( ITHOJM) CHAPTER 27🌺

88 7 0
                                    


INSIDE THAT HEART OF JACK MONTEVERDE (BOOK 1)
by: Seyeee047💚



CHAPTER 27🌺


NESSA'S POV

Tahimik na sinundan ni Nessa ang kakapasok pa lang na bisita na nagpapakulo ng dugo niya at nagpapakilalang girlfriend ng lalaking inaasam-asam at pinapangarap niya.

Bakas ang inis sa kanyang mukha ng makitang maladonya pa eto kung umupo na animo'y komportableng nakipagkwentuhan sa matanda na tila ba matagal na silang magkakilala.

Naiinis naman siyang pinagmasdan ang matanda na siyang nagpapapasok sa babaeng nagpapakulo ng dugo niya.

At mas lalo pa siyang naiinis sa kadaldalan neto na tila masaya 'pang nakikipagkwentuhan sa babae.

"Tsss, pasasaan ba't magiging akin din si Jack, at hindi talaga ako naniniwalang papatul 'yun sa kagaya mo", bulong niya habang kunot-noong pinagmamasdan si Samantha at hindi na inaalis ang tingin kay Sam na pangiti-ngiti pa habang  nakikipag -kwentuhan kay lola Berta.

Maigi siyang nakikinig sa kwentuhan ng dalawa. Narinig at nasaksihan niya ang lahat-lahat.

"Kapatid pala eto ni Maureen", bulong niya habang hindi inaaalis ang tingin kay Sam.

Nalaman niyang mga kadugo pala eto ni Maureen. Lola at kapatid pala ang mga eto ng babaeng nabangga ng tatay niya at ang babaeng sumira sa buhay nila.

Nakita niyang nag-iyakan ang maglola, napapangiti siya at lihim ba natatawa na tila ba labis siyang  natutuwa sa nakikita. Para sa kanya ay kay gandang pagmasdan na ang kapatid at lola ni Maureen ay lumuluha.

Napapangiti si Nessa na animo'y kinikiliti at mistulang ini-enjoy ang panonood sa isang napakaganda at masayang tanawin.

Napailing-iling siya ng makita niyang nagyakapan pa ang maglola na ngayun lang nagkakilala.

"Tsss, 'wag kayong mag-alala, magrereunion din kayo. Masusundan niyo din si Maureen", abot tengang ngiti niya habang bumubulong sa sarili na tila ba aliw na aliw siya sa nakita.

--------------
SAMANTHA'S POV

'Kaya pala palaging ang sungit-sungit niya sa akin at tila ba palaging iniiwasan ako.'

'Pati na din 'yung mga barkada niya na kaagad na umiiwas kapag nakikita ako'

'Kaya pala ang hirap para sa inyo na sagutin ang tanung ko'

'Napakabuti siguro ni ate sa inyo noh?'

Sa isip siya habang napasandal sa upuan sa kwarto niya at may bitbit na isang baso ng wine.

' Mabuti pa kayo, nakakausap at nakakasama nyo si ate'

Sa harap niya ay ang litrato ng kapatid niya, na hiningi niya sa kanyang lola, at inalayan niya ng kandila at bulaklak.

'Nakikita kung mahal na mahal ka ni Jack ate', sambit niya na kinakausap ang larawan ng kapatid niya habang inaalala ang itsura ni Jack nung una nilang pagkikita sa isang bar. 

'Bakas ang lungkot at pangungulila sa mga mata niya sa tuwing magkakasalubong ang paningin naming dalawa, ngunit bakit parang ang lungkot na 'yon at inaagaw ng galit? Galit ba siya sa 'kin?', ani niya habang inaalala ang mukha ni Jack na pilit na iniiwasan ang mga pangungulit niya. 

"Hindi naman tayo magkamukha ah, well , magkamukha tayo pero mga similarities lang ng mga magkakapatid, galit ba siya sa mukha ko?"

-------------

Inside That Heart of JACK MONTEVERDE (1) (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon