(ITHOJM) CHAPTER 19🌺

100 5 0
                                    

INSIDE THAT HEART OF JACK MONTEVERDE (BOOK 1)
by: Seyeee047💚

CHAPTER 19🌺


  Maghapong nasa loob lang ng Mansion si Jack kaya maghapon ding nagpapakasipag si Nessa.

  Naglinis, naglaba, nagmop sa sahig sa buong Mansion at ginagawa ang kung anu-ano pang trabahong maisip niya.

  Animo'y dismayado naman siya ng hindi man lang siya sinilip ni Jack at hindi man lang niya eto nakitang lumalabas ng silid maliban na lang sa tuwing kakain, ngunit tanging si Lola Berta lang ang inaasikaso neto na hindi man lang nag-abalang sulyapan siya.

Pagkatapos niya maglaba ng mga basahan ay naisipan niyang pumunta sa kusina. Pangiti-ngiti pa siya habang papasok sa kusina. Nagbabakasakaling maabotan niya doon si Jack, ngunit si lola Berta lang ang tanging nakita niya na kaagad namang napansin ang pagpasok niya.

"Neng, magpahinga ka na muna dyan. Maupo ka muna, at paniguradong napagod ka sa maghapon  na kakalinis", ani lola Berta habang hinuhugasan ang mga gulay na lulutuin neto.

Hindi na nakinig si Nessa na dirediretso ng tumungo sa direksyon ni lola Berta na kasalukuyang kumuha ng kutsilyong panghiwa sa mga gulay. 

"Ayus lang po la, tsaka nakapagpahinga na naman po ako kanina. Ako na lang din po ang maghihiwa ng mga iyan", sagot niya sa matanda habang tinitignan ang mga gulay na tinutukoy.

"Ay nako, ako na, kakaunti lang naman  ang mga eto", saad ng matanda na naghanda na ng paglalagyan niya ng mga hiniwang gulay ay nag-umpisa na sa paghihiwa.

Tumabi naman si Nessa kay lola Berta at pilit na kinukumbinsi ang matanda.

"Nako la, ano pa bang magiging silbi ko dito kung paupo-upo lang po ako 'di ba? Tsaka nagpapasalamat nga po ako sa inyo dahil pinatuloy nyo po ako dito.

  Kaya hayaan niyo na lang po ako la, tsaka wala na naman po akong ginagawa eh,  kaya ako na po dyan at maupo na lang po kayo", ani nya na tila nagwagi naman siya ng mapansing napahinto si Lola Berta at nakangiting lumingon sa kanya kaya kaagad niya etong inalalayan paupo.

Kahit na malakas pa naman eto at maayus pa ang pangangatawan, nagpupumilit pa din siyang alalayan eto at napapangiti na lang ng mapansing tila hindi na pumalag ang matanda na hinayaan lang siyang umalalay dito.

"Ay nako, kabait-bait mo namang bata. Pero dahan-dahan lang sa kutsilyo ha, baka masugatan ka", nakangiting saad naman ni lola Berta na tuwang-tuwa sa kabaitang pinapakita ni Nessa.

   Napansin kasi ni Nessa na lihim silang pinagmamasdan ni Jack kaya ganun na lang ang kabaitang pinapakita niya.

Pilit din niyang inalalayan paupo si Lola Berta para palihim na muling tignan ang kinaroroonan ni Jack at napangiti naman siya ng makumpirang nakamasid pa din eto sa kanila.

Dahan-dahan niyang hiniwa ang mga gulay, at sinadya niyang bahagyang sugatan ang sarili.

"Aray!", bulyaw niya at napangiti naman siya ng makitang pumasok si Jack sa kusina.

(sabi na nga ba't magmamadali ka, Jack), sa isip ni Nessa na animo'y namimilipit sa sakit ang mukha ngunit humahalakhak naman ang isip.

"O anong nangyari? Nasugatan ka ba La?", kunot-noong tanung ni Jack na kaagad na nilapitan si Lola Berta.

   "Ah, eh, nako hindi ako apo. Ay Dios ko,  nasugatan ka ba ineng? Sabi ko naman sa'yong dahan-dahan sa kutsilyo eh.

Nako hugasan mo muna yung daliri mo, bago mo lagyan ng band-aid, may kit dyan sa kanan, andyan sa loob yung band-aid. Nako hugasan mo na kaagad baka matetano ka pa.

Inside That Heart of JACK MONTEVERDE (1) (Completed)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن