(ITHOJM) CHAPTER 7🌺

178 6 2
                                    

INSIDE THAT HEART OF JACK MONTEVERDE (BOOK 1)
by: Seyeee047💚

CHAPTER 7🌺

"Good morning baby, mwaaah" masayang bati ni Maureen sabay halik kay Gab na kakadilat lang ng mga mata at kaagad na nag-unat.

"Good morning din po mommy" sagot naman neto sa kanya at humalik din sa pisngi niya.

"O bumangon ka na diyan baby at sabay na tayong maligo maya-maya" ani niya sa anak na tuwang-tuwa naman sa narinig at kaagad na bumangon.

"Babalikan kita ah.

Magsasaing lang saglit si mommy.

'Wag ka matutulog ulit ha?" bilin niya sa anak na tumango naman sa kanya. 

Paglabas niya ay nakita niya si Lola Berta na nagkakape sa kusina.

Natutuwa siya ng muling makita si Lola Berta, kaya kaagad niya itong nilapitan.

"Good morning lola, mwahhhh"  masiglang bati siya sabay yakap at halik sa pisngi ng lola niya.

Nagulat man ay napapangiti na lang si Lola Berta sa inasal niya.

" Oh, ang aga mo ata nagising apo.

Magandang umaga din!

Napakaganda ata ng gising mo ah"  wika ng matanda na tinapik-tapik pa ang mga braso niyang nakapulupot sa bewang neto.

Napangiti na lang si Maureen at idinantay ang baba sa balikat ng matanda. 

"Syempre po.

Nakatulog ako ng maayus eh"  masayang tugon ni Muareen na mas lalo pang hinigpitan ang pagkakayap niya sa lola niya.

Pangiting-ngiti pa siya habang niyayakap ang matanda at nilalanghap ang bango ng amoy na nagmula sa sariwang kape na nasa tasang hawak-hawak neto.

Totoo namang sobrang saya niya.

Na tila kay gaan ng pakiramdam niya at  dahil na din sa wakas ay nakabalik na siya sa katawan niya.

Hindi niya alam kung paano pero pagkagising niya ay yakap-yakap na niya ang anak niya.

Sobrang namimiss na niya ang mga eto.

Lalung-lalo na ang anak niya,  kaya ganun na lang ang saya niya ng sa wakas ay nakabalik na siya.

"Aba eh mag-asikaso ka na doon at ipaghahanda na kita ng almusal mo.

May pasok ka pa"  ani Lola Berta.

Nakangiting hinarap niya naman eto.

"Lola, chill ka lang po dyan.

Ako na po ang maghahanda ng agahan natin.

Eenjoy niyo na lang po ang paghigop sa kape 'nyo"  sambit niya at gumawi na sa kusina at agad na nagsimulang nagsaing.

Napailing-iling na lang at napapangiti si Lola Berta sa inasal apo at naupo na lang at pinagpatuloy ang paghigop sa kanyang kape.

Pagkatapos maisalang ang rice cooker.

Kaagad na nagtungo si Maureen sa kwarto nila ng anak niya.

"Baby, natulog ka ba ulit?

Inside That Heart of JACK MONTEVERDE (1) (Completed)Where stories live. Discover now