(ITHOJM) CHAPTER 28🌺

79 6 0
                                    

INSIDE THAT HEART OF JACK MONTEVERDE (BOOK 1)
by: Seyeee047💚



CHAPTER 28🌺


Kaagad namang hinarangan ni Jack na bakas ang galit sa mukha, si Samantha.

"This is my property at ako ang magdedecide kung sino ang papanatilihin at paalisin ko dito. You're taking no one, nowhere", galit na saad ni Jack kay Samantha at kaagad na niya etong nilagpsan at umalis na para puntahan si Lola Berta.

Galit na galit namang sinundan ng tingin ni Sam si Jack at matalim na tiningnan si Nessa na noo'y pangiti-ngiti pa sa kanya na tila nang-aasar.

Isang napakalalim na buntong-hininga ang pinakawalan si Sam habang bahagyang tumingala.

  Maya-maya'y pailing-iling pa eto habang nakangiti na muling binaling ang tingin kay Nessa na kaagad namang kumunot ang noo sa agarang pagbago ng ekspresyon niya.

  Nakataas ang kilay na tiningnan ni Sam si Nessa at tila sinuri mula ulo hanggang paa bago pangiti-ngiting pinagmasdan ang tila nagtatakang mukha neto at kunwari ay pinalakpakan.

"Well, well, well, I never know, tsss hindi mo naman ako nainform, best actress ka pala? Pero kulang pa eh, gusto mo bigyan kita ng free training?", animo'y nanunukso at nakangiting saad ni Samantha kay Nessa na kaagad din namang ngumiti sa kanya.

"Wag kang mag-alala, hindi pa nga ako nagsisimula", matapang na sagot ni naman ni Nessa kay Samantha.

Mas lalong napapangiti si Samantha na animo'y napapahalaklak. Isang mapang-asar na munting mga halakhak na tila aliw na aliw sa tapang at taray ng kaharap niya.

"Ow, wow fiesty! I'm starting to enjoy it. I never expected this much from a maid,no offense, hindi naman lahat may sayad at weak ang battery sa utak.

Not like you!

Pero galing-galingan mo ha? At tandaan mo, weak lang ang nandadamay.

Tsaka wala namang thrill yun di'ba girl? At galing-galingan mo naman, natatawa ako eh. Maybe, you're hiding some interesting card, well, just let me know, baka makatulog ako", saad ni Samantha na mas lalo pang inaasar si Nessa.

At mukhang nagtagumpay naman siya dahil tila nanlilisik na ang mga mata neto sa galit at akmang susugurin na siya neto ngunit kaagad naman siyang nakaatras at nginitian ulit ito.

"Opss, what now? Sasabunutan mo ako? Owww, you're planing to hurt me?", ani na pinalukot pa ang mga labi.

" Sa tingin hahayaan ko 'yang mga kamay mo na dumampi sa katawan ko?"

"Mamaya na, what's the rush? Sayang walang audience, gusto mo, tawagin ko 'yang sir Jack mo?", saad ni Sam kay Nessa na pulang-pula na ang mukha at tila nag-aalburuto na sa galit.

  Kaagad naman etong napahawak sa pisngi neto ng marinig ang pangalan ni Jack at kaagad na palingon-lingon sa paligid.

  Natatawa naman si Samantha na pinagmasdam si Nessa na tila naghahanda na ng sasabihin kung sakaling bigla-biglang susulpot si Jack.

"Pssst girl,  sa kabilang pisngi kita sinampal", pangiti-ngiting saad niya kay Nessa na matalim na nakatingin sa kanya.

------------------

JACK'S POV

Umuwi si Jack sa Mansion dahil may nakalimutan siyang ilang importanteng mga dokumento para sa kompanya nila.

Inside That Heart of JACK MONTEVERDE (1) (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon