(ITHOJM) CHAPTER 47🌺

91 6 1
                                    

INSIDE THAT HEART OF JACK MONTEVERDE (BOOK 1)
by: Seyeee047💚



CHAPTER 47🌺


  "Sebastian! Anung gagawin natin?", tanong ni Marissa sa asawa sa pagitan ng mga hikbi.

  Pakiramdam niya ay pinaparusahan siya ng langit sa walang katumbas na sakit na kanyang nadarama. Animo'y hindi na nauubusan ng luha ang kanyang mga mata na namumugto na sa kakaiyak at sa labis na pag-aalala sa anak.

  Hindi niya mapigilang sisihin ang sarili niya.Pakiramdam niya ay napaka-pabaya niyang ina.

  Wala man lang siyang magawa para sa anak niya.

Wala man lang siya magawa para ibsan ang paghihirap neto.

Wala man lang magawa para bawasan ang sakit na mararamdaman neto sa tuwing papasok ang napakadaming tubo sa katawan neto.

Wala man lang siyang magawa maliban sa maluha sa tuwing magkakagulo ang mga doctor sa tuwing hihina ang puso neto.

  Isa siyang magaling na doctor!

Napakadaming tao na ang kanyang natulungan. Napakadaming tao na ang kanyang napagaling.

Ngunit hindi man lang nila mahanapan ng lunas ang kaisa-isa niyang anak?

  Paulit-ulit niyang sinisisi ang sarili niya.

Napakawalang-kwenta niyang ina!

  "Sebastian, kung maari, puso ko na lang ang ibigay natin sa anak natin", puno ng panlulumo at sakit ang basag na tinig neto na walang humpay ang pag-agos ng mga luha.

  "Please, Seb, para sa anak ko"

"Please Sebastian.. . "

"Please let's save her!"

"Please. .... "

"Please. ... ... "

"Sandra!.... . .. "

  Animo'y pinupunit ng isan-libong beses ang puso ni Marissa habang nagmamakaawa sa asawa na ang puso na lang niya ang ibigay kay Sandra.

Umiiyak eto ng walang himig na animo'y tinatangay ng sobrang sakit na nararamdaman.

Labis na pagsusumamo ng isang ina para sa anak na nahihirapan.

Tila nawawalan na siya ng pag-asa at wala na siyang ibang maisip na paraan para maisalba ang pinakamamahal na anak.

Labis-labis na sakit ang kanyang nararamdaman sa tuwing nasa tabi sila neto at pinagmamasdan ng anak na nahihirapan. Ngunit tila triple ang sakit kapag hindi nila eto nakikita at wala sila sa tabi neto. Kaya kinakailangan na nilang bumalik kaagad ng America.

 Kaagad kasi silang nagpunta at lumuwas ng Pinas ng sa wakas ay may tumawag sa numerong pinaskil  nila.

  Nagpaskil sila sa website nila o sa kahit saang website na pupwede nilang paskilan, hindi na alintana ang mga bayarin basta makahanap lang sila ng donor para sa anak nila.

  Sa mga telibesyon at mga istasyon ng radyo, pati na din sa Hospital nila sa Pinas.

Nakahanda silang magbayad ng kahit magkanong halaga sa kung sino man  ang handang magdonate ng puso para sa kanilang anak.

  Laking tuwa nila ng sa wakas ay may tumawag na sa kanila.

 Nagpakilala itong isang lalaking naaksidente daw sa motor at nag-aagaw buhay ang asawa.

Inside That Heart of JACK MONTEVERDE (1) (Completed)Where stories live. Discover now