(ITHOJM) CHAPTER 22🌺

101 5 0
                                    

INSIDE THAT HEART OF JACK MONTEVERDE (BOOK 1)
by: Seyeee047💚


CHAPTER 22🌺

Nessa's Pov

Hindi pa din siya sumuko sa pagpapapansin kay Jack. Nakasanayan na niyang gumising ng maaga para maglinis sa Mansion at para makita eto.

Hinayaan na lang niya si Lola Berta sa kusina dahil habang tumatagal ay naiinis na siya sa ingay ng matanda.

Nang mapansin niyang pababa na si Jack ay kaagad na niyang inayus ang damit niya at bahagyang ginulo ang buhok niya bago kunwari nagwawalis.

"Ah-ahm g-good morning sir", nakangiting utal-utal na bati niya na kunwari nabigla ng makita si Jack ngunit sinasadya namang maglinis sa dadaanan nito. 

Tumango lang eto na hindi na nag-abalang tumingin sa kanya at nilagpasan siya.

"Ah-ahm, mag-almusal po muna kayo",pahabol na saad niya at nakitang pumasok lang eto saglit sa kusina para magpaalam kay Lola Berta.

Maya-maya ay lumabas na ulit eto ngunit hindi man lang siya neto pinansin. Sinundan niya na lang eto ng tingin hanggang sa makalabas na at direktang sumakay ng kotse tsaka umalis.

'Hayss, ang ilap talaga', bulong niya habang sinundan ng tingin ang kotseng papalayo.

'Pero 'wag kang mag-alala, hindi kita susukuan honey.  Pasasaan ba't magiging akin ka din', puno na kilig na sambit niya at mistulang baliw na pangiti-ngiti pa siyang nagpatuloy sa paglilinis.

Napansin naman iyon ni Lola Berta na napapangiti na lang din habang pinagmamasdan siya na walang kaalam-alam sa takbo ng utak niya.

"Aba, kaganda naman ata ng gising mo ineng", nakangiting ani ng matanda na papalapit sa kanya.

Ngumiti naman siya ng lingunin si lola Berta kahit na sa utak niya ay naiisip niya na kaagad na nasira neto ang araw niya.

'Tsss, panira ka talaga ng moment eh, nakangiting bulong niya.

"Ano iyon?", nakangiting tanong ng matanda na dahil sa edad neto ay medyo humihina na ang pandinig at hindi neto naririnig ang binubulong niya.

Mas lalo namang lumapad ang ngiti niya.

"Ah, eh, hehe nagmomoment lang po lola, mukhang maganda kasi ang sikat ng araw ngayun", palusot niya na habang hinahaluan ng isang mapagkunwaring matamis na ngiti.

Naaaliw naman si Lola Berta na pagmasdan ang napakaaliwalas na hitsura niya.

"Ah, ganun ba, nako napakamasayahin mo palang bata hija. O pagkatapos mo riyan eh, sumunod ka na dito para sabay na tayong mag-agahan", nakangiting saad ni Lola Berta na tumalikod  na at kaagad ng nagtungo sa kusina.

Napabuntong-hininga naman siya na pinaikot pa ang mga mata habang tahimik na ginagaya ng mga labi ang mga salita ng matanda. 

"Sige po lola, patapos na din po ako dito", magiliw na boses na sagot niya taliwas sa nakataas-kilay na animo'y naiiinis na hitsura.

Napabuntong-hininga naman ulit eto ng makitang makapasok na sa kusina ang matanda.

'Tsss, kaloka, hindi mo ba kayang kumain mag-isa?'

(arrggggghhh! panira talaga ng araw 'tong matanda!)

------------------------

Samantha's pov

Kaagad naman siyang umuwi ng mabadtrip siya habang naglilibot sa campus. Halos hindi na mawala-wala ang kunot sa noo niya habang iniisip si Jack.

"Tsss, why so mailap ba Jack Monteverde"?,inis na usal niya.

Kaaga-aga ay mukhang sira na agad ang araw niya, puro na lang kasi si Jack nag pinoproblema niya. Na hindi man lang masagot-sagot ang kaisa-isang katanungan niya.

Naiisip niya ang napakacold at walang kagana-gana na pakikitungo neto sa kanya. Mas lalo lang siyang namomroblema na hanggang ngayun ay hirap pa rin siyang kunin ang loob neto.

  Plano niyang kaibiganin nalang muna si Jack at ang mga kabarkada neto baka sakaling darating ang punto na handa ng sagutin ng mga ito lahat ng katanungan niya at mahanap na niya ang kapatid niya.

Ngunit alam niyang hindi iyon magiging madali lalo na si Jack na wala atang balak kumausap ng tao, lalong-lalo na siya. Palagi lang etong mag-isa, na tila mas gugustuhin pa yata netong makasama at makabonding ang headphone at ang mga libro niya.

Minsan nama'y kasama neto ang mga barkada neto na tila ayaw din namang sagutin ang tanung niya.

"Miss Sam, bakit hindi nyo na lang po tigilan si Mr. Monteverde?  Sa iba na lang po kayo magtanung, ahm sa pulis na lang po tayo magtanung", saad naman ni Joy sabay lapag ng kape na hawak niya.

Kaagad naman siyang napailing-iling at kunot-noong napalingon dito.

"Police? Baka gusto mong sa ritemed na lang tayo magtanung? Tsss, wala tayong mapapala sa mga pulis no. Bakit, personal ba nilang kilala si Maureen?

At sa tingin mo ba hindi pa 'yan nagawa ni mommy bago niya pinasa sa akin ang paghahanap?

At isa pa, mukhang kilala ng Jack na yun si Maureen eh, pati na yung mga mokong niyang kaibigan na ayaw magsalita", inis bulyaw niya na mas lalo pa yatang naiinis ng maisip ang mga kaibigan na Jack na pilit na iniiwasan siya.

Sinulyapan lang niya ang kapeng nilatag ni Joy sa harap niya.

"I don't need coffee, bring me my wine", saad niya habang napapasandal sa upuan at patuloy na iniisip ang susunod na gagawin niya.

Nag-aalangan naman si Joy ng humingi siya ng wine ng pagka-aga-aga.

"Pero Miss, ang aga-aga pa", saad nito na nag-aalala na baka maglalasing na naman siya at hindi makapasok sa eskwela.

Tiningnan naman siya ng masama ni Sam sabay taas ng kilay.

"Bakit? Ikaw ba ang iinom?", ani neto.

Wala ng nagawa si Joy kundi sundin na lang ang gusto ni Samantha, wala din naman siyang ibang masabi para alisin ang inis sa mukha neto.

Kumuha na lang siya ng isang baso ng wine at nilapag sa mesa. Ininom na lang din niya ang kapeng tinimpla niya at naupo na lang sa tapat ni Samantha.

'Hmm, well, for sure, may mga kasama din naman siguro si Jack na pwedeng pagtanungan tungkol kay Muareen', bulong niya habang dinadampot ang baso ng wine at kaagad namang umaliwalas ang mukha niya sa naiiisip.

"Right, why don't we, visit his house", nakangiting biglang saad niya na labia na kinabigla naman ni Joy.

Inside That Heart of JACK MONTEVERDE (1) (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon