(ITHOJM) CHAPTER 10🌺

148 7 0
                                    

INSIDE THAT HEART OF JACK MONTEVERDE (BOOK 1)
by: Seyeee047💚

CHAPTER 10🌺

------beeeeppp------

Nagmamadaling pumasok ang mga nurse at mga doctor sa isang kwarto ng tumunog ang isang makinang nakamonitor sa pulso ng isang pasyente.

------------------

  Dahan-dahang minumulat ni Jack ang mga mata.

Hindi siya pamilyar sa mga ingay sa paligid.

Nasilaw siya at napapikit ng mahagip ng liwanag ang kanyang mga mata.

Ng makaadjust na, kunot-noong pinagmamasdan niya ang paligid at hindi pamilyar sa kanya ang kinaroroonan niya.

Agad namang napansin ni Stella na nagising na siya at bakas ang luha sa mga mata neto habang napapahawak sa dibdib neto ang mga kamay neto.

" Oh my God!

Salamat sa Diyos hijo at gising ka na"  mangiyak-ngiyak na saad ni Stella.

"May masakit ba sa'yo anak ha?

Anung nararamdaman mo?"   puno ng pag-aalala ang boses na dugtong neto.

"M-mommy?"  kunot-noong tanung ni Jack na tila naguguluhan.

At nilibot pa ang tingin sa isang hindi pamilyar na silid na kanyang kinalalagyan at labis ang pagtataka kung bakit siya napunta doon.

"Oo, ako 'to salamat sa Diyos at gising ka na Jack"  maluha-luha pang saad ni Stella habang hinahalik-halikan ang kamay ng anak. 

"Where am I?

S-si Maureen?

Asan si Maureen?"  naguguluhang tanung niya at kaagad na hinahagilap sa silid si Maureen.

Ngunit hindi niya eto nakita. 

Nasapo na lang ni Stella ang bibig at pinahiran ang kanyang mga luha.

Pati siya ay hindi alam kung ano ang isasagot niya sa anak.

Baka labis etong mabigla at maapektuhan gayong kakagising lang neto mula sa coma.

Napagpasyahan niyang hindi na lang  sagutin ang tanung ng anak na animo'y hindi pa alam kung nasaan eto, at tila hindi pa naaalala ang nangyari dito.

"Kamusta ang pakiramdam mo, hijo ha?

May masakit ba sa'yo?"  puno ng pag-aalalang tanung niya kay Jack na animo'y may hinahanap.

"Kailangan ko umalis ma!

Kailangan ko puntahan si Maureen"  pag-mamadaling bangon ni Jack.

"Nako!

Hindi pa pupwede anak.

Baka mapano ka, lalo't kakagising mo pa lang.

Magpahinga ka muna hmm?"  pilit niyang pagpapakalma sa anak na noo'y nagpupumiglas at pilit na inaalis ang mga swerong nakakabit sa kamay neto.

Kinabahan si Stella baka mapano ang anak gayong kakagising pa lang neto.

Ngunit kaagad na tumayo si Jack at dahil na din sa pagkabigla ng katawan neto ay kaagad din etong nawalan ng malay at hinimatay.

Inside That Heart of JACK MONTEVERDE (1) (Completed)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora