( ITHOJM) CHAPTER 26🌺

80 5 0
                                    

INSIDE THAT HEART OF JACK MONTEVERDE (BOOK 1)
by: Seyeee047💚


CHAPTER 26🌺


Samantha's POV

  Kaagad siyang sumunod kay Lola Berta at pangiti-ngiti pang sinulyapan si Nessa na nadadaanan lang nila na halatang hindi natutuwa ng makapasok siya.

Kaagad na silang dumiritso sa kusina at kaagad na inalok siya ng matanda ng meryenda, at hindi naman niya eto tinanggihan para may dahilan pa siya na manatili muna doon pansamantala. 

"Ahm lola, matagal na po ba kayo dito?", tanung niya habang kaagad na tumungo sa isang mesang napapalibutan ng mga upuang kahoy na naaadornohan ng mga ukit-kamay na disenyo at kaagad ng naupo at lihim na pinagmamasdan si Lola Berta.

"Ay oo, halos mag-aapat na taon na din", malugod na sagot naman ng matanda na dumiritso naman sa counter.

Lihim niya etong pinagmamasdan habang kumuha ng baso at ilang perasong sariwa na mansanas at ginawan siya ng juice .

Nagtaka naman siya sa sagot ng matanda.

"Apat na taon po? So hindi po talaga kayo dito nakatira dati", kunot noong tanong niya.

Ngumiti lang si Lola Berta sa kanya at  lumakad papunta sa kinauupuan niya habang bitbit ang isang maliit na tray ng meryendang inihanda ng matanda para sa kanya.

 "Nako, mahaba-habang kwento", ani ng matanda sabay abot ng baso ng juice sa kanya.

Napangiti naman si Sam ng mapansing umupo eto sa tapat niya na para bang interesado ding magkwento ang matanda.

  "Ayus lang po lola, wala naman po akong gagawin", magiliw na saad niya at kaagad na lumagok ng juice na bigay ng matanda.

Ngumiti naman si Lola Berta habang nakatingin sa kanya.

"Matagal-tagal na panahon na din 'yun", ani ng matanda na tila ba may tinitingnan sa ere.

Tahimik lang si Samantha habang inaantay ang susunod na sasabihin ng matanda.

" Hindi talaga kami dito nakatira dati. Naalala ko pa noon masaya kaming naninirahan sa isang simple at payak na bahay ngunit masaya naman kaming numumuhay kasama ang apo ko", panimula ni Lola Berta

"Classmate kasi sina Jack at si Maureen, balita ko dati eh halos hindi mapaglapit ang dalawang 'yun", ani Lola Berta na tila ba nanunuod ng palabas sa hangin at masayang ginugunita ang kanyang ala-ala. 

"Hanggang sa naging magkasintahan ang dalawa. Mahal na mahal nila ang isa't-isa, halos hindi nga mapaghiwalay ang dalawang iyon"

Natutuwa ako ng sobra at sa wakas ay may nagpapasaya na sa apo ko. Lagi ng umuuwi si Mawee na may ngiti ang mukha kahit na pagod sa kakasideline sa kung anu-anong mga trabaho", ani neto na tila unti-unting nagbago ang ekpresyon ng mukha.

  "Hanggang sa isang araw, araw na hindi ko inaasahang darating, araw na mistulang isang napakasamang bangungot.  Nabalitaan ko na lang na sinugod ang apo ko sa hospital at lubha daw etong napuruhan.

Nabangga daw eto ng humaharurot na truck, hinding-hindi ko matanggap, kay bata-bata pa ng apo ko. Hindi ko lubos maisip ang hirap at ang sakit na kanyang nadama nung mga puntong iyon. Ang labis na takot na naramdaman ng apo ko nung paparating sa kanya ang truck. Dios ko!", saad ni Lola Berta hindi na mapigilan ang mapaluha at ang tila paninikip ng kanyang dibdib.

Labis namang nabigla si Samantha sa natuklasan. Tila kaagad din niyang naramdaman ang kirot sa puso niya ng marinig ang kwento ng matanda. 

"Lola, kalma ho, eto, uminom ho muna kayo", saad niya sabay abot  sa isang baso ng juice sa matanda ngunit hindi eto pinansin ng matanda na tila patuloy lang sa pag-iyak.

"Bakit yung apo ko pa? At bakit naman ganoon ka biglaan?  Ang saya-saya pa niya bago umalis ng bahay noon. Hindi ko talaga lubos maisip ang mga hirap na pinagdaanan niya.

Ngunit bakit naman sa isang iglap, sa isang iglap lang ganun pa ang nangyari sa kanya. Para bang pinipigilan pa siya ng mundo na maging masaya", humihikbing saad ni Lola Berta na pati si Sam ay hindi na din napigilan ang pag-agos ng sariling mga luha.

"Bakit yung apo ko pa? Napakabuting bata ni Mawee at ang dami pa niyang pangarap sa buhay. Ang bata-bata pa ni Gab. Bakit 'yung apo ko pa?", napahawak na lang sa dibdib si Lola Berta na walang humpay ang buhos ng mga luha habang ginugunita ang mapait na sinapit ng pinakamamahal na apo.

Akala niya ay nakalimutan na niya ang nangyari. Akala niya ay tanggap na niya ang biglaang paglisan ng kanyang minamahal na apo.

Ngunit sa mga sandaling ito ay tila ba, nagdurugo muli ang mga sugat sa puso niya na animo'y sariwa pa't kahapon lang nangyari ang lahat.

"Maweee", sambit niya sa pagitan ng paghikbi.

  Pilit naman etong pinapakalma si Samantha na kaagad na nagtungo sa gilid ng matanda at hinahaplos-haplos ang likod neto.

"Hindi mo man lang nakaharap at nayakap ang nanay mo, patawad apo at wala akong magawa para tuparin ang kaisa-isang hiling mo, wala akong magawa para hagilapin ang ina mo", wala ng humpay ang pag-agos ng mga luha ng matanda habang inaalala ang kaisa-isang kahilingan ng apo.

Ang makaharap ang kanyang ina.

Hindi na napigilan ni Sam ang sariling mga luha na tila ba nakikisabay sa pag-agos sa mga luha ng lola niya.

Kumikirot ang dibdib niya. Sa kadahilanang patay na pala ang kapatid na pinapangarap niyang makita. Ang kapatid na matagal na niyang hinahagilap. Ang kapatid na pinapahanap sa kanya ng kanyang ina.

Ang bukod-tanging dahilan kung bakit napadpad siya sa lugar na iyon. Ngunit huli na pala siya. Kung napaaga lang siya ng dating ay siguro namumuhay na sila ng masaya. Kung sinabi lang sana kaagad ng kanyang ina na may kapatid siya ay baka nahanap niya eto kaagad.

  Humihikbi siyang pinagmasdan si Lola Berta na hindi man lang niya nakilala, at hindi din siya nakilala.  Mas lalo pa siyang nalungkot ng maisip kong ano ang ibabalita niya sa kanyang ina. Hindi niya alam kung paano sabihin sa kanyang ina ang nakalulumong balitang kanyang natuklasan lalo pa at may sakit eto.

Ngayung alam na niya ang sinapit ng kapatid ay naiintindihan na niya ang lahat. Lalo na ang galit at lungkot sa mga mata ni Jack sa tuwing nakikita siya neto at ang palagiang pag-iwas neto sa kanya.

Pati na ang pag-iwas ng mga barkada neto sa tuwing mababanggit niya ang tungkol kay Maureen.

  Hinanap pala ni Maureen ang kanyang ina? Mas lalong kumirot ang dibdib ni Sam. Hindi niya lubos maisip ang pangungulila ng kapatid niya sa kanilang ina.

Ang mga hirap na pinagdaanan neto gayong kailangan netong kumayod at magsumikap mag-isa.

"Patawad ate, nahuli ako sa pagdating, kung nalaman ko lang sana agad ang tungkol sa'yo baka…", bulong niya na muling napahagulgol habang pinipinta sa isip ang mga paghihirap na pinagdaanan ng kapatid niya.

"Patawad po lola", humihikbing napayakap siya sa matanda.

"Ate ko po si Maureen la , at siya din po ang dahilan kung bakit  napadpad ako dito. Pinapahanap po siya sa akin ni mama. Anak po ako ni Marta Luna", pagpapaliwanag niya sa Lola niya, habang tila ayaw ng magsitigil ang mga luha niya na nag-uunahan sa pag-agos mula sa kanyang mga mata.

"Patawad kung ngayon lang po ako dumating la"

Inside That Heart of JACK MONTEVERDE (1) (Completed)Where stories live. Discover now