak.

Halos apat na taon na ding nakahiga sa kamang pangpasyente ang anak na may mga aparatong nakakabit sa katawan neto.

Maya-maya ay pumasok sa silid si Sebastian at pinagmamasdan ang asawang taimtim na nagdadasal habang minamasdan ang kanilang anak, ni hindi na neto napansin ang kanyang pagdating.

Nilapitan niya ang asawa at hinahaplos ang balikat neto.

"Hon, why don't you take a rest even for a bit.

Ako na muna ang magbabantay dito" saad ng asawa na panay lang ang titig sa anak nila.

Lumingon lang eto sa kanya at bahagyang sinulyapan siya at kaagad din namang muling binaling ang tingin sa anak.

"No!

I have a feeling na anytime magigising na siya.

Baka hanapin nya ako Sebastian" maluha-luhang sagot ni Marissa.

Hindi na napilit ni Sebastian ang asawa at sinamahan niya na lang itong bantayan ang kanilang anak.

Parehong doctor ang mag-asawa at pag-aari nila ang hospital na pinaglalagyan ng kanilang anak.

Gusto nila na maliban sa mga empleyado doon ay sila mismong mag-asawa ang tatanaw at mag-alaga sa anak nila.

Tinititigan ni Sebastian ang anak at tahimik na nagdadasal na sana magkatotoo nga ang kutob ng asawa.

-----------------

Samantha's Pov

"So saan ako magsisimulang maghanap neto?"  sa isip niya habang palakad-lakad sa silid niya.

"Hindi ko nman siguro kailangang halughugin ang lahat ng probinsya sa Pilipinas, 'di ba?" taas-kilay na tanung niya sa sarili.

Napabuntong-hininga na lang siya ng maisip kung gaanu kahirap ang pinapagawa ng ina.

"Hayssss, Marta Chavez!

Sana pag-igihan mo ang pagdadasal na makita ko si Maureen"  bulong niya habang tinitignan at kinakausap ang larawan ng ina.

"Ano kayang itsura niya?

Well, siguro naman kasing ganda ko di 'ba?

Hayssss ate, 'wag ka sanang magmana kay mama.

Pero paano kita hahanapin kung hindi ko man lang alam ang itsura mo?

Hayssss!

Bwesit talaga!

Anong akala mo sa akin Marta, manghuhula?

Arggggg!!!!!

Mababaliw na ako dito eh!

Naging detective, investigador, manghuhula pa ako neto real quick"  parang baliw na patuloy na kinakausap ang larawan ng ina.

Inside That Heart of JACK MONTEVERDE (1) (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon