(ITHOJM) CHAPTER 36🌺

80 6 0
                                    

INSIDE THAT HEART OF JACK MONTEVERDE (BOOK 1)
by: Seyeee047💚


CHAPTER 36🌺

Pailing-iling pa si Samantha habang naglalakad patungo kay Jack at nakangiting pinag-mamasdan ang animo'y kaawa-awang itsura ni Nessa.

  "Wow Jack, you've spotted a real talent right there! Hindi naman ako na-inform na may shooting pala ng teleserye dito sa loob ng pamamahay mo. Ang gagaling umarte! ", nakangiting tugon ni Sam kay Jack na ang tinutukoy ang si Nessa na mangiyak-ngiyak pa at hindi na pinansin ang mga pinagsasabi niya.

"Pero, girl, galingan mo pa, itodo mo pa, kunting push na lang eh, my tears almost fall... backwards", nakangiting patuloy sa pang-aasar neto kay Nessa.
 
  Patuloy lang si Nessa sa pag-iyak na mas lalo pa atang naiyak sa mga narinig mula kay Samantha tila hinintay na sawayin eto ni Jack at muling ipagtanggol siya.

Ngunit ng sulyapan niya si Jack ay patuloy lang din etong nakatitig sa kanya na tila inaantay na lang ang susunod na mga sasabihin niya.

"Nais ko lang naman pong ipagtanggol kayo sa babaeng 'yan sir na palaging sinisiraan kayo lalo na kapag wala kayo dito", ani Nessa na sinulyapan si Samantha na lalo lang atang natatawa sa kwento niya.

  Muli niyang sinulpayan si Jack ngunit hindi pa din nagbago ang ekspresyon neto. Nakatiim-bagang at bakas ang galit sa mga mata neto habang nakatingin sa kanya.

"Ahm k-kanina po kasi, nagsisisigaw po kasi siya sa loob ng pamamahay niyo at alam ko naman pong may ginagawa at may inasikaso po kayong mga dokumento sa kwarto niyo kaya po nilapitan ko siya at sinaway.

Sinubukan ko lang naman pong kausapin siya pero bigla niya na lang po akong sinabunutan. Pinagtanggol ko lang po ang sarili ko", maluha-luha pa habang nakayuko na pag-explain niya sa panig niya.

At patuloy nitong tinatanggi na hindi siya ang nagpasimuno ng away nila ni Samantha.

  Habang walang humpay naman ang pagtawa ni Samantha na tila ba nakikinig at nanonood ng isang nakakatawang palabas na pinagbibidahan ni Nessa.

Nang pumasok naman ng kwarto si lola Berta kasunod neto ang assistant ni Samantha, si Joy, na kanina pa pala naghahanap kay Samantha at nagpunta pa eto ng Mansion ni Jack.

  Nagbabaka-sakaling mahagilap siya at nagpasama pa eto kay lola Berta na siyang unang napagtanungan niya.  

Alam kasi ni lola Berta na pumasok si Samantha sa loob para magpaalam kay Jack na isasama na siya ng apo niyang si Samantha.

  Ngunit hindi nila ito nahagilap sa loob kaya isa-isa nilang sinuri ang bawat silid hanggang sa makita at madatnan nila eto sa silid ni Nessa.
 
Kaagad namang napangiti si Samantha sa lola niya ng pumasok eto.

  "So, why don't you include what you just did to my lola, hmm? For sure kasama 'yun sa script ng pelikulang binabalak mo, hindi ba?", nakangiting saad ni Sam na muling binaling ang tingin kay Nessa.

Kunot-noo naman etong napatingin sa kanya na tila ba hindi alam kung ano ang pinagsasasabi niya.

  Kaagad namang lumapit si lola Berta sa tatlo.

  Bakas sa mukha ng matanda na naguguluhan eto kung ano ang nangyayari sa silid na iyon.
 
  Hindi nalang pinansin ni Nessa ang mga pinagsasabi ni Sam. Muli etong yumuko at patuloy lang eto sa pag-iyak at paghingi ng tawad kay Jack na tiim-bagang pa ding matalim ang galit na galit na mga matang nakatingin sa kanya.

"Tell me who you really are?", tanong ni Jack kay Nessa sa walang kaemo-emosyong boses na animo'y pinapahiwatig na hindi na umiepekto ang pagdadrama neto sa kanya.
 
Hindi makapaniwala ay bahagyang natigilan si Nessa.

  Dati naman ay kunting ngiwi lang ng mukha niya at todo na ang pinapakitang pag-aalala ni Jack sa kanya at palagi netong pinagtatanggol siya.
 
"I'm Ne-Nessa po", mahinang sagot neto na wala atang balak tumigil sa paghikbi.
 
"Tss, of course, 'yan naman ang isasagot mo. 'Coz what do you think? We're dumb?", inis na sabat ni Sam na napabuntong-hininga na lang at galit na galit sa pag-i-inarteng-inosente ni Nessa.

Binigyan lang neto ng isang matalim na tingin si Samantha at mapang-asar na ngiti naman ang iginante neto.

  "Tell me,- tell us who you really are? Who's your father? Your mother? What your family do, or anything, for God's sake Nessa, hindi mo parin ba alam ang ibig kung sabihin?", pasigaw na patuloy na pag-iimbestiga ni Jack sa kanya.

Agad namang bumuhos ang mga luha niya na animo'y tutang takot na takot sa pagsigaw ni Jack.

  Sa likod ng utak niya ay napapangiti naman siya ng maisip na iniimbestigahan lang pala ni Jack ang pinanggalingan niya. At hindi kung ano ang totoong pakay niya.

  At kaagad namang nakahanap siya ng tiyansa para lusutan ang mga eto at kailangan lang niyang mas galingan pa ang kanyang pagdadrama.

  "Wala po akong ama, at ina. Hindi po nila ako ginusto at-", napabuntong-hininga siya na tila ba may tinik na bumabara sa lalamuna niya at hinahaplos ang dibdib na tila inaalala ang mapait na kapalaran.

Iniwan na po nila ako pagkapanganak sa akin.

Lumaki po ako sa isang ampunan na pinagmalupitan lang ako.

Pinagmalupitan akon ng mga taong nakabantay doon na laging pinaalala sa akin kung paano ako napadpad doon. 

  Laging nilang pinapamukha sa akin na malas ako kaya walang kahit sino ang may gustong umampon sa akin.

Araw-araw nilang pinapaalala sa akin na malas ako na halos lahat ng mga batang nandoon ay tinutukso at pinagtatawanan ako.

Kaya ng makatyempo ay tumakas ako.

  Tumakas lang po ako sa ampunan.

  Minamaltrato po kasi nila ako doon", sagot ni Nessa na mas lalong napapa-hagulgol sa pagbunyag ng pagkatao niya.

Parang isang batang walang tigil sa pag-iiyak at paghagulgol habang tila ba muling naaalala ang napakalupit na kapalaran.

Hagulgol na tila ginugunita sa isipan ang isang mapait na ala-ala ng nakaraan.

Ang ala-ala ng kabataan niya na tila pilit binabaon sa limot.

  Pakiramdam niya at mistulang muling dumurugo ang napakalalim na sugat ng kanyang puso ng muling maalala at pilit na muling inuungkat ang sugat ng nakaraan na pilit na niyang binabaon sa limot.

Inside That Heart of JACK MONTEVERDE (1) (Completed)Where stories live. Discover now