(ITHOJM) CHAPTER 23🌺

89 4 0
                                    

INSIDE THAT HEART OF JACK MONTEVERDE (BOOK 1)
by: Seyeee047💚

CHAPTER 23🌺


Nessa's POV

Halos hindi na mabura-bura ang kunot sa noo niya habang inis na inis na pinagmamasdan si Lola Berta. Hindi talaga niya nagustuhan ang palaging pagkebot ng bibig neto at ang pagiging maingay neto.

Napabuntong-hininga na lang siya na pilit na pinapakalma ang sarili habang pinalabas lang sa kabilang tenga ang mga litanya ng matanda.

'Tss, likas bang ganito ka ingay yang matanda na yan?Halos araw-araw na lang, kay aga-aga ang ingay-ingay, hayss. Kaniis!?.

Sa halos dalawang buwan ko ba namang pananatili dito, imposible namang hindi ko pa saulo mga gagawin ko no.

Tsss,kailangan ba araw-araw nyang iremind?  Araw-araw siyang mag-iingay? At araw-araw siyang makwento? Hindi naman ako interesado! Wala naman akong kahit kaunting pake sa mga kwento niyang paulit-ulit.  Tsss, bwesit!', inis na inis bulong niya habang pinapaandar ang washing machine para hindi niya marinig ang letanya ng matanda.

Nakangiti naman si Lola Berta na tumingin sa kanya at suminyas sa kanya para lumapit dito.

Kahit na walang gana ay lumapit naman siya sa matanda at ngiti-ngiting umupo sa tapat neto.

"Tsaka yung mga kurtina ng bawat kwarto papalitan natin ah. Eh sasamahan na lang kita, dati kasi si Jack ang nagpapalit sa mga iyon dahil medyo sumasakit na din 'tong bewang ko", nakangiting saad ni Lola Berta

"Buwan-buwan kasi pinapalitan yun bago pa dumami yung mga alikabok, at ngayung nandito ka na, eh tayo na lang ang mapapalit", nakangiting saad ni Lola Berta habang nagtutupi ng mga tuwalya.

(Tsss, kahit 'wag nyo ako samahan, kaya ko na naman 'yun. Tsaka wala ka namang maitutulong eh, mag-iingay ka lang), sa isip niya habang pangiti-ngiting tinulungan ang matanda sa pagtutupi.

"Opo La", mahinahong sagot niya.

Naiinis naman siya ng maisip kung bakit kailangan pa netong samahan siya sa paglalaba eh wala din naman etong naitutulong sa kanya.

'Tssss, ba't di pa siya umalis? Ang ingay-ingay', bulong niya habang pangiti-ngiting sinusulyapan ang matanda na abot-tenga naman ang ngiti sa tuwing mapapatingin eto sa kanya. 

"Ah, lola, diba mamalengke po kayo ngayon?", tanong niya sa matanda, nais niya kasing umalis na doon ang matanda at mas nakakagalaw siya ng maayus kapag siya lang mag-isa.

"Ay, hindi na, si Jack na daw ang bahala kaya sasamahan na lang kitang magpalit ng mga kurtina", nakangiting sagot naman ni lola Berta na mas lalong kinainit ng mga tenga niya.

'Bwesit naman oh!  Hayss, hindi ako makakapagmoment, ang dami pa namang magagandang damit sa taas', inis na bulong niya na kaagad na tumayo at binaling na lang ang tingin sa mga dapit na umikot-ikot sa loob ng washing machine.

-------------------

Lola Berta's POV

Pangiti-ngiting pinagmamasdan niya si Nessa na kaagad namang ngumingiti sa tuwing mapapalingon sa kanya.

  Hayyy, buti na lang at tinaggap ni Jack etong batang 'to,  may makakasama na ako at makakausap dito sa bahay habang wala siya at abala sa paaralan at sa trabaho

  Talaga namang pagkabait-bait na bata.  Kahit kelan eh wala akong naririnig na reklamo mula dito. At talagang napakasipag, halos lahat ng gawain dito sa bahay ay pinakyaw na.

Kaso mahina na ata talaga pandinig ko, hindi ko na eto masasabayan sa kanyang mga kwento. Minsan eh pinagmamasdan ko na lang na kumikibo ang bibig neto pero wala akong naririnig.

Hehehehe tumatanda na ata talaga ako, pailing-iling pa na ngumingiti si Lola Berta habang inaalala ang mga pagkakataong may sinasabi si Nessa ngunit dahil sa hindi niya naririnig ay ngumingiti na lang siya.

Haysss mas namimiss ko tuloy ang apo ko. Kasing daldal din neto.  Kaya 'pag may sasambitin to, at hindi ko naririg, natatawa na lang ako, natatawa na lang din ako sa sarili ko.

Kesa naman kung anu-ano na lang ang isasagot ko, hehehe.

Hayy nako, tumatanda na talaga ako, napapailing-iling na lang si Lola Berta.

Kamusta na kaya yung apo kung si Gab sa America? Namimiss ko tuloy 'yung bata, sa isip ni Lola Berta habang naaalala si Gab na sa murang edad ay matapang na tinanggap ang pagkawala ng ina.

-------------------
Gab's POV

"Lola, punta po ako school mamaya ah", paalam niya sa lola Stella.

Pansin naman niyang kumunot ang noo ng lola niya.

"O, bakit? Hindi ba wala naman kayong pasok ngayun?",mahinahong tanon naman ni Stella sa kanya.

Napapangiti na man siya ng maalala ang ate Sandra niya. 

"Ahm opo la, wala pong pasok ngayun, pero nangako po kasi ako sa friend ko na sasamahan ko siyang mamasyal ngayun",paliwanag niya sa lola niya.

Nag-aalala naman si Stella ng maisip ang sinabi ng apo.

"Nako, kayo lang ng friend mo ang mamamasyal? Wala kayong kasama na adult?", puno ng pag-aalalang tanung niya sa apo.

"Yes po, tsaka po, adult na naman po 'yung friend ko", nakangiting sagot niya na mas lalo namang nagpapakunot sa noo ng lola niya.

"Adult na 'yang friend na sasamahan mo? Kilala mo na ba 'yan? Gusto mo bang sumama na din ako sa inyo?", puno ng pag-aalalang tanung ng lola niya.

"Opo la, tsaka mabait naman po si Ate Sandra kaya 'wag na po kayo mag-alala lola"

"Ate Sandra? O sya, sige hijo alam ko namang hindi ka basta-basta sumasama kahit kanino. Magpahatid ka na lang kay Manong Bert mamaya", nakangiting sagot ni Stella na labis namang ikinatuwa ni Gab.

(Sobrang gaan kasi ng loob ko kay Ate Sandra, sobrang bait niya kasi sa akin. Panatag din ako kapag kasama ko siya, at natutuwa din ako kapag napapatawa ko siya.

Kamukha-kamukha niya kasi si Mommy Maureen. Masyado pa akong bata nun pero tandang-tanda ko pa mukha ni Mommy.

Kung nabubuhay pa sana si Mommy, for sure magkakasundo silang dalawa ni Ate Sandra. Siguro para silang kambal kapag magkasama.

Excited na akong gumala kasama ni Ate Sandra, saan kaya niya ako ipapasyal ngayun?), halos hindi na maalis ang mga ngiti sa mukha ni Gab habang iniisip ang Ate Sandra niya.

Inside That Heart of JACK MONTEVERDE (1) (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon