(ITHOJM) CHAPTER 40🌺

82 7 0
                                    

INSIDE THAT HEART OF JACK MONTEVERDE (BOOK 1)
by: Seyeee047💚


CHAPTER 40🌺

SANDRA'S POV

  Dumating siya ng Pinas at 4:30 pm at magsisimula ang event ng exactly 6 o'clock pm so may time pa siyang makapagpahinga saglit at mag-ayus.

Pagdating niya sa airport ay kaagad namang sumalubong sa kanya ang secretary niya at kaagad na silang dumiretso sa Mansion ng mga Javier para makapaghanda.
 
Pagdating niya sa Mansion ay nakahanda na ang mga damit na pagpipilian niya na siyang susuotin niya para sa bidding.

  Nandoon na din ang mga hairstylist at make-up artist na hinanda ng sekretarya niya, na nag-aantay sa kanya at kaagad na nagsinginitian sa kanya pagdating niya.

Kaagad na siyang naupo sa isang komportableng upuan sa harap ng isang magarang salamin at hinayaan na ang mga make-up artist na gamitin ang kanilang mahika para sa mukha niya.

Bahagya niya munang ipinikit ang mga mata para panandaliang makapagpahinga.

Pagkatapos nilang ihanda ang itsura niya ay sinuot na niya ang black dress na siyang nakakuha ng atensyon niya, at siyang napili niyang suotin.

Ito kaagad ang una niyang nakita na para bang kanina pa ito nag-aantay na maisuot niya.

Excited niyang tiningnan at sinuri ang sarili sa isang fullbody-sized mirror habang suot-suot ang napiling damit.

  Pangiti-ngiti pa siya habang tiningnan ang kabuuan niya.  Humanga siya sa ganda ng damit na saktong-sakto lang sa hubog ng  katawan niya.

Isa itong black dress na inaadornohan ng mga gintong pattern o disensyo.

  May spaghetti strap, at mapang-akit na tabas na pinapakita bahagya ang kanyang mga malulusog na dibdib.

  Abot ang haba ng damit na eto sa kanyang paa na hindi naman sumasayad sa sahig kapag siya'y nakasapatos na.

May mahabang slit sa kanan na aabot sa hita niya, tila ba isang marahas at mapang-akit na tabas,saktong-sakto lang para maging komportable siya at upang hindi siya mahihirapan sa paglalakad.

  Napaka-eleganteng yumakap ang tela sa katawan niya, na hindi masyadong masikip, tamang-tama ang hapit at kumportable para siya'y makakilos at makahinga ng maayus at bahagyang pinapakita ang kanyang mapang-akit na likod.

Light lang ang make-up na iniligay nila sa kaniya.

Animo'y mga bubuyog na nagdedebate ang mga make-up artist niya. At naririnig niya ang mga pinagsasabi ng mga ito.

Na anila'y hindi na daw niya kinakailangan ang mga make-up at serbisyo ng mga ito.

  Bukod sa likas na mapupula ang mga labi niya at mahahaba ang mga pilik mata niya at ang mga pisngi niya na natural ng kulay rosas ay hindi din siya mahilig sa mga makakapal na make-up lalo na sa mga okasyon na tulad neto.

  Kaya mainam na din na kunting pulbo, light na lipstick lang at clear mascara lang ang nilagay ng mga ito.

Dinampot niya ang kwintas na regalo ng kanyang ina at sinuot iyon.

  Namangha siya sa ganda ng kwentas na gawa sa puting ginto na pinagdudugtong upang makabuo ng isang munting-eleganteng kadena na may isang nag-aagaw puti at kulay rosas na perlas sa gitna neto na ng sinuot niya ay mistulang nagpapahinga at komportableng nahimlay sa pagitan ng kanyang malulusog na dibdib. 

Ng mapansin ng kanyang sekretarya na nakahanda na siya ay kaagad na siya netong sinamahan sa kanilang sasakyan na nakaparada sa tapat ng Mansion na siyang magdadala sa kanila patungo sa venue ng naturang event.

  Pagpasok pa lang niya sa lugar ay hindi na lingid sa kaalaman niya ang pagtigil ng mga taong nadadaanan niya upang sulyapan, pagmasdan at hangaan ang kabuoang anyo niya.

Bahagya siya tumango sa mga ito at ngumiti na animo'y nagbibigay galang at pagbati sa mga taong nakakasalubong niya at sa mga taong napapatingin sa kaniya.

Ang iba ay tumango din sa kanya. Ang iba naman ay mistulang abot tenga ang iginanting ngiti ng ngitian niya. Ngunit ang iba ay napatigil lang at animo'y sinuri siya mula ulo hanggang paa na tila lihim na nanghuhusga.

Hindi na lang niya pinanumbalingan ang mga nakasalubong niya na ganun. Lalo na at 'yung iba ay nasa kani-kanila lang na mga mesa na nakatayo habang nagbubulungan pa na pinagmamasdan ang pagdaan niya.

  Hindi niya alam kung nilalait ba siya ng mga iyon o pinupuri, ngunit kahit na ano pa ang dahilan nila, nagawa pa din niyang patigilin ang mga nandoon sa bawat paghakbang niya at naagaw niya ang mga atensyon ng mga ito.

  Ngunit hindi mahalaga sa kanya ang opinyon nila. Hindi mahalaga kung ano man ang pinag-usapan nila.

  Hindi naman siya nila kilala o makikilala dahil na din sa suot niya. At hindi din niya kilala ang mga iyon.

Lalong-lalo pa na hindi din naman iyon ang pakay niya sa pagpunta sa lugar na iyon.

Ngunit ang nakakuha ng atensyon niya ay ang lalaking animo'y may sariling mundo habang umiinom ng wine. Bahagya lang etong lumingon sa kanya ngunit kaagad din na binaling ang atensyon sa basong hawak-hawak neto. 

  Mag-isa lang etong nakatayo sa isang mesa  sa sulok na tila hindi eto interesado na makiusisa gaya ng ibang bisita ni wala din yata etong balak na makihalubilo sa iba.
 
Habang marahang naglalakad ay lihim din niyang pinagmamasdan ang lalaking iyon.

Nakuha ng lalaking eto ang atensyon niya.

  Naiintriga siya sa pagkatao neto.

  Hindi kaya eto nabibighani sa panlabas na anyo, o sadyang hindi lang eto interesado sa kanya.

Napabuntong-hininga siya na bahagyang natigilan ng maiisip na kung anu-ano na lang ang ideyang sumagi sa isip niya.

  Natatawa na lang siya sa ng mapagtantong kung saan-saan na lang nagsusuot ang  takbo ng utak niya.

'Haysss Sandra, relax, hindi ka nagpunta dito para mag-isip ng kung anu-ano.

Nagpunta ka dito dahil sa property, okay?

Hindi para maging assuming"

Napapailing-iling na lang siya habang diri-diretso ng naglakad papasok sa venue.

  Naupo na lang muna siya sa upuang nakareserve sa kanya na pinareserve ng sekretarya niya.

Wala pang masyadong tao sa lugar dahil ang iba at abala pa sa pakikipag-kwentuhan sa labas.

Abala pa sa pagmemeryenda o 'di kaya ay umiinom muna ng wine, sa mga pagkain at mga inuming nakahanda sa labas.

Inside That Heart of JACK MONTEVERDE (1) (Completed)Where stories live. Discover now