(ITHOJM) CHAPTER 35🌺

86 8 1
                                    

INSIDE THAT HEART OF JACK MONTEVERDE (BOOK 1)
by: Seyeee047💚




CHAPTER 35🌺


  Nasapo ni Sam ang bibig niya habang pinagmamasdan at pinakikinggan ang sinasabi ng babeng nasa monitor ng computer na kaharap nila.

Nagulat at naluluha siya sa nasaksihan at narinig mula kay Nessa.

Ganun din si Jack, hindi niya inaasahan na sabay nilang matutuklasan ni Samantha ang tunay na pagkatao ni Nessa.

Na anak pala eto ng truck driver na nakabangga sa kanila ni Maureen.

  Sabay na umigting ang mga tenga nila sa narinig na mga masasakit na sinabi ni Nessa tungkol kay Maureen.

  Tiim-bagang at nangagalaiti sila sa galit ng tila sinisisi pa neto si Maureen sa pagkamatay neto na siyang dahilan ng pagkakakulong ng ama neto.

  Uminit ang mukha ni Jack, hindi niya mapapatawad ang mga eto.

  At mas lalong hindi niya hahayaang magtagumpay si Nessa sa anumang binabalak neto.

   Lalong-lalo na ang binabalak netong pag-angkin sa mga pag-aari niya na pinaghirapan niya at ng kanyang pamilya.

   Hindi niya hahayaang maisakatuparan neto ang panaginip netong pamumuhay bilang isang reyna ng Mansion.

  At mas lalong hindi siya makakapayag na makakaalis sa kulungan ang taong kumitil sa buhay ng pinakamamahal niya at isusunod niya sa kulungan si Nessa at doon niya eto bibigyan ng pagkakataong makasama ang minamahal netong ama at doon sila magharing dalawa.

  Ang kulungan ang nararapat na paraiso para sa dalawa. 
 
Hindi na napigilan ni Jack ang galit niya lalo na ng marinig niyang pinagtawanan ni Nessa ang sinapit ni Maureen.

  At ang babaeng pinakamamahal niya pa ang sinisisi neto sa pagkamatay neto.

  Tiim-bagang at kitang-kita ang galit sa mga mata na dali-dali siyang lumabas ng silid at bumaba para komprontahin si Nessa.

  Habang si Samantha ay patuloy pa din sa paghaplos sa dibdib sa pagkagulat sa tunay na pagkatao ng babaeng lubos na nagpapa-init ng dugo niya at sa pag-iyak ng muling marinig ang mapait na sinapit ng kapatid niya.

  Hindi niya lubos maisip na sagad pala sa buto ang kasamaan ni Nessa na sinisisi pa neto at pinagtawanan ang pagkamatay ng kapatid niya na siya ring sinisisi netong dahilan sa nangyari sa ama neto.

Galit na galit siya na pinagmamasdan si Nessa na tila ba nakatingin din sa kanya habang masayang sinusuklay-suklay ang buhok neto.

Sanhi na din ng camerang nasa likod ng salamin neto kaya mistulang magkaharap silang dalawa.

  Nang-gagalaiti siya sa galit habang pinagmamasdan ang nakangiting itsura neto.

  Hindi siya makakapayag na hindi makabonding ni Nessa ang ama, sa bilanggoan.

  Agad-agad na siyang tumayo at sumunod kay Jack, nais niyang ubusin ang lahat ng galit at lakas niya habang sinasabunutan si Nessa hanggang sa maubos lahat ng buhok neto.
 
Nagulat si Nessa sa biglaang pagbukas ng pinto ng kwarto niya.

  Napangiti naman siya at kaagad na tumayo ng si Jack ang nakita niya.

Ngunit nawala lahat ng ngiting 'yun ng mapansing namumula sa galit ang mukha ni Jack habang papalapit sa kanya.

  Napayuko na lang siya na parang takot na tuta at iniisip na baka nauto eto ni Samantha.

"So, plinano mo na palang maigi 'tong lahat?", galit na saad ni Jack na kinabigla ni Nessa na animo'y hindi naiintindihan kung ano ang tinutukoy ni Jack.

Hindi maari. Hindi pwedeng malaman nila ang tunay na pagkatao niya pati na ang tunay na intensyon niya. Hindi siya pwedeng magpahalata lalo na ngayung malapit na niyang maisakatupara ang lahat.

Baka iba ang tinutukoy neto. Baka ang pag-aaway nila ni Samantha ang tinutukoy neto. 

"P-po? Ano pong ibig niyong sabihin, S-sir Jack?", para bang naguguluhang pinakunot pa niya ang kanyang mga noo na saad niya.

Bahagyang napabuntong-hininga si Jack sa mistulang inosenteng anyo ni Nessa.

"Tsss, sa tingin mo ba uubra pa 'yang pagmamaang-maangan mo? Umamin ka na Nessa pwede ba, habang nakakapagpigil pa ako", saad ni Jack na tinitiim ang bagang, halatang pinipigilan ang sariling magpadala sa galit.
 
Maya-maya ay apansin ni Nessa ang pagpasok ni Sam sa kwarto.

'Yun nga siguro ang kinagagalit ni Jack at ang tinutukoy neto. Nauto nga siguro eto ni Samantha at napaniwala sa kanyang kwento.

Tiningnan lang niya ng masama si Sam na may sarcastic na ngiti sa kanya.

Hindi siya papayag na maagaw ng babaeng ito si Jack.

  Hindi siya papayag na hindi makalaya ang ama at ubusin ang yaman ni Jack lalo na ngayung malapit na niyang maisakatuparan ang lahat.

"S-sorry po, sir Jack", mahinang tugon niya na kaagad na yumuko na tila pinangatawanan na ang kaawa-awang itsura na tila isang kawawang maamong tuta.

"Si Maam Sam po talaga yung nag-umpisa, siya naman po talaga ang unang sumampal sa akin tsaka sinabunutan po ako, sorry po", tugon niya na nanginginig pa ang boses na para bang naiiyak at puno ng pagmamakaawa ang maamong mukha na bahagyang sinulyapan si Sam.

Kung hindi nila nasaksihan ang kademonyohan neto ay baka mapaniwala pa sila sa pinagsasabi neto.
 
Hindi makapaniwala si Sam na napangiti at napailing-iling sa  nasaksihan.

  Napahanga na siya sa galing ng pag-arte ng babeng nasa harapan.  

  Hindi niya lubos akalaing ganun pala kalala ang sayad ng babaeng may maamong mukha ngunit daig pa ang asong-ulol mag-isip.

At siya pa talaga ang sinisisi neto.

"Bravo! Bravo!", wika ni Sam at pinalakpakan pa si Nessa na mangiyak-ngiyak na habang nagpapaliwanag kay Jack.

Inside That Heart of JACK MONTEVERDE (1) (Completed)Where stories live. Discover now