(ITHOJM) CHAPTER 48🌺

82 5 1
                                    

INSIDE THAT HEART OF JACK MONTEVERDE (BOOK 1)
by: Seyeee047💚




CHAPTER 48🌺

Dinala nga nila kaagad sa America ang babaeng nabangga nila.

  Ginamot eto kaagad ng mga magagaling na doctor ng hospital nila habang dumiritso na agad sila sa silid ng anak.

  Pagkapasok nila sa silid ay kaagad na bumungad sa kanila ang nakangiting mukha  ni Sandra na animo'y hinihintay ang pagdating nila.

"Mommy, where have you been?

Lagi ko kayong hinahanap kaso wala kayo.

nabobored na ako dito",  mahinang saad ni Sandra na kaagad namang niyakap ng ina.

Pilit na pinipigilan ni Marissa ang mga luha ng makita at yakap-yakap ang anak.

  "Don't worry baby.

Mommy is here na.

We're here na, and we have good news.

Malapit ka ng gumaling", nakangiting saad ni Marissa sa anak.

  Ngunit hindi neto maipagkakaila ang  bakas ng mga luhang nagbabadyang magsiagos sa kanyang mga mata.

Napangiti naman si Sandra sa ina.

Nginitian din neto ang kanyang ama na tahimik lang nakatayo sa tabi niya habang pinagmamasdan sila.

"Mom, dad, I really waited for you and I'm happy na bumalik na kayo", nakangiting saad niya sa mga magulang niya.

"I really want to see you before I go", dugtong niya.

Labis na kinagulat ni Marissa ang sinabi ng anak.

"No baby!

You don't have to go anywhere. 

Gagaling ka, hmmmp?", agarang saad ni Marissa sa anak, na hindi na napigilan ang paggaralgal ng boses at ang pag-agos ng kanyang mga luha.

Nginitian lang siya ni Sandra at niyakap.

"Hayss mommy talaga.

Masyado ka talagang iyakin.", panunuksong saad niya sa ina.

Kaagad namang pinahiran ni Marissa ang kanyang mga luha at ngumiting hinahaplos-haplos ang mga palad ng anak.

"Mom, dad, I had a dream last night.

I saw a girl.

She is so pretty.

If I may have a sister, I want to have her.

Please take good care of her.

Promise me, you'll be good to her", nakangiting bilin ni Sandra sa mga magulang niya.

  Mas lalo pang bumuhos ang mga luha ni Marissa sa narinig.

  Pati si Sebastian ay hindi na din napigilan ang paghikbi.

  "Haysss, kayo talaga!

  Alam nyo namang ayokong nakikita kayong umiiyak di'ba?

Ang dadrama niyo talagang dalawa" nakangiting saad ni Sandra na pilit na pinapagaan ang kalooban ng mga magulang niya.

Kaagad namang lumapit si Sebastian sa kanyang anak at niyakap.

Inside That Heart of JACK MONTEVERDE (1) (Completed)Where stories live. Discover now