(ITHOJM) CHAPTER 16🌺

117 7 1
                                    

INSIDE THAT HEART OF JACK MONTEVERDE (BOOK 1)
by: Seyeee047💚

CHAPTER 16🌺

  Masayang pinagmamasdan ni Sandra si Gab habang kinakain ang bitbit netong icecream.

"Masarap ba? Walang bang magagalit kapag binibilhan kita ng icecream?"  tanung ni Sandra kay Gab.

Na noon ay ngumiti at tumango-tango lang sa kanya at kitang-kitang nag-eenjoy eto sa icecream na kinakain niya.

  Napalapit na ang loob niya sa bata sa halos araw-araw na pagpasyal niya sa Park na malapit sa school neto.

 
   Na sa hindi niya malaman at  maintindihang dahilan ay napapagaan ang loob niya at napapanatag siya sa tuwing nakikita niya si Gab.

  "Salamat po Ate Sandra.

Ahm opo masarap po syempre, paborito kong flavor binili mo eh.

Tsaka po, mabait naman po si lola.

Natutuwa nga yun kapag may bago po akong kaibigan"  magiliw na saad ni Gab na pansamantalang tumigil para tignan siya at sagutin ang tanung niya.

Ngumiti eto sa kanya, bago ipagpatuloy ang pagkain sa icecream.

  Kumunot naman ang noo at halatang nagtataka si Sandra sa narinig.

"So lola mo lang pala kasama mo dito? Nasaan pala parents mo?"   kunot-noong tanung ni Sandra kay Gab.

   Tila naku-curious siya sa sinabi ng bata na muli namang tumingin sa kanya at magiliw na sinasagot ang katanungan niya.

"Opo si lola lang po. 

Si daddy nasa Pinas po.

Doon na po sya nag-aaral tsaka may family business din sila ni lola at siya po ang nagmamanage.

Kaya hindi na po nakasunod si daddy dito, kaya si lola lang po ang kasama ko dito"   nakangiting tugon naman neto habang pinagpatuloy ang pagsubo muli ng icecream.

  Napangiti naman si Sandra sa talino ng bata na napakadetalyado magkwento.

   Hinahaplos-haplos niya ang buhok neto at masaya etong pinagmamasdan habang inuubos ang hawak netong icecream.

"Eh ang mommy mo?"  tanung ni Sandra sa bata.

   Na bahagyang natigilan at napatingin na lang sa tennis net na nasa hindi kalayuan.

"Gusto nyo po ba pagkatapos nating kumain maglaro po tayo ng tennis?

   May dala po akong extra na racket ate Sandra"  pag-aaya ni Gab na halatang iniiwasan ang tanung nya.

  Pansin niya na tila hindi komportable at hindi gusto ni Gab na pinag-uusapan ang tungkol sa nanay neto kaya hindi na din siya nangungulit pa.

  Ngumiti na lang siya at hindi na nag-usisa pa.

  Baka iyon pa ang maging dahilan para hindi na maging komportable ang bata sa kanya.

"Nako! Hindi ako marunong niyan eh"  sambit niya habang tiningnan na din ang tennis net na nasa hindi kalayuan.

  Pansin naman niya ang pagbalik ng kislap ng mga mata ng bata ng lumingon eto sa kanya.

"Ayus lang po ate.

Tuturuan ko naman po kayo, tsaka madali lang naman po"   magiliw na tugon ni Gab na kaagad na bumalik ang mga ngiti sa labi.

  Napapangiti na din si Sandra sa bata na kaagad naman na nagboluntaryong turuan siya.

Inside That Heart of JACK MONTEVERDE (1) (Completed)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora