(ITHOJM) CHAPTER 53🌺

87 7 0
                                    

INSIDE THAT HEART OF JACK MONTEVERDE (BOOK 1)
by: Seyeee047💚



CHAPTER 53🌺

-------phone---------

Sam: "Where are you?"

Sandra: "Ahmm, store"

Sam: "O, bakit andyan ka pa din? Kanina ka pa ata dyan, you want me to pick you up?"

Sandra: "Eh, hindi ko alam anung ireregalo ko kay Gab eh. 'Wag na, I bring my car naman"

Sam: "Ayun, natagalan sa gift. Ikaw talaga! Para kang nanay dyan.
  Eh, pumili ka na lang kahit ano for sure naman magugustuhan ng bata 'yun, basta galing sa'yo. Halika na malapit na magsimula ang show"

Sandra: "Show? Eh akala ko ba birthday pupuntahan natin"

Sam: "Hays! Oo nga birthday. Bakit bawal ba mag-show? Besides, ako lang kaya nakaisip magpa-surprise show for Gab"

Sandra: "Wow, so ako yung parang nanay? Eh ano ka? Parang tita? Eh mas galante pa ata yung gift mo eh"

Napangiti naman si Sam sa sinabi niya.

Sam: "Makatita naman 'to!O sya pumili ka na dyan, 'yung tipong maalala ni Gab at tatatak sa isip niya yung bigay mo, ganern"

Sandra: "O siya tita, see you later"

Sam: Baliw! Oh, agad-a---hello? nangyari dun?

-----------

"Ang ganda, magugustuhan kaya ni Gab 'to?", ani Sandra ng titigan ang isang kwentas na nakaagaw ng pansin niya.

Napaka-eleganteng tingnan ng kwintas. Gawa ito sa pinong kadena ng puting ginto na inaadornohan ng dalawang maliliit na swan na tila ba yinayakap ng isang malagintoang kulay na swan ang isang maliit at pilak na swan.

Kaagad na binili ni Sandra ang kwintas at tiningnan ang relo niya. Malapit na magsimula ang show na hinanda ni Sam, kailangan na niyang umalis. At baka magtampo pa si Samantha sa kanya. Nagmamadali siyang pumasok ng kotse at nagmaneho na patungo na sa Mansion.

----------

  Nakarating na si Sandra sa Mansion, agad siyang sinalubong ng mga tauhang tinilaga doon upang isaayos ang mga sasakyan ng mga bisitang darating.

Nagmamadali siyang naglakad papasok sa hall ng mansion kung saan gaganapin ang show na sinasabi ni Samantha.

Umalingaw-ngaw sa lugar ang bawat yapak ng sapatos niya.

  'Bakit parang tahimik, tapos na kaya ang pashow ni Sam?' sa isip niya habang patuloy ang paglalakad pagpasok sa hall.

  Wala siyang makitang ibang tao sa paligid, maliban sa mga tauhan na naatasan para sa event.

Nasa harap na siya ng magarang pintuan papasok sa hall.  Kinakabahan siya sa hindi niya mawaring dahilan. Huminga muna siya ng malalim bago tumango sa mga nakabantay sa pinto.

Isang napakagarang ingay ang umalingawngaw mula sa napakagarang pintuan. Mistulan etong isang napaka-engrandeng pasok na masisilayan lamang sa mga pelikula.

Agad na naalis ang ngiti ni Sandra ng makita ang kalooban ng lugar. Madilim ang buong paligid, at walang kahit anumang ingay na maririnig.

'Tapos na ba talaga ang show?  Pero 7 pa lang, akala ko ba 7:30 magsisimula ang show ni Sam? Nasa maling hall kaya ako?', saad niya sa isip niya.

Inside That Heart of JACK MONTEVERDE (1) (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon